THIRTY

2.5K 86 9
                                    

(Dominica's POV)

"Sigurado ka bang nasa safe na lugar na ang mga anak ko?" hindi mapakaling tanong ko muli kay Sandro.

"anak natin, Nica... at oo, Pierre just contacted me, safe silang nakarating sa head quarters sa London. Kaso, iyak daw ng iyak si Alexandra..."

"Sabihin mo kay Pierre na lutuan nila ng pancake with strawberry syrup si Xandra with a glass of milk. While si Xander, just a bread with nutella and also a glass of milk." Napatingin lamang si Sandro sa akin nang binabanggit ko ang mga iyon.

"How did you managed it?" Nakakunot noong napatingin naman ako rito.

"Managed what?"

"Taking good care of our twins..."

"Anak ko sila, Sandro. I should take care of them kahit anong mangyari."

Napansin ko lang ang pagtango nito na nagsasabing enough na iyon --end of conversation.

Andito pa rin kami sa hostel na inuukupa nya. We are planning to escape this town, na paniguradong mahihirapan kami. Lalo na at may nagsidatingang mga armadong kalalakihan kanina wearing the same mask ng taong umatake sa akin kahapon.

"Ano nga pala ang kinuha mo sa bahay mo kanina?" tanong nitong muli.

"Nothing... mga laruan lang at memorabilya nina Alexander at Alexandra."

Tumingin lang ito sa akin at nagkibit balikat.  At bumalik na ulit sa ginagawa nitong paggawa ng exit route namin.

"Sandro, we need to get out of this place, soonest as possible. I saw them --the Job walkers." sambit ko sa kanya na ikinatingin nya sa akin.

"You know about them... hindi na ako magtataka, you have the golden book anyways. Anong nalalaman mo tungkol sa akin?" parang wala lang na tanong nito.

"Hindi mo man lang tatanungin sa akin kung nasaan na ang bagay na iyon?" curious kong tanong sa kanya. I want to know kung gaano kagusto ni Sandro ang libro. Ang power na meron ang librong iyon.

"Nah... I have no interest in that book, anyway." Huh?

"Pero yun ang dahilan kung bakit mo ako iniligtas sa pagsabog sa Falcon University at kinupkop ng halos isang taon diba, to know where it is and to have it."

"Maybe at first, but the real reason why I kept you with me was because I want to get revenge... for killing Greta Franchois, my first love," imporma nito sa akin. So kaya pala meron itong litrato ng babaeng iyon.

"Pero... hindi ko sya pinatay. And she's alive." Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong ipaliwanag ang sarili ko.

At anong patay? Greta --she's alive... ang bruhang sana ay pinatay ko na lang nung araw na iyon.

"I know..." tanging naisagot nya lamang at binalik na ang atensyon sa kanyang ginagawa.

CRY OF RELEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon