CHAPTER 47

90 3 0
                                    

Hinahaplos nito ng marahan ang buhok ko.

"Namulat ako sa mundong ito na puro kasinungalingan Riza, pinilit kong makibagay sa lahat pero sa tuwing sasaya na ako ay agad din itong napalitan ng sakit, gusto ko lng namang mahalin ako Riza."

Inangat ko ang mukha sa pagkasubsub ko sa leeg nito.

Kita ko ang kalungkutan at sakit sa mga mata nito pero nangingibabaw ang pagkauhaw nito sa pagmamahal.

"Nilaan ko ang atensyion sa ibang bagay upang hindi ko maramdaman ang sakit pero sa tuwing pagsapit ng gabi --- lahat ng sakit nang alala ay muli kong naalala, pinili kong maging bato upang hindi ako masaktan muli pero ng makilala kita Riza , nagbago ang lahat."

Hinaplos nito ang pisnge ko , napapikit ako ng masuyo niya itong hinaplos.

"Marco." Piyok kong wika. Hindi ako karapatdapat sa pagmamahal na binibigay niya sa akin, napakasama ko , bakit ko sinasaktan ang lalaking ito na ang tanging binibigay nito sa akin ay pagmamahal.

"Pinangako ko noon na walang sino man ang muling papasok sa buhay ko pero napako ito ng makita kita, ang pusong pinatigas ko ay muling lumambot at nangarap sa isang pagmamahal na matagal ko ng gustong maramdaman."

Napapikit ako ng hinalikan niya ang labi ko ng marahan.

Abot ang hininga namin ng maghiwalay ang labi namin sa isa't isa.

"Nangarap ako Riza"

Pumiyok ito ng sabihin niya ang salitang ito.

"Nangarap ako namahalin ako ng isang katulad mo kahit--kahit na pinagkaitan man ako sa lahat ang mahalaga sa akin ay ikaw pero baakit? Bakit?---

Habang sinasabi niya ito parang pinagsaksak ang puso ko.

"--bakit napakahirap mong abutin?"

Tumulo ang butil sa mga luha nito muli.

"Mahirap ba talaga akong mahalin Riza?"

Umiling ako sa sinabi nito at kinagat ang ibabang labi ko upang hindi lumabas ang hikbi sa bibig ko.

"Bakit? Bakit hindi mo magawang mahalin ako??"

Ang mata nitong nangungusap na mahalin ko siya pabalik ay mas lalong  bumigat sa aking kalooban.

"Hindi- umiling ako muli "----hindi ka mahirap mahalin Marco." Piyok kong wika, hinaplos ko ang mga pisnge nito.

Tiningnan ko siya ng puno ng pagmamahal.

"Mahal kita Marco."

Ang mata nito ng puno ng sakit ay kumislap pero saglit lang at muling bumalik sa dati.

Nanginig ang labi nito at tumulo ang luha sa mga mata at pumikit ng mariin.

"Say it again Riza."

Mas lalong tumulo ang mga luha ko dahil napagtanto kong hindi ito naniniwala na mahal ko siya, oo nga naman sinabi nitong magpanggap akong mahalin ko siya, ito siguro ang nasa isip niya.

Mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan ang kanyang mga matang nakapikit.

Tinukod ko ang noo ko sa kanyang noo ng matapos kong halikan ang tungki ng ilong niya.

Tinigan ko ang mga mata nitong nanatiling nakapikit.

"Mahal kita Marco." Buong puso kong wika ulit.

Binuka nito ang mga mata nito, wala na ang sakit sa mga mata nito pero nanatili ang lungkot sa mga berde nitong mata.

"Mahal din kita ng sobra Riza."

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon