CHAPTER 6

100 7 2
                                    

Nagising akong hinahabol ang hiningga. Napalibot ko ang tingin ko parang nakikita ko ang eksenang nangyaring masilamuot sa buhay ko, ang magulang kong nakabulagta na wala ng buhay ang kapatid kong naghihingalo pinipilit labanan ang kamatayan. Napakalungkot na alala.

"AAAAAAAAHH!" Sinabunutan ko ang buhok ko upang mawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Na--nay ta-tay a--te" Nanginginig kong tawag sa kanila.

Pinilit kong tumayo pero napasalampak ako sa sahig.

Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko .

Parang pinagpipiraso ang puso ko, gabi gabi ko itong nararanasan pero wala paring nagbabago sa nararamdaman ko! Paulit-ulit akong pinapatay! Nauuhaw ako! Nauuhaw sa hustisyang pagpatay sa pamilya ko!
I loved them, sila ang buhay ko. Napakalungkot ng buhay ko ng mawala sila. Pinipilit kong maging masaya sa harap ng tao pero kapag nag-iisa ako lumalabas ang totoo kong damdamin.

Kailan ba ako makakatulog ng maayos? Kapag ba nabigyan na ng hustisya ang pamilya ko o kapag namatay na ako?

Masaya akong tatanggapin ang kamatayan ko, dahil doon magiging payapa na ako pero hindi pa ngayon! Kailangan ko pang masakatuparan ang mga plano ko.

Napatawa ako, para akong masisiraan ng bait habang patuloy parin umaagos ang luha sa mga mata ko.

Nanatili ako sa pagkakaupo ko hanggang naging liwanag na ang paligid dahil sa papasikat na ang araw.

Pinilit kong tumayo at inayos ang sarili.

Maraming buntong hingga ang nagawa ko bago ako lumabas ng maliit kong kwarto.

"Kain ka na Riza!" Bungad ni Aling Terisa na nakaupo sa harap ng hapagkainan at nakahawak ng dyaryo. Land lady ng bahay na kasalukuyan kong tinirahan, mahigit taon na rin akong nakatira dito.

Kumuha ako ng tasa at nagsalin ng maligamgam na tubig doon at naglagay ng maraming black coffee , isang puno ng kutsara rin.

Napapikit akong nilamlam ito ng lalamunan ko.

Nakabibigay ito ng ginhawa sa akin.

Napatingin ako kay aling Terisa na wala paring imik at nagbabasa parin ng dyaryo.

Napahigpit ko ang paghawak ng tasa ko ng makita ang larawan.

Larawan ng mga Scott! Nanggigil akong tinapunan ng tingin ang mga magulang nito, siguro kong makakapatay pa ang tingin ko matagal na itong inuuod at nakalibing sa lupa. Napakatuso ang mga hayop na ito! Hindi pala sila matatawag na hayop! Mga demonyo ang tamang itawag sa kanila.

Wala rito si Marco , ang nakakatandang kapatid laman ang naroon.

Napangisi ako. The youngest CEO, really ?! Matalim ko itong tiningnan bago ako tumayo at umalis.

Natapos ang buong klase na hindi ko nakita si Marco. Iniwasan niya ba ako dahil sa nangyari kahapon? Napangisi ako , kahit anong iwas mo sa akin Marco mahuhulog ka sa patibong ko! Alam kong isang araw lalapit ka sa akin na hindi ko na kailangan pilitin pa ang sarili ko sayo.

Napahawak ako sa tuhod ng makarating ako sa lugar na pakay kong puntahan.

Hingal hingal akong nilibot ang tingin ko.

Nasa mall ako , napakaraming tao.

Kanya kanyang dala ang mga tao ng mga pinagbili nila...

Hindi ako pumunta rito upang magshopping.

Nahinto ang mata ko sa lalaking kakalabas lang ng restaurant habang may kasabay itong matandang lalaki, nag-usap pa ito bago nag-iba ng direksyon.

Malaki ang hakbang kong sinusundan siya.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon