SIXTEEN

2.2K 95 9
                                    

(DOMINICA'S POV)

It's been a week...

Walang phone and video call from Sandro.

Ni kamusta, wala. walang kahit ano.. At nasasaktan ako, bakit kayo ganun. Hindi naman sya ganito noon, dahil kung wala sya sa tabi ko lagi nyang sinisigurado na okay lang ako rito, at hindi nya nakakalimutang kausapin ako sa isang araw.

I also tried calling him, but I got no answer. Di nya ito sinasagot, at hindi ko rin masasabing dahil walang signal o kung ano man dahil nagriring naman ito.

what's wrong with him?

And again I tried my luck this time... I called him again, and still its just ringing. Kaya nakapagdesisyon na ako, I will go wherever he is now.

********************************

"Madam! Saan ka po pupunta ?" Pagtawag sa akin ni Pierre, ang loyal bodyguard ni Sandro na nakatokang magbantay sa akin habang wala sya.

"I will go where Sandro is.." Simpleng sagot ko lang rito. At dumeretso na sana palabas ng Mansion dahil naghihintay na ang maghahatid sa akin sa airport.

Pero bago pa man ako makagawa ulit ng hakbang ay nakita ko ang pagsenyas ni Pierre sa ibang kasambahay at mga guwardya roon, at napansin ko ang pagsarado ng main door ng bahay. Kaya napalingon ako sa kanya.


"Hindi ka po pwedeng lumabas ng Mansion, Young Miss. Yan ang kabilin bilinan ni Young Master sa akin" paliwanag nito.


"Pero pupunta lang naman ako sa kanya, I miss him.." sambit ko pa rito na maiiyak na, pero kinuha lang ng mga kasambahay ang dala dala kong maleta.

"Wait.. I just want to go to Sandro, I want to see my husband!!!"

"Pero bawal nga po.. Bawal ka pong lumabas ng Mansion na ito." -Pierre.

Napatahimik ako sandali at napatingin lang sa kanya.

"Anong hindi pwede? What do you mean Pierre? Anong Bawal?" litong tanong ko, bakit hindi ko alam iyan? Kung sabagay, never naman ako lumabas ng territory ni Sandro, andito lang ako sa Mansion o sa garden. Pero bakit hindi ko ito alam? Ganun ba ako nakuntento sa buhay kong nakadepende lang kay Sandro, na hindi ko na pala hawak ang kalayaan ko.

"Yun po ang kabilin bilinan ni Young Master, bawal ka sa labas ng teritoryo nya. Kung hindi magagalit sya sa akin, sa amin kapag lumabas ka." paliwanag pa ulit ni Pierre.

"No! It cant be! Kailan pa nya ako kinukulong dito? Bakit hindi ako aware!" hysterical ko kay Pierre, naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

"Hindi po, Young Miss. Hindi naman sa kinukulong nya kayo. Gusto lang ni Young Master na safe kayo. Lalo na at isa kang Estevan at hindi lang basta bastang Estevan kundi asawa ka ng isang Alesandro Estevan," paliwanag pa ni Pierre pero hindi ayoko na makinig, isa lang ang naiisip ko, kinukulong ako rito ni Sandro! And ayoko ng ganitong feeling. Hindi ako nabuhay sa mundong ito para lang makulong sa Mansion na ito.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, galit, inis, at pagdududa. Ang gulo gulo na ng utak ko, bigla na lang akong nakaramdam ng doubt kay Sandro. Bakit nya ako kailangang ikulong rito! And I feel hate because of it.

Tinalikuran ko si Pierre, umakyat ako pabalik sa kwarto. At nilock ko ang pintuan, I need time to be alone and think things over. Mabuti na lang at hindi nabubuksan ito sa labas, wala ring spare key ang mga kasambahay o kahit si Pierre sa kwartong ito. It's my fingerprint and Sandro's fingerprint lang ang nakakapagbukas ng kwartong ito. Which is better!

CRY OF RELEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon