CHAPTER 55

76 2 0
                                    

Tumulo ang luha ko habang paulit ulit na binasa ang documentong nagpapatunay ng totoo kong pagkatao.

Hindi ako galing sa ampunan, kinupkup ako ng hermandez at pinaaral sa isang pribadong paaralan at umalis sa puder nila ng tumuntong na sa tamang edad, naging asawa ko ng lihim si Marco at hanggang ngayon hindi pa kami hiwalay nito.

"Riza anong nangyari?"

Tinapun ko ito sa kanya. Kita ko ang gulat sa mga mata nito ng mabasa ito.

"Magpaliwanag ka sa akin Jacob." Galit kong wika rito, paano niya ito nagawa sa akin! Ilang ulit ko itong tinanong sa kanya pero puro kasulingan lang pala ang sinsabi niya sa akin..

"Ginawa ko lang ito dahil para sa kabutihan mo Riza." Nagtangka itong abutin ang kamay ko at agad ko itong iniwas.

"Ayaw kong pangunahan ka sa mga alaala mo Riza, ayaw kong sabihin sayo ang lahat dahil masasaktan ka kapag pinilit mo itong alalahanin, gusto kong mamuhay ka ng payapa at kalimutan ang nakaraan mo kahit sa sandali lang Riza, dahil alam kong babalik din ang alaala mo, ang alaalang hindi na dapat mong alalahanin dahil sa napakasalimuot nito Riza."

Pinahid nito ang luha ko , nawala ang galit na nararamdaman ko pero nanatili parin ang lungkot dahil nagsinungaling parin ito sa akin.

"Pero bakit mo ako pinagkait sa kapatid mo Jacob? Dapat siya ang mag-alaga sa akin dahil siya ang asawa ko." Lito kong wika rito.

Iniwas nito ang tingin sa akin.
"Hindi niya alam na naaksidente ka Riza, dahil iniwan mo siya bago nangyari ang pag-aksidente mo."

Hindi ko naunawaan kung bakit ko siya iniwan.

"Bakit ko siya iniwan Jacob?" Hindi ito makasagot sa tanong ko. "Please Jacob, sabihin mo naman sa akin ang totoo."

"Natanggap na nang kapatid ko na iniwan mo siya at hindi mo siya mahal, hayaan mo na siyang maging masaya."

Mas lalong tumulo ang luha ko sa sinabi nito. "Totoo bang hindi ko siya minahal, ano ba ang dahilan ko upang pakasalan siya gayong wala naman pala akong nararamdaman rito."

Litong lito na ako, gusto kong i untog ang ulo ko sa pader upang maalala ko ang lahat.

"He manipulate you Riza, wala kang nagawa kaya pinakasalan mo siya umalis ka sa puder nito dahil gusto mong sumama sa akin."

Nagulat ako sa sinabi nito. "Im your secret lover Riza, ako ang totoo mong mahal inagaw kalang ng kapatid ko."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi nito tila may sumisigaw sa utak ko na wag itong paniwalain.

Mahina akong tumango at tumayo. "Gusto ko munang mapag-isa Jacob" wika ko rito bago ako pumasok sa kwarto ko..

Hindi tumigil ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa nalaman ko.

Parang gusto kong iundog ang ulo ko upang bumalik ang alaala na nakalimutan ko na.

Maniniwala nga ba ako rito na siya ang minahal ko pero bakit ngayong wala akong naalala ay si Marco ang sinisigaw ng puso ko.

Nagising akong may humaplos sa likod ko.

"Jacob anong ginagawa mo rito?" Tanong ko rito at umayos ng upo.

"Magkukulong ka lang ba dito sa kwarto mo Riza."

Napaiwas ako ng tingin rito.
"Dalawang linggo ka ng ganito, nag-alala na ako sayo Riza, ilang ulit kitang inaanyayahang lumabas pero ayaw mo."

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon