FIFTEEN

2.2K 80 7
                                    


(FREDA'S POV)

"Wala pa din bang balita??" Tanong ko sa mga taong naroroon, si Daniel habang buhat buhat ang anak namin, Dominic, Anthony, Kuya Leyson, at Hani.. pagkapasok na pagkapasok ko sa Mansion ng mga Falcon..

Pero iling lang ang natanggap kong tugon sa kanila..

Damn this!

Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustration..

Nasasaan ka na ba.........


Dominica Falcon??

********************************************************************

Lumapit sa akin si Daniel kaya kinuha ko sa kanya si Victoria na busy naman kakangatngat ng biscuit na ibinigay ng Tito Leyson nya sa kanya kanina.

"Hello baby.." sambit ko rito at hinaplos ang kanyang matambok na pisngi.

"Ma-ma.." munting pagtawag nito sa akin sabay ngiti. Kaya napangiti na rin ako kahit deep inside sobrang stress na ako. Hindi ko kayang isipin na wala pa din kaming balita kung nasaan si Nica. Isang taon na at wala pa rin kaming lead kung buhay pa ba sya o kung ano man.

Naramdaman ko ang paghaplos ng mainit na palad ni Daniel sa aking balikat. Kaya napatingin ako rito at ngumiti.

"Magkaka-lead din tayo kung nasaan si Dominica, kaya please wag ka ng maging malungkot. Dahil nasasaktan rin ako habang nakikita kong nagkakaganyan ka." Malumanay na sambit nito para gumaan ang pakiramdam ko which is effective naman, he even kissed my forehead para iparamdam na andyaan lang sya lagi para sa amin ng anak namin.


"Kamusta na pala ang kaso ni Ninong David, Dom?" Biglang tanong naman ni Kuya Leyson kay Dominic. Ay oo nga pala, noong isang araw lang nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong si Ninong dahil sa pagkakasangkot nito sa drug syndicate na nagtuturo pa sa kanya bilang pinuno ng mga ito. Kaya sobrang patong patong na ang problema sa pamilya Falcon, natigil din ang operasyon ng Falcon University lalo na at andoon natagpuan ang drug den na sinasabi ng whistle-blower.  Kaya sobrang lakas ng ebidensyang nagtuturo kay Ninong. Muntik na nga ding madamay sana ang Telco. na pag-aari nila Dominic, maipapatigil din sana ang operasyon nito, mabuti na lang din at magaling si Ninong Art, kaya nadepensahan nila na walang kinalaman ang Telco. tungkol sa drug cases na kinasasangkutan ni Ninong lalo na at malinis lahat ng dokumento nito.

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Dominic, Gosh! Naiiyak na din ako. Kaya naramdaman ko ang pagyakap ni Daniel sa aming mag-ina.

Habang tinapik tapik naman ni Anthony ang kaibigan namin.

"Hindi ko na alam. Bat nangyayari to sa amin.. Ang bait bait ng tatay ko, bakit sya pa. bakit sa amin pa ito nangyayari. Gusto lang naman ni Dad makapaglingkod sa masa, makatulong pero ito pa ang naging balik sa kanya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin lalo pa at hindi ko pa nahahanap ang kapatid ko, na katuwang ko sana ngayong isalba ang pagkakabagsak ng Pamilya namin. Lalo na at si Mommy.. shit! Damn this tears." sambit nito at napahilamos na lang sa kanyang mukha.

"Don't worry about Tita, Dom. She's doing fine, now. Dra. Guerero is doing her best to save your mother.. and we all know how good Dra. Guerero is in healing people. Let's jut keep our faith." tanging naisambit ko lamang para kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman ni Dominic lalo na at kami na lang ang kasama nyang humarap sa mga problemang kinakaharap ng pamilya nila. At oo nga pala, si Tita Monica, nanay nina Dom at Nica, inatake sya sa puso noong isang araw pagkatapos ng hearing ni Ninong David , andoon nga ako galing kanina sa General Hospital.

"At yung sa kaso ni Tito David, ginagawa na namin ni Daddy ang lahat para mabuksan ulit ito, Tumutulong na rin sina Capt. Vergara to find some more evidences. Lalo na at may nakita itong butas na maaaring frame up lang ang lahat." paliwanag naman ni Atty. Anthony, oo Attorney dahil kakapasa lang ni Anthony three months ago sa board exam kaya kasama na ito ni Tito Art sa kanyang law firm.

"Sa tingin nyo sino kaya ang pasimuno ng lahat ng ito?" out of nowhere na tanong ni Hani habang may subo subong lollipop at nakapatong ang ulo sa balikat ni Kuya Leyson.

Nagkatinginan kami ni Hani at sabay napatingin sa kakapasok lang na mga tao sa Mansion. Napansin ko ang pagtayo ni Kuya Leyson.

"Alesandro Estevan." Sambit nito.

Nakita ko ang pagngisi nung lalaking may magandang mata, blue eyes. Bigla akong kinurot ni Daniel sa pisngi ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Why you did that?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya pero nakakunot lang din itong masamang nakatingin sa akin.

"Don't look at him like that. Mas gwapo pa ako dyan." Sambit nito

"Pero blue eyes sya, Baby.." Sagot ko naman rito.. Ang pogi kasi talaga ng bagong dating.

"Tumigil ka nga, Ysabel! Humanda ka mamaya, bubuntisin kita.. Ginagalit mo ako." Inis na naging tugon lang nito at kinuha ang natutulog ko ng baby Tori sa aking bisig at iaakyat na sana sa taas para makahiga ng maayos ang anak namin. Kaso hinabol ko ito at niyakap tsaka kiniss sa pisngi.

"Selos naman kaagad to.. I love you na nga!" Sambit ko at kiniss nya naman ako sa aking labi.. yeehh. kilig naman ako. Umakyat na nga sya ulit para maihiga si Victoria sa kwartong inuukopa namin rito sa bahay nina Dom, habang ako bumalik sa pwesto ko kanina.

"Frederik Wilford. Good to see you here." Narinig kong sambit naman nung bagong dating na tinawag ni Kuya ng Alesandro Estevan, who is he? Why they are here? pero kasama nila si Vanilli, na naging kaibigan din namin dahil tinutulungan nya kaming hanapin noon si Dominica. 

"Estevan?" Napatingin naman kami kay Dominic ng magsalita ito at hindi nakalampas ang malademonyong pagngisi nong Alesandro.

"Dominic Falcon." Malamig na sambit ulit nong lalaki.

"Why are you here?" Biglang pagtatanong naman ni Kuya Leyson.

Bat biglang lumamig ang paligid?

"I heard what happened.. and I want to help." 

"Help? Isang Alesandro Estevan, nagooffer ng tulong? Magugunaw na ba ang mundo." Sarkastiko namang sambit ng bagong dating na naman, it's Lt. Sergio Falcon.

"Andito ka din pala Lt. Falcon" -Alesandro

"Malamang, kamag-anak ako eh. eh ikaw? bat andito ka nga ba talaga? Help? sa pagkakaalala ko, wala yun sa bukabolaryo mo." -Lt. Falcon

"Wait, guys. Kaibigan ko si Alesandro and he, we want to help you get Sen. Falcon out of jail as soon as possible. at kung maaari bago mag-eleksyon next month." at si Vanilli na nga ang nagsalita.

"And how would you do that??" Tanong naman ni Dominic.

"Get the real criminal and put him in replacement of your father." Sagot naman ng isang pogi rin at blonde na lalaki na kasama rin sa grupo nung Alesandro.


"And who's the real criminal?" Tanong naman ni Hani kaya natuon ang atensyon sa kanya. And ewan ko pero bigla na lang may lumabas na pangalan sa aking bibig na ikinangisi nung Alesandro Estevan.


"Sen. Garry Fontanilla."

CRY OF RELEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon