CHAPTER 40

102 3 2
                                    

"Kailan kayo naging malapit ng ganyan Riza." Iniwas nito ang mukha nito ng magtangkang halikan ko ito.

Niyakap ko ito ng mahigpit. "I miss you Marco."

"Sagutin mo ako Riza!!" Maawtoridad nitong wika.

Nadagdagan ang kaba sa puso ko dahil sa gulat , hindi ko inaasahang uuwi ito ng maaga.

Alam kong nagseselos ito dahil narinig niya ang pag-uusap namin ni Jacob.

Pinipilit kong maging natural sa harap niya.

"Dalawang araw palang Marco."

Inalis nito ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Umalis lang ako rito nakahanap ka na ng iba!".

Napailing ako sa sinabi nito. Alam kong mas naging galit ito sa kapatid nito dahil sa ginawa nito sa akin.

"Magkaibigan lang kami."

"Magkaibigan! Ganon ba ang magkakaibigan! Kung magkayakap kayo sa bar kulang nalang pumunta kayo sa hotel!"

Paano niya ito nalaman na niyakap ako nito.

"Akala ko ba si Jolina ang kasama mo! Bakit ang kapatid ko ang kasama mo" sumbat nito.

"Magkasama naman talaga kami Marco, nagkataon lang na nandoon ang kapatid mo."

Kahit madilim ay alam kong galit ang mukha nito.

"Magkasama na nga kayo sa bar pati sa condo ko magkausap parin kayo!"

Nakaramdam ako ng guilt dahil tama naman ito.

"Sinabi ko sayong magkaibigan lang kami Marco." ulit kong wika rito upang pumasok sa utak niya ito, nagseselos ito.

"Sinabi ko sayo noon riza ayaw na ayaw kong may kausap kang iba at lalong ayaw kong may kaibigan kang lalaki!" 

Narito na naman ang pagiging possessive nito sa akin.

"Kapatid mo siya at mahal kita."

"He flirting you Riza!! Aagawin ka niya sa akin!"

Napailing ako sa sinabi nito at hinaplos ang pisnge nito.

"Nasa kanya na ang lahat Riza! paano kung mahulog ka rito, Paano kung iwan mo ako dahil siya na ang mahal mo, Paano ako!? Paano ako Riza, hindi ko kayang mabuhay na wala ka." Ramdam ko ang takot sa boses nito.

Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan.

"Please Riza hindi ako matatahimik hanggat alam ko na malapit kayo sa isat isa."

"Marco."

"Mahal mo ko diba, gawin mo ito."

Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito.

"Magtiwala ka naman sa akin Marco, hindi lang tayo ang nabuhuhay sa mundong ito, hindi maiiwasang may makakausap ako o makilalang iba."

Hinawakan ko ang magkabilang pisnge nito.

"Mahal kita Marco, magtiwala ka naman sa akin." Pagsusumamo ko rito.

"Nagtitiwala ako sayo Riza pero wala akong tiwala sa nakapaligid sayo."

Tumulo ang luha ko at binitiwan siya.  "wala kang tiwala sa akin Marco! kung nagtitiwala ka nga sa akin bakit ang dali mo akong husgahan?"  Hinanakit ko rito dahil palagi niya akong pinagdududahan.

"nagalit lang ako at---

"Hindi sa lahat ng galit mo  , susumbatan mo ako na tila ba napakarumi kong babae!"

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon