(Dominica's POV)
Three weeks have passed...
Naging busy ako sa school after that day na na-encounter ko ang aroganteng hayop na iyon na may deep dark blue eyes na parang hinuhubaran ako... chaar. But damn! Kahit anong inis ko sa pagiging full of himself aura nya, di ko talaga maiwaksi ang angking kagwapuhan nito sa aking isipan... may mga times ding napapanaginipan ko sya, nasa isang dungeon daw kami... and its not a sweet dream... its a total nightmare. Mabuti na lang talaga at naging busy ako ng mga nakaraang araw dahil graduating na ako, at sina Ysa, Daniel at Anthony din kasabay kong ga-graduate.
And today is that day...
The 25th Graduation Ceremony of Falcon University.
Hindi sana ako aattend, dahil paniguradong maraming pupuntang media na makikiustsuso dahil as usual present na naman ang mga politiko roon. Mula presidente hanggang sa mga congressman... dahil kay Daddy, magka-senador ka ba namang ama eh... tss.
Pero something is pushing me to go... kasi parang... parang may malalaman akong mahalaga concerning my school... pero ikinibit balikat ko na lang ito dahil baka wala lang iyon.
Nag-ayos na lang ako... simpleng white lacy dress lang ang suot ko at three inches silver stiletto kasi papatungan naman ito ng toga. Baccalaureate Mass kasi namin ngayong umaga... and tumawag si Mommy na pupunta daw sya with Daddy and Kuya Dom... and she wants me to see wearing a black toga, meaning a degree holder... kaya pagbibigyan ko na.
Naglalakad na ako sa hallway sa likod ng gymnasium. Oh well, sa likod kasi ako dumaan... sa secret passage ko rito sa University na ako lang ang nakakaalam... kasi umiiwas nga ako sa mata ng media na nakatambay sa main gate. May mga celebrity at mga estudyanteng galing sa mamayamang angkan din kasi ang gagraduate kaya lagi talagang present ang media every may ganap sa University.
Pakaliwa na sana ako sa isang pasilyo papasok ng gym when I heard voices sa di kalayuang silid. At sa pagkakaalala ko its the storage room... memorized ko ang blue print ng school na ito because this would be mine someday... di ko na sana pagbibigyang pansin ang ingay na naririnig ko kasi baka mga janitor lang ito na may kukuhanin sa storage room. But something is pushing me to check it out... at dahil sa isa akong pusang puno ng kuryusidad sa katawan kaya dahan dahan akong naglakad patungo roon.
"Boss... sa susunod na linggo na ang auction sa underground. At paniguradong maraming pupuntang elites doon... kaya magandang pagkakataon yun maglabas ng bagong droga."
Droga?
"Osge. Handle it, Simon! Siguraduhin mo lang na malinis ang mangyayaring bentahan."
Napakunot noo ako. Hindi ako pwedeng magkamali... boses iyon ni Ninong Garry.
Sen. Garry Fontanilla. Is he? a drug syndicate? Naramdaman kong papalabas na sila... kaya agad akong nagtago sa likod ng isang drum na naroroon. I need to confirm it... kung sya nga talaga ang nasa storage room.
Nanlaki ang mga mata ko! T*ngina! Sya nga... ang isa sa kababata at matalik na kaibigan ni Daddy. Kasabayan nyang pumasok sa politika... Mayor si Daddy habang sya ang Vice Mayor. Naging Congressman si Daddy, habang sya ang Governor, at ngayon nga ay parehas na silang nasa senado. Isa din ito sa benefactor ng Falcon University kaya hindi ako makapaniwala! He is a drug dealer. Damn it! Alam ba to ng Daddy ko? Is my Dad also part of this? Nako... wag naman sana, hindi ko kakayaning malaman na sangkot si Daddy sa mga ganoong klase ng illegal. Oo, I am a famous highest bidder of guns/firearms in black market. But I never deal with drugs, I never tasted it... kahit halos lahat ng kaibigan ko sa black organizations ay mga high. Hindi ako nagsubok tumikim nun. But damn it!
BINABASA MO ANG
CRY OF RELEASE
RomanceDominica Falcon, a Senator's rebellious daughter, wants to identify who should trust or not in a world full of cruelty and torture. And meeting Alesandro Estevan, the blue-eyed hot devil in human form made it more intense for her to live the life s...