CHAPTER 1

307 10 2
                                    

Napayakap ako sa sarili ng humangin ng malakas , nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok hanggang gumapang ito sa balikat ko at buong katawan.

Tila ba may masamang mangyayari ngayon.

Ang tunog ng dahon , ang ingay ng insekto at ingay ng lakad ko lamang ang naririnig.

Ang paligid ay nagsisimula ng dumilim.

Ang buwan ay unti unting natatabunan ng ulap.

Napakadilim.

Nakakatakot.

Tila nagbabadya ang isang ulos , ulos ng kalungkutan, ulos ng pighati.

Binilisan ko ang lakad ko hanggang nauwi sa takbo.

Hindi ko malaman kong bakit!

Bakit tumutulo ang luha ko.

Dahil ba ito sa problemang hinaharap nang pamilya ko?

"Na---Nay"

Para akong nabato sa pagkakatayo ko ng makita ang bahay naming madilim, wala man lang ilaw rito, para akong may naririnig na pagdaing tila ba nag-aagaw buhay.

Nagtabulan ang puso ko tila gudtong kumawala sa dibdib ko.

Malaki ang hakbang ang nagawa ko hanggang narating ko ang pinto.

Ang pinto naming nakaawang.

Nanginig ang buo kong katawan ng inakbang ko ang paa ko kahit wala akong makita sa loob.

Dalawang hakbang lamang iyon pero tila ako nauupos ng kandila habang nasisinagan ang munti naming bahay ng buwan.

"A--te"

Napahawak ako sa bibig ko ng gusto ng kumawala ang hikbi sa mga labi ko.

Ang munti naming bahay, ang malinis naming bahay, ang tahanan naming puno ng masayang alala ay naliligo ng dugo.

Pinilit kong lumapit sa kapatid kong naghihingalo.

"Ate!" Hinawakan ko ang kamay niya.

Naliligo siya sa sarili niyang dugo.

"U--malis ka na dito Riza"

Umiling -iling ako at nataranta habang pinagmasdan siyang nahihirap ang paghinga. "Ate ! Kayanin mo, hihingi ako ng tulong---

Tumayo ako upang tumawag ng tulong sa labas.

"RIZA! UMALIS KA NA!"

Napahinto ako sa kinatayuan ko. "Oooh" napahawak ako sa tiyan ko dahil sa pagkasaksak sa akin.

WAG! WAG ANG KAPATID KO!!MGA HAYOOP KAYOO!!"

"Aaah" napayuko ako at nanginig ang kamay ko ng makita ang dugong lumalabas sa katawan ko ng binunot nito ang pagkakasaksak sa akin.

Pinilit kong inangat ang tingin ko upang makita ang gumawa sa akin nito, hindi ko ito makilala dahil nakatalikod ito papalabas sa bahay namin.

Unti-unting lumabo ang tingin ko at napabagsak ako sa sahig.

Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang mga magulang ko.

Nakabulagta at naliligo rin ng sariling dugo na malapit sa kusina.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon