SEVEN

2.5K 92 6
                                    

(VANILLI'S POV)

"Hello, Van?"

Rinig ko sa boses ni Dominica pero hindi ko masagot dahil hawak ako nina Dexter at Exael. T*ngina kasi kinuha ni Sandro ang cellphone ko at spineaker on nya pa ito, kaya rinig naming lahat ng andirito sa hide out ang nasa kabilang linya. Tinignan ko naman si Sandro ng masama, pero syempre nilakasan ko lang ang loob kong tignan sya ng ganun dahil mas nakakatakot pa din ito.

"Who's this?" Sambit naman ni Sandro, nakikinig lang kaming lahat sa paguusap nila. Dapat kasi di ko pala sya tinawagan muna, tss. Patay talaga ako neto kay Sandro kapag nalaman nyang pinasuot ko lang kung kanino ang golden mask ng pamilya nila. And knowing Dominica? She's a total rebel.... and a psycho!

"T*ngina ka ba? Bat di mo tignan sa caller ID. At bakit nasa iyo ang Cellphone ni Vanilli Sefero? Did you???" 

I told yah! Her wittiness and her foul mouth, its a total mess!

"I did what?" pabitin ding turan ni Sandro na ikinagulat ko at kahit ng iba dahil may tono pa ng amusement sa boses nito. Is he fond of Dominica's foul mouth? Wow! Just wow, knowing Alesandro Estevan and his cold stone heart, magugunaw na ba ang mundo?

"Abducted him? My goodness! VANILLI, can you hear me? Nandyan ka ba sa tabi ng hunghang nato? Damn! Van! Di ka pwedeng mamatay ngayon, may utang ka pa sa akin. T*ngina mo! Nagpakidnap ka pa na alam mong may utang ka pa sa akin. Hayop to. Nasaan yan? I need my money now. Wala na akong pera, naka-freeze pa ang budget ko for next month. At may utang pa ako sa kaibigan ko." 

Napapikit na lang ako sa tinuran nito, akala ko pa naman concern sya. Well, ano pa ba aasahan mo kay Nica, Vanilli? tsk.

Napansin ko namang natatawang ewan ang mga kaibigan ko, and even Sandro.... SMILED! Pero parang smirk lang ganun.

"Nangungutang ka pala, Van? What for?" Biglang tanong naman ni Exael, inirapan ko lang sya bilang pagtugon. As if, I would tell them why! 

"Bitawan nyo na nga ako." Sambit ko na lang na agad naman nilang ginawa.

"Hindi ko naman naalalang nagkaproblema ka sa pera, dude!" Gatong pa ni Dexter.

"Shut up. Bat di nyo na lang tignan ang pagkakangiti ng Cold hearted Mafia Boss natin?" Inis ko na lang na sambit at napatingin naman ang mga bastardo kay Sandro na di ata napapansing nangingiti na ito. Kaya ng marinig nya din ang sinabi ko ay kaagad nya naman iyong iwinaksi at ibinalik ang atensyon sa kausap sa Cellphone ko.

"Enough, woman! And yes, I abducted him. Can we meet?" Sagot naman nito pabalik kay Dominica. What? Meet? Seryoso sya?

Lumapit na ako kay Sandro and about to get my phone ng inilayo nya ito.

"Give me my phone, Sandro!" Mahinang sambit ko para di naman marinig ni Nica.

"Bakit kailangan pa nating magkita? Tapos na tayo! Hindi pa ba sapat sayo na hindi na kita mahal? Please layuan mo na ako. Enough of this shits!........." Biglang tugon ni Dominica na ikinakunot ng noo naman ni Sandro at ikinatawa ng ibang nakikinig sa paguusap nila except me. Hays! sa himig ng boses ni Nica, I know its just a freakin' joke! And its not funny kapag si Sandro ang kakausapin nya ng ganun.

Napansin kong ibubuka na sana ni Sandro ang bibig nya to say something ng agad namang dinugtungan ni Nica ang statement nya kani-kanina lang.

"and sure, let's meet! Send me the details."

And she ended the call just like that. Ganyan sya, she never let anyone to hang up with her first.

Napatingin na lang si Sandro sa hawak hawak nyang Cellphone ko. At tumingin sa akin.

"What's that?" Clueless naman nyang tanong sa amin. I just rolled my eyes and snatch my phone in his hold.

"Send mo na daw, kung saan kayo magkikita, dude!" Biglang sambit naman ni Exael at di na nito mapigilang hindi mapatawa.

"At makikipagkita ka talaga sa kanya, Sandro?" Inis kong sambit at pasalampak na umupo sa sofa.

"What do you think, Vanilli?" Sarcastic nyang tugon at pasalampak ding umupo sa sofa na kaharap ng kinauupuan ko. 

"Yeah right. About the Mask." Panimula ko na dinugtungan naman nya kaagad.

"Oh yes! THE MASK. I told you, 5 years ago... To keep it safe, not to let it wear by someone, I don't even know who she is." malamig pa sa malamig na sambit nya. Ugh!

"But it's still safe, you know. She's keeping it for 5 years like she owned it." Paliwanag ko naman, and I think he is buying it. Or sadyang madami lang syang kelangang mas pagtuunan ng pansin ngayon kesa sa heirloom ng pamilya nila.

"Hmm... Okay. Send her a message, I can't meet her now."

Yun lang ang sinabi neto at tumayo na palabas ng hide out.

"Wait. How about the mask?" Tanong ko bago pa man sya makalabas ng silid. Hindi sya lumingon pero tumigil naman ito.

"I already met her, actually and.. maybe she can fit to be the permanent owner of that mask."

"What?" Tanging nasambit ko lang.. anong ibig nyang sabihin. No! It cant be. shit!

"Drop it, Nill." Seryoso nitong tugon at lumingon sa amin.

"5 AM Tomorrow... England"

Yun lang at nagpatuloy na ito sa paglabas ng hide out..

"What did he just said?" Biglang sambit naman ni Exael.

"I think... magpapalamig na naman muna tayo." Sagot naman rito ni Dexter.

Pero wala pa ako sa tamang huwesyo para makisali sa pinaguusapan nila tungkol sa flight namin bukas pabalik ng England. Dahil nakunsumo ng sinabi ni Sandro kanina ang aking sistema. It's clear!

"He is considering Dominica to be his queen."

*******************************

(DOMINICA'S POV)

Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa sofa nang marinig ko ang pag-beep ng Cellphone ko, meaning may nagtxt! Pero kaagad din akong nanlumo ng mabasa ko ito, at tinapon ang cellphone ko sa kung saan. Basta naiinis ako!

From: VANILLI SEFERO

Hey! Its just a prank, Nics. I am not abducted or such, Pero it's Alesandro, my dearest friend ang nakausap mo kanina. Medyo palabiro kasi yung gago na yun. At sya yung may-ari ng mask na pinahiram ko sayo before. Gusto nya sanang kunin na kaso we need to fly back to England for some important things. Kaya sayo na muna yan, and take care of it, cause he will appear in front of you to take it back... soon!

Hays! Naexcite pa naman akong makita at makilala ang lalaking nagbibigay ng kuryusidad sa buong pagkatao ko. He is invading my system like a computer virus and its not a good thing, I guess.


A/N: Hey guys! hehe. Sorry for not updating always. Ang tagal ko ng mag-update.. huhu. pero sana andyan pa din kayo patuloy na maghihintay at susuporta sa akin. kasi di ko kayo iiwan sa ere, pramis. matagal lang talaga ang updating process, busy lang talaga ako simula ng nagbalik normal sa trabaho. daming deadlines eh. hehehe. pero kapag natapos na itong hellweek na ito. Patuloy na po ako sa pagsusulat. And nasa dreame na po pala ako, andoon na rin ang Sister in law na kwento nina Frederik Wilford at Leysa Frank. Sana po ay masuportahan nyo iyon sa pamamagitan ng pag-heart like sa mismong kwento po. Salamat. :)

CRY OF RELEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon