CHAPTER 27

107 7 12
                                    

"Bakit Riza, Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?!" kinuha nito ang kamay ko.

"Jacob, matulog ka na" binalik ko siya sa pagkakahiga, nakainom ito at lasing na lasing.

Pumikit ito ng mariin, napabuntong hininga ako ng makitang malalim na ang hininga nito.

Nang maayos ko na siya sa pagkakahiga ay naglatag ako ng bedsheet sa sahig upang dito matulog, narito siya sa kwarto ko, malalim akong na pabuntong hininga, kinabahan ako kanina, akala ko si Marco.

Kinuha ko sa bag ko ang marriage contract na binigay sa akin ni Marco.

Hinaplos ko ang nakaprintang pangalan nito at may perma.

Tatlong araw na rin ang lumipas at bukas na ang huling kontrata ko sa pagkakatrabaho sa kanya, hindi na niya ako pinapatrabaho dahil hiningi ko itong pag-iisipan ko ang lahat at bukas na rin ko ito ibibigay sa kanya.

Napasulyap ako kay Jacob, nag-usap na kami. Kahit wala akong sinabi rito ay alam nito na si Marco ang mahal ko.

Nakaramdam ako ng kunsinsya dahil sa nagawa ko. Pinaasa ko siya at sinaktan, wala rin pala akong pagkakaiba sa magulang nito dahil napakasama ko, naiisip ko itong paghihigante sa pamamagitan nito , hindi naman talaga nila ito kasalanan.

Hindi ako nakatulog ng maayos.  Maaga akong naghanda ng maiinom at makakain ni Jacob, iniwanan ko siya ng sulat bago siya iniwan.

Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig pero nangingibabaw ang kaba ng dibdib ko habang tinatahak ko na ang condo ni Marco.

Papasikat na ang araw , hindi ko alam kung madadatnan ko si Marco dahil maaga itong gumising at maaga itong umaalis kapag may mga lakad ito.

Kung wala naman ay nagjojoging ito.

Napahinto ako ng makita ang kakalabas na babae sa condo ni Marco.

Sino ito?? Ngumiti ito bago ito umalis sa harap ng condo nito.

Hindi maalis sa isipan ko ang saya sa mukha ng babaing iyon.

Nakaramdam ako ng galit at malaking hakbang kung tinungo ang condo ni Marco.

Nanginginig ang kamay ko habang nilalagay ang password nito.

Agad kong binalibag ang pinto nito ng makapasok ako.

"Sino ang babaeng iyon marco!?"  Tiningnan ko siya sa mga mata pero wala ka mang mababakas na emosyon.

Bumaba ang tingin ko sa katawan nito, wala man lang damit pangtaas
Pinagpalit na ba niya ako? O nagsinungaling lang ito sa mga sinabi nitong mahal niya ako.

"Pwede mo ng makuha ang mga gamit mo rito."

Malamig niyang wika at kinuha ang baso na nasa lamesa at uminom ng tubig.

Ano ba ang pinagsasabi niya. Nag-iinit ang mga mata ko.

"Ito na ba yong sinasabi mong paglalaruan mo ako Marco?" Nasasaktan kong wika.

Binagsak niya ang baso at tiningnan niya ako ng matalim.

"Shit Riza! Hindi mo ba nakikita! Pinapalaya nakita, Kunin mo na ang mga gamit rito at umalis ka na!!"

Nanghina ang buo kong katawan.

Napangisi akong mapait. So he give up with me. Akala ko ba hindi siya susuko hanggang mahalin ko siya pabalik, bakit ngayon gusto na niya akong mawala sa buhay niya.

"Papaalisin mo ako dahil may iba ka ng ipagpapalit sa akin? Yon ba Marco ?! "

Naging blangko ulit ang mata nito, tama ba ako?, ang bilis namang magbago ang pagmamahal niya sa akin, mahal nga ba niya ako? O tama ngang pinaglaruan niya lang  ako.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon