CHAPTER 32

88 5 6
                                    

Akala ko ay makakatanggap ako ulit na marahas na pananalita galing sa ama nito.

Kahit galit ay wala akong mababakas ,
Ang tanging nakiKita ko sa mga mata nito ay pangungulila habang tinitigan ako  , alam kung nakikita nito ang mukhang ito sa babaeng minahal nito noon.

Kita ko sa larawan nila na mahal na mahal nila ang isa't isa.

May bahagi sa utak ko na gusto kong malaman ang nakaraan nito pero mas nanaig sa isip ko na wala ng saysay kung malaman ko man o hindi, ang mahalaga sa akin ay ang ngayon.

"Lets go at the pool." Bulong nito sa akin, kanina pa niya ako inaanyayahang pumunta kami roon.

Tumango ako rito.  "Later Marco, pinapunta ka sa daddy mo sa library, puntahan mo muna." Wika ko rito.

Hinalikan niya ako sa labi at iniwan niya ako sa kwarto nito.

Pati sa kwarto nito ay simple lamang pero ang kaibahan lang ay may mga larawan nito. Natutuwa akong pagmasdan ito.

Napatunayan ko sa sarili na nagmana ito sa ama nito , pati mukha at pangangatawan ay kuhang kuha sa ama nito, kung wala lang itong kunot sa noo ay masasabi kong kambal ito.

Iba talaga kapag mayaman ka dahil kaya mong mapanatili ang kutis at ganda ng pangangatawan .

Bago pa nakaalis sila Tita, naging maayos ang gabi namin kahit ramdam ko ang tensyon nila Tito kanina ay maayos naman ang pakikipag-usap nila , mas naging maayos rin dahil wala ang Ina nito at si Jacob, hindi ko na inalam kung bakit.

Napangiti ako ng marinig ko ang bukas ng pinto. Hindi ko ito nilingon at hinaplos ang picture nito.

"Bakit bumalik ka agad, tapos na ba kayong mag-usap ng ama mo?" Wika ko at inilagay ito sa dating pwesto.

Napakislop ako ng yumakap ito sa akin.

Nagtambulan ang puso ko.

"Bitawan mo ako." nanlalamig ang buo kong katawan sa klase ng yakap nito sa akin.

"I miss you misis." Nagsitayuan ang batok ko dahil sa sinabi nito.

Nataranta ako at pinipilit na inalis ang kamay nito sa akin. "Jacob! Bitawan mo ako!"

Naramdaman ko ang paglambot ng kamay nito.

Ang bilis ng pangayayari ay nakaharap nako rito habang pilit niya akong hinalikan sa labi.

"Please stop!" Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil naamoy kong nakainom ito.

Pilit ko parin iniwas ang tmukha ko kaya sa pisnge niya ako nahahalikan.

"Ano ba!!!" Nanginginig ang boses ko habang tumutulo ang luha ko.

"Pinilit ka lang ba ng kapatid ko upang pakasalan siya Riza." 

"Hin--di" nanginginig kong wika ramdam ko ang buga nito sa leeg ko.

Hinawakan niya ang pisnge ko ko kaya nakaharap na ang mukha ko sa mukha nito.

Mas lalong akong lumuha dahil sa nararamdaman kong guilt dahil kita ko sa anyo nito na nasasaktan ito.

"San ba ko nagkulang? Bat ang bilis ng pangyayari , nag-usap pa tayo ng araw na iyon , sinabi mong walang nagbago!" Napaiwas ko ang tingin ko rito dahil hindi ko makayanan ang pagtitig nito sa akin. Napasinghap ako ng lumapat ang labi nito sa akin. Buong lakas ko itong tinulak.

"Hindi ako napipilitan Jacob!"

" Sa tingin mo ba naniniwala ako" Hinawakan nito ang pulupulsuhan ko  , napapadaing ako dahil sa higpit ng hawak nito dito.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon