CHAPTER 36

100 4 2
                                    

"Hey! Nangangamoy laway na ako !!" Tawa kong wika rito dahil kanina pa niya hinalik halikan ang pisnge ko.

"Napakaselosa talaga ng asawa ko." Ngiti nitong wika.

Inikutan ko ito sa mata, at inis ko siya pinisil sa pisnge. "Kaya ba hindi mo ako gusto isama dahil narito ang babaeng iyon!!"

Tumawa ito sa sinabi ko. "Loyal ako asawa ko hindi ako titingin sa ibang babae."

Napakagat labi ako dahil sa kilig.

Pero agad ko itong tinampal sa balikat. "Umuwi na tayo Marco!"

Sumimangot ito dahil sa pagtawag ko sa pangalan nito.

Hinila ko ang kamay nito papuntang sasakyan niya.

Napailing ako ng sumusulyap ito sa akin, nakasimangot ito.

"Tingin sa daraanan."

Nakinig naman ito at hindi na niya ako sinulyapan pero inabot nito ang kamay ko at pinagsalikop.

Pinipisil ko naman ito at nakita kong napapangiti na ito.

Pinikit ko ang mata ko at dinaramdam ang mainit nitong palad.

Gustong gusto ko ang init nito dahil parang inihele niya ako.

Nabuka ko ang mata ng huminto ang sasakyan.

Napatingin ako sa labas at agad na tuwang napalingon sa kanya.

"May hotspring rito!!!"

Tumawa ito sa sinabi ko.

Agad akong lumabas, nakaramdam akong ng excitement dahil matagal ko narin gustong maligo ng hotspring o kaya'y coldspring.

Napakagat labi ako ng maramdaman ang init ng tubig sa paa ko.

Napalingon ako rito ng siya na ang naghubad ng robe bath ko.

Napakagat labi ito ng makita ang hubad kong katawan.

"Maliligo tayo rito , Marco." Paalala ko rito.

Umupo ako at hanggang balikat ko ito.

Masaya akong nagtatampisaw sa tubig.

Masaya akong lumingon rito ng yakapin niya ako patalikod.

"Nagustuhan mo ba rito?"

Tumango ako. "Thank you, Marco." Ngiti kong wika bago ko sumandig sa katawan niya.

Magkadikit na ang pisnge namin at napapikit ako ng hinaplos nito ang tiyan ko.

"Riza?

"Hmmn"

"Bakit gusto mong pangalan mo lang ang itawag ko sayo."

Inabot ko ang pisnge nito at mahinang hinihimas.

"Dahil kapag tinatawag mo ang pangalan ko marco parang napupunan ang kulang na narito sa puso ko."

Mahina niyang pinatakan ng halik ang pisnge ko.

"Parang kasama ko na ang pamilya ko kapag binabangit mo ang pangalan ko."

Hinawak nito ang panga ko at pinaharap sa kanya.

"Simula ngayon pangalan mo na ang itatawag ko."

Napapikit ako ng halikan niya ako ng mahina.

Mas lalong naging mainit ang pakiramdam ko dulot ng halik nito sa akin.

Masuyo ko siyang hinaplos sa pisnge ng bitawan nito ang labi ko At tinagilid ko ang katawan ko upang makita ko siya.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon