(Fontanilla's POV)
"I thought... Dominica Falcon was already dead, Dad!" Napatingin ako sa aking anak na si Grace nang magsalita ito. Kararating lang nito galing Switzerland at ang sama na agad ng awrang meron ito. Pero sa binanggit na pangalan nya nakuha ang buong atensyon ko.
"What did you say, Grace?" tanong naman kaagad ni Gilmore sa kapatid nya na nakuha din ang atensyon dahil sa sinabi nito.
"Paulit-ulit, kuya? Nakita ko sabi si Dominica the bitch! Akala ko patay na yung bruhang yun dahil wala na akong news tungkol sa kanya at kasama nya pa talaga yung super crush kong bachelor na si Alesandro Estevan," tugon nito, kaya nagkatinginan kami ni Gilmore.
Wala kasing kaalam-alam tong babaeng anak ko sa mga totoong kalakaran ng La Familia, dahil puro gastos lang ang alam ng batang iyan, hays!
"Saan mo sila nakita?" tanong ulit ni Gilmore habang ako ay tamang nakikinig lang sa kanila.
Kailangan ko ng makuha ang golden book sa kamay ni Dominica Falcon... and to have the book, I need to get her first.
"Malamang sa Switzerland dahil doon lang naman ako namalagi ng limang buwan. Gosh! Pero alam nyo pinagtataka ko lang parang hindi nya na ako maalala. And the worst part is... I think, they are already married," aniya pa nito na nagpakuyom ng palad ko. Damn, Sandro Estevan! Ano ang pinaplano mong demonyo ka.
Napansin ko naman ang pagtayo at papalabas na sana na bulto ni Gilmore pero pinigilan ko ito,
"Gilmore! Where are you going?"
Lumingon lang ito at nagsalita,
"Kukunin ko ang dapat ay akin lang...."
******************************
(Vanilli's POV)
"Merong handang magsalaysay ng lahat ng kabalastugan at baho ni Gary Fontanilla..." sambit ko nang makaupo na ang kararating lang na si Sandro galing sa Switzerland.
Tumingin lang ito sa akin sandali at dumako na ang tingin sa katabi ko na nakatakip ang buong mukha at ang magiging whistle blower namin pag nagkataong pumayag si Sandro na pagkatiwalaan ang taong ito.
Pero sigurado ako magugulat si Sandro kapag nalaman nya kung sino ang nasa likod ng nakatakip na balabal na iyan, dahil kahit ako ay nagulat nang malaman ko kung sino ito --ang akala naming patay na ay buhay na buhay pa pala.
"Who are you?" tanong ni Sandro rito.
At dahan dahang inialis ng whistle blower ang kanyang balabal na nakatabon sa kanyang buong mukha.
Nang maialis nya na ito ay ganun na lang ang pagkagulat sa mga mukha nila Dexter, Exael, at lalong lalo na ni Sandro --napaayos pa nga ito ng pagkakaupo.
Tanging ako lang ang hindi nagulat dahil nagpakita na kasi ito ng kanyang mukha nang ipakilala sya sa akin ni Capt. Vergara na handa ngang maging whistle blower para maipakulong na namin ang hayop na si Sen. Gary Fontanilla at mailabas na ang walang salang si Sen. David Falcon sa kinasadlakang kulungan. Pero nung una palang ayaw ko talagang pumayag dahil alam ko ang nakaraan nila ni Sandro, ngunit may mga hawak siyang ebidensya --ang missing piece ng puzzle na hinahanap namin ay nasa kanya pala. And hindi nya ito basta ibibigay kung hindi sya mismo ang sisiwalat ng mga baho ni Fontanilla. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ng babaeng ito --but right now, we've got no choice but to accept her as an ally.
"Greta Franchois?" gulat na sambit ni Exael.
Yes, it's Greta Franchois --Sandro's first love who betrayed him.
BINABASA MO ANG
CRY OF RELEASE
RomanceDominica Falcon, a Senator's rebellious daughter, wants to identify who should trust or not in a world full of cruelty and torture. And meeting Alesandro Estevan, the blue-eyed hot devil in human form made it more intense for her to live the life s...