CHAPTER 45

111 2 0
                                    

Ang buhay ay parang isang puno, matayog, matatag pero di lahat ay matibay merong matayog pero sa simpleng bagyo lamang bibigay agad.

Katulad ng buhay ko pinilit kong maging matayog pero sana simpleng bagyo lamang ang dumating sa buhay ko kagaya ng puno na kahit anong baluktot man ay  kayang lampasan.

Mahahalintulad kaya ako sa puno na kahit anong hampas man ng hangin , babaluktot man pero kaya nitong lampasan at babangon sa bagong buhay.

Napatingin ako sa kamay nitong hinaplos ang tiyan ko.

"Pumasok na tayo." Wika nito dahil mas lalong lumamig ang hangin.

Ang mga dahon ay nalalagas at ang mga alaalang malulungkot ay nalalagas din , nililipad ito ng hangin.

Ang mga alalang natutunang ko ng tanggapin dahil sa taong ito.

Ang taong ito na kahit ano mang sakit at pighati ang nagawa ko ay kaya niya akong patawarin at mahalin ng tunay.

Siya ang sumipol na munting dahon na nagbibigay sa akin ng bagong pag-asa , siya ang magiging sandigan , masisilungan at makakaramay.

Pinisil ko ang kamay nito at nilingon siya at ngumiti.

Kita ko ang pag-alala sa mata nito sa akin.

"Hindi na sana tayo pumunta rito."

Iniwas ko ang tingin rito at sumulyap sa labas na may papasok na sasakyan.

Ginaya niya ako papasok sa kwarto nito. Narito kami sa mansyon nito.

Kaarawan ng ama nito, simple lamang ang pagsasalo dahil lilipad ito sa ibang bansa mamaya.

May mga bisita pero mga pili lamang.

Hindi nakisalamuha si Marco kaya narito kami sa kwarto nito.

Umupo ito sa gilid ng kama nito at kinanlong ako.

Napakagat labi ako ng hinahaplos nito ulit ang tiyan ko.

Napakainit ng palad niya at bilyong boltahe ang nararamdaman ko.

Kita ko ngayon ang saya sa mata niya habang hinahaplos niya ito.

Bago kami pumunta rito ay dumaan pa kami sa Ob at nalaman kong higit dalawang buwan na palang buntis ako, hindi ko akalaing sa unang pagtatalik namin ito mabubuo, akala ko hindi ako mabubuntis dahil sa araw lang naman iyon ko nakalimutang uminom, nakalimutan ko kasing uminom noon dahil sa excited akong makita ang mukha ng ina nito habang kasama ako ni Jacob sa pagbukas ng branch nito.

Walang saysay pala ang pag-iinum ko ng pills pero hindi naman ako magsisi dahil mahal na mahal ko sila ng ama nito.

Excited na rin akong makita ito.

Napakalakas talaga ng pakiramdam nito, tama nga ito na buntis ako.

Hindi ko napigilang haplosin ang buhok nito,kahit na magulo ito ay napakalambot at napakabango nito.

Tumigil ito sa paghaplos ng tiyan ko at sa mukha ko na ito nakatuon.

May lungkot akong nakikita sa kanya mga mata habang ngumiti ito sa akin.

Napapikit ako ng hinimas niya ang ilong sa akin bago ko naramdaman ang masa masa nitong labi.

Napakaingat ng galaw ng halik nito sa akin, tila hinihila niya ako patungong langit dahil sa sarap ng halik nito, kahit na rinig ko na ang ingay ng ulan sa labas ay mas naririnig ko ang halikan naming dalawa, para akong nababaliw sa halik nito.

Napaungol ako ng maramdaman ang kamay nito sa gitna ko at mahina itong hinihimas.

Ang kamay nitong nakahapos sa likod ko ay nasa balakang ko na at mahinang pinipisil ito.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon