CHAPTER 48

93 2 0
                                    

WARNING:SPJ

Napahikbi ako ng makita ko ang mukha nito.

"Marco" agad kong hinawakan ang magkabilang pisnge nito. Mas lalong tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ang init na nagmula sa katawan nito ng haplosin nito ang ang pisnge ko.

"Shhh, I'm here no one can hurt you Riza." Malumanay nitong wika bago niya ako hinigit papalapit sa kanya.

Siniksik ko ang mukha sa leeg nito at niyakap ito ng mahigpit.

"Saan ka ba galing? Ba't wala ka ng magising ako?" tanong ko rito.

"I pack our things."

Hinahaplos nito ang buhok ko.

"Magsimula tayo ng bagong alaala at mag-umpisa tayo muli."

Napasinghot ako at mahinang tumango sa sinabi nito, sa kabila ng takot na nararamdaman ko kanina ay biglang bulang naglayo at napalitan ng pag-asa ngunit bigla rin itong napalitan ng pag-alala.

Paano ang pamilyang tumanggap sa akin, paano kung may mangyari sa kanila ng masama kapag tatakas ako at sasama kay Marco.

Pwede bang maging makasarili minsan?

Ngunit hindi ko maatim na gawin ito.

Tumungaw ako rito at pinagmasdan ang mukha nito.

"Paano ang pag-aaral natin Marco kung aalis tayo."

Hinaplos nito ang mukha ko. "We can still do our responsibility as student Riza, i already talk them and they agree, they will send as through email and about your projects , i handle it all , please don't stress yourself Riza, makakasama ito sa magiging anak natin, iniisip ko lang ang kalagayan mo lalo na ngayon na may mga natatanggang saktan ka"

Kita ko ang takot sa mga mata nito. " i dont want to lose you Riza, hindi ko makakaya 'yon, please Riza, kahit na malayo tayo rito hindi ko kakalimutan ang pinangako ko sayo sa hustisya para sa pamilya mo, trust me please, trust me Riza."

Hindi ako makasagot agad, dahil nagtatalo ang puso't isipan ko, gusto kong sundin ito pero paano sila Tita , Tito at Jolina , hindi ko kayang may mangyari sa kanila ng masama.

"Pag-isipan mo ito Riza , sana ako naman ang piliin mo."

Nagbagsakan ang luha ko ng lumayo ito sa akin, hindi ko namalayang nakalayo na pala ito sa akin, kita ko ang sakit sa mga mata nito at ramdam ko sa pananalita nito.

Tumalikod ito sa akin at lumabas ng kwarto.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

Ano ba ang gagawin ko?

Naiipit ako sa isang desesyong na napakahirap piliin, kung sino sa kanila ang pipiliin ko ay isa sa kanila ang mapapahamak.

Anim na taon kong nakasama sila Tita,Tito at Jolina , wala man lang akong narinig kahit isang salita sa kanila sa pagiging sampid ko sa pamilya nila , tinuri nila akong katugo at minahal.

Si Marco, ang lalaking mahal ko, ang ama ng anak ko at ang asawa ko, mahal na mahal ko siya, hindi ko maatim na makita pa siyang nasasaktan at sasaktan ang sarili niya kapag-aalis ako.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Binuksan ko ang gripo ng tub , at hinubad ang mga damit ko bago lumusong roon at pinikit ang mga mata.

Sana sa pagbukas ng mata ko may solusyon na akong maisip.

Nagising akong nasa kama na, nakaropa na ako at hindi na basa ang buhok ko.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon