CHAPTER 29

103 7 19
                                    

Kanya kanyang bitbit ang mga tao ng kandila, bulaklak o iaalay para sa yumao nilang minamahal, nagsiksikan ang mga tao at pilit na makapasok sa sementeryo.

Huminto ako sa kinaruruunan ng taong minamahal ko.

Tumulo ang masaganang luha ko at hinaplos ang nakaukit na mga pangalan nila.

"Nay, tay , ate kamusta na kayo dyan? Sobra ko na kayong namimiss." Nagsindi ako ng kandila.

"Nay , narito po ang paborito mong pagkain, niloto ko iyan at kuha kuha ko ang lasa ng pagkakaluto mo." Nilagay ko ito sa puntod niya.

"Ito rin sayo itay." Nilagay ko ang
paborito nitong prutas.

" Ito naman sayo ate. " Nilagay ko ang paborito nitong bulaklak .

Napangiti ako habang naalala ang mga alala ng kahapon.

"Riza! Bilisan mo na jan! Tutunggo na tayo sa may ilog." Sigaw ng nakakatanda kong kapatid habang sinusuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin, ngumiti ako habang namamangha ako sa sarili kong ganda.

"Kanina ka pa jan Riza ! Iniwan na tayo ni nanay at tatay!."

Nabusangot ako ng guluhin niya ang buhok ko.

"Ate naman! Kanina ko pa ito sinusuklay tapos sisirain mo lang!"

Kinuha nito ang suklay ko. Ngumiti ito sa akin. Siya ang nagtirintas ng buhok ko at nilagyan niya ng gumamela ang gilid ng tingga ko.Napangiti ako ng makitang napakaganda at bagay sa akin.

"Salamat ate" Inayos ko rin ang gumamela na nasa tingga niya dahil hindi ito nakaayos. Paborito niya itong bulaklak.

Magkahawak kamay kaming tinahak ang daan papuntang ilog.

Nakita ko si nanay at tatay na naglalambingan.

"Nanay! Tatay!"

"Riza! Wag ka ngang tumakbo!" Inis na wika ni ate habang hinuli niya ang braso ko upang makahinto ako sa pagtakbo, mabato pakasi sa parting ito.

"Napakatigas talaga ng ulo mo hindi ka talaga nakikinig sa ate mo." Ginagaya ko ang pagbigkas ng bibig niya kaya nakatanggap ako ng gurot sa singgit.

Tumakbo ako habang ngumingiwi ang mukha at umupo sa telang inilapag ni nanay.

"Nay! Si ate pinapagalitan na naman ako!" Sumbong ko rito. Tumawa si nanay at tatay.

"Kasi naman po inay napakatigas ng ulo nitong si Riza, pinagsabihan ko lang naman ng h'wag tumakbo--

"Eh kasi ate kinurot  mo ang ano ko!" Pagmamaktol ko at ginagalaw ang paa ko.

Napatawa sila sa inasta ko.

"Anak , makinig ka sa ate mo ginagawa lang naman nito ang tama, sinabi ko naman sayo na sumunod ka sa pinag-uutos ng nakakatanda sayo at gumalang. " hinaplos nito ang pisnge ko. Napabusangot ko lalo ang mukha ko.

"Tay! Pinagkaisahan nila ako." Agad akong lumapit rito at umupo sa hita nito. Agad naman akong niyakap nito at masuyong hinaplos ang pisnge ko.

"Tama naman ang ate at nanay mo, wag matigas ang ulo, ginagawa lang naman namin ang makakabuti sayo."

Mahina akong tumango sa ama ko.

Ngumiti ako sa kapatid ko at ina ko.

"Nay at ate patawad."

"Ayos lang iyon Riza, basta ba makikinig ka kay ate pati kay nanay."

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon