Days, Months passed....
and here I am again, nakatunganga lang sa condo ko. Day-off ko kasi, Oh well joke lang yun, hindi talaga ako pumasok sa Falcon University. And Yes, ako na ang Dean ng pinakamamahal na paaralan ni Daddy. Ako na ang pina-take over nya and sobrang nagulat ang mga Board of Directors even Ninong Garry Fontanilla ng iannounce yun ng tatay ko but I know better. Pero sympre wala silang magagawa, ang may-ari na ang nagsabi at kahit sabihin mong may mga shares of stock sila sa Univesity, si Daddy pa din ang may pinakamalaking shares kaya ang desisyon nya ay mahalaga na sundin. At nang tumapak ako bilang Dean ng school ay doon din nagsimula ang pagiimbistiga ko sa sekreto ng board of directors at ni Ninong Garry.
Hawak hawak ko ang golden mask na pag-aari ng isang lalaking personally ay hindi ko naman kilala ngunit halos gabi gabing hindi ako pinapatulog sa kakaisip tungkol sa kanya.. I want to know him, i want to see him, but how?
Ilang buwan na ang lumipas at umuusad na din ang buhay ng mga kaibigan ko. Katulad ni Ysabel at Daniel, they got back together after breaking apart, married again publicly and they already have a baby.. Baby Tori, my favorite inaanak, sobrang cute nya! At masaya ako sa mga kaganapan na iyon sa buhay ng aking matalik na kaibigan. I know she is happy and contented with her life now. Habang ako, ito naka-stock pa din sa huling araw na nakita at nakausap ko si Alesandro, I still remember how his deep blue eyes darkened when staring at me and his serious voice gives chills all over my body.
"Damned!"
I am so fucked up with his memories in my mind. And to think na wala naman kaming kung anong special connections, hindi ko din sya ex lover or what, ni halos apat na beses lang naman kaming nagkaharap eh. Pero para syang ecstacy na nakakaaddict. Yes! I am addicted to his stares, manly unique scent, and his voice! And the worst thing is I am craving to be with him. Is this still normal of me? I am getting crazy all over him.
Napabalikwas ako ng tumunog ang aking cellphone. Nang makita ko kung sino ito ay kaagad ko namang sinagot.
"Hello, Serg?"
Lt. Sergio Falcon, pinsan ko at isang magaling na sundalo ng isang secret task force na ngayon ay nakatuka para magpanggap bilang isang Professor sa F.U. and yes I knew it from the very beginning, tama lang kasi ng pumasok ito ay ako na ang Dean ng school.
"Alam ko na kung nasaan ang pagawaan dito sa University, Nics.." Sambit nya sa kabilang linya kaya napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.
"Okay. I'll go there."
Sabi ko lang at ibababa na sana ang tawag ng magsalita ito na mas ikinainis ko.
"No. Just stay there! We are going to raid it tonight, Nics. At ayaw kong madamay ka rito." Seryosong paliwanag nya.
"T*ngina ka ba, Sergio! Damay na ako dito. Lalo na at ako na ang Dean ng Falcon University. T*ngina ka talaga! Pangalan ni Daddy ang nakataya dito at ng school ko."
Galit. Galit na galit ako! At namura ko pa ang pinsan ko na ginagawa lang ang kanyang sinumpaang trabaho. Hayop na Garry Fontanilla.
"But I can protect you to this, Nics. Gagawin ko ang lahat, maiwas ka lang sa isyung ito. Just stay where you are now. And dont meddle to this, Ang hindi ko lang maipapangako sa iyo ay ang kalinisan ng pangalan ni Tito David. Pag malakas ang naging ebidensya laban sa kanya, sya ang madidiin rito. Kahit sabihin man nating pakana lahat ito ni Sen. Fontanilla."
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng isinalaysay iyon ni Sergio. At ibinaba ko na lng ito ng hindi nagpapaalam sa kanya o nagbitiw ng anumang salita.
I need to protect my school and my father's dignity. Kaya nagdesisyon akong magbihis, I am going out, pupunta ako sa University. I want to see it, ang drug factory na ginawa ni Ninong sa loob ng school ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/223979469-288-k607639.jpg)
BINABASA MO ANG
CRY OF RELEASE
RomanceDominica Falcon, a Senator's rebellious daughter, wants to identify who should trust or not in a world full of cruelty and torture. And meeting Alesandro Estevan, the blue-eyed hot devil in human form made it more intense for her to live the life s...