CHAPTER 37

92 4 5
                                    

Tulak ko ito ng magtangkang pumasok ito sa condo ni Marco.

"Ano ang kailangan mo rito Jacob."

Seryoso ang mukha nito habang sinusuri niya ang buo kong katawan.

Kinabahan ako sa klase ng tingin nito.
Hindi ko nakalimutan ang pagtangka niyang kahasain ako.

"Alam ko na ang lahat Riza."

Mas lalong nagtambulan ang puso ko at ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan.

"Naghihigante ka dahil sa ginawa ng ina ko sainyo."

Inabot ko ang braso nito at hinila papuntang rooftop.

"Bakit mo ako dinala rito Riza, ayaw mo bang marinig ng kapatid ko na naghihigante ka lang at ang plano mo ay saktan kami."

Umiling ako dahil wala na akong plano pang maghigante. Nakita ko ang galit sa mga mata nito.

"Wag ka ng magsinungaling pa Riza! I know everything! Na ang ina ko ang may pasimuno ng pagpaslang ng pamilya mo! Hindi ako naniniwala na nakipaglapit ka sa buhay namin na walang gagawin."  Nakita ko ang sakit sa mga mata nito . "Kaya ba nakipaglapit ka sa akin upang mapaibig ako sayo?"

Napaiwas ako ng tingin rito. Dahil hindi ko nakayanang salubungin ang tingin rito, narito na naman ang konsensyang nararamdaman ko alam kong mali ako sa ginawa ko.

"Masaya ka ba na nakikita akong baliw sayo!? Katulad ng kapatid kong baliw na baliw sayo at nagawa ka pang pakasalan. " napadaing ako ng hinawakan niya ako ng mahigpit sa balikat ko.

Kita ko ang pamumula sa mata nito at ang sakit sa likod ng berde nitong mata.

"Iiwan mo rin ang kapatid ko tama ba ako?" Inangat nito ang kamay nito sa pisnge ko at hinaplos ito.

"Pwes iwanan mo na ang kapatid ko Riza, pakasalan mo ako."

Gulat ko siyang tiningnan. Nalilito ko siyang tiningnan at winaksi ang kamay nito sa pisnge ko.

"Ako ang piliin mo Riza, Mas masasaktan mo ang magulang ko kapag ako ang pinakasalan mo, Nakapangalan na sa akin ang kompanya namin at magkakaroon ka ng kapangyarihan dahil sa akin!"

"Bitawan mo ako jacob!" tinulak ko siya hindi ko kayang marinig ang mga sinasabi nito sa akin.

"Hindi ka nila kayang saktan kapag nasa puder kita, kaya kitang protektahan Riza sa mga magbabanta sayo."

"Tumigil ka na Jacob! Wala na akong planong maghigante pa! Please stop talking nonsense!"

"Hindi ako naniniwala Riza!!!" Inabot nito ulit braso ko pero agad ko itong iniwas sa kanya.

"Mahal ko ang kapatid mo." Naging blangko ang mukha nito.

Kinabahan ako lalo.

"Hihintayin kita sa condo ko Riza--

"Bakit naman ako pupunta roon! Jacob?"

"Kung ayaw mong sabihin ko sa kapatid ko ang lahat ng ito , pumunta ka sa condo ko."

Nalilito akong pinagmasdan ko siya, tumulo ang mga luha sa mga pisnge ko.

"Hindi mo ito magagawa sa akin! Asawa na ako ng kapatid mo."

Nakita ko ang ngisi nito at nanindig ang mga balahibo ko , hinila niya ako papalapit rito, awtomatikong tinukod ko ang kamay ko sa dibdib nito para may distansiya ang katawan namin.

"Alam kong uhaw ka sa hustisya para sa magulang mo Riza." Ramdam ko ang haplos nito sa likod ko.

"Fuck you Jacob!" Buong lakas ko itong tinulak.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon