CHAPTER 2

172 10 1
                                    

Nagpupuyos ang galit ko ng hindi niya tinanggap ang inilahad kong tubig sa kanya.

Tinapon ko sa basurahan ito ng makalabas ako.

"Riza!"

Napahinto ako sa paglalakad ng hinarangan ako ni Jolina.

Hingal na hingal ito at hinawakan ang balikat ko.

Napataas ang kilay ko ng masama niya akong tiningnan.

"Anong ibig sabihin ng ginawa mo kanina!!"   Para itong bubuga ng apoy dahil sa bigat ng hininga nito at tuno ng salita.

"Wag mong sabihin Crush mo rin siya!!" Lumaki ang mata nito. Ngumisi ako.

Nakita ko ang takot sa mga mata nito.
."Riza!! Maraming gwapo ! Marami akong kilalang kasing kisig niya! Wag naman siya! Ako ang nakauna kaya ipaubaya mo na siya sa akin!!"

Para akong nahilo sa pagyogyog niya sa akin kaya iniwaksi ko ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa balikat ko.

"Ayaw mo noon pareho tayong may gusto sa kanya!" Pag-uuyam ko sa kanya.

Lumungkot ang mukha nito. "Riza! Bakit sa damidami ng tao bakit sa kanya pa! Gustong gusto ko si Marco!" 

"Hahahahahaha!!"

Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa tawa.

"Pinagloloko mo ba ako Riza!"

"HAAPPY TRICK!" Mapaglaro kong wika at tinaas ang dalawa kong kamay.

"ARAY!!"

Napakamot ako sa ulo ng batukan niya ako.

"Hindi halloween ngayon para eh HAPPY TRICK MO AKO!!" Singhal nito.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. "Hindi ko iyon magugustuhan! Kita mo naman napakasama ng ugali! Akala niya naman kung sinong gwapo---

"Gwapo naman talaga siya! Makalaglag panty nga eh! Kita mo yong pawis na dumadaloy sa katawan niya parang galing sa---hhmmmmm'!"

Tinakip ko ang bunganga nito!

Parang nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi nito.

"Tumahimik ka kong ayaw mong putulin ko yang malandi mong dila!"

"ARAAAY!!" nabitawan ko ang kamay niya dahil kinagat niya ako.

"Nakakainis ka Riza! Napakakilljoy mo!!"

Inukutan ko siya ng mata bago siya tinalikuran.

"San ka pupunta!!!"

"MAGCCR!!" Sigaw ko at hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ang paglalakad ko, rinig ko ang yapag nito habang sinusundan ako.

Naghilamos ako.

Paulit ulit kong sinasabuyan ang mukha ko ng tubig na nanggaling sa gripo.

Umaasang mawawala ang mga pumapasok sa utak ko.

Napakamao ako.

Wala pa siyang ginawa pero nagulo na ang sistema ng katawan ko !

Pinuno ko ng hangin ang baga ko at binuga ito .

"Shopping tayo Riza!" Tnapik niya ako.

Nagtama ang mata namin sa refleksyon ng salamin.

Nakasimangot ko siyang tiningnan.

Pero nakapout ang nguso nito na parang bebe.

I roll my eyes.

"Preeeeety pleaaase Riza! Alam mo naman na pinapayagan lang ako ni daddy kapag ikaw ang kasama ko!!"

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon