SEVENTEEN

2.3K 82 10
                                    

(SOMEONE'S POV)

"Sigurado kayo? Hawak ni Alesandro Estevan ang inaanak ko?" 

Hayop na Estevan na iyan! Naunahan na naman ako.

"Positive Boss." sagot sa akin ng isang tauhan ko na inutusan kong magmanman sa Costa Nostra, T*nginang Estevan na iyan, ginagalit nya talaga ako.

"Na-track nyo ba kung saan nya ito tinatago?" tanong ko sa mga ito pero tanging iling lang ang isinagot ng mga hunghang. Kaya hindi ko mapigilang manggalaiti sa sobrang galit.

I reach out for my gun and *BANG*

"Huwag kayong magrereport sa akin ng kulang kulang. Naintindihan nyo? Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang hindi ako mabigyan ng tama at kompletong impormasyon dahil nangangati ang mga kamay ko na iputok sa inyo tong baril na ito. Magsilayas kayo sa harapan ko. At linisin nyo ang bangkay na iyan!"

P*tang*nang Estevan! Sya pala ang nagtatago sa inaanak ko. Pero mas p*tang Dominica Falcon, akala nya di ko malalamang iniimbistigahan nya ako. Akala ko nasunog na sya sa pagsabog na iyon pero matibay ding bata katulad ng tatay nya!

"Hey Dad! Easy ka lang kay Nica, please. I still want to marry that bitch.." - Gilmore.

Tinignan ko ng nanlilisik na mata tong anak kong bobo pa sa bobo.

"Could you please do something good with your life, Gilmore? Nabubwisit na ako sa inyo ng kapatid mo. Pero speaking of which, nasaan na ba ang kapatid mo?" tanong ko kay Gilmore na walang ibang ginawa sa buhay nya kundi gastusin ang pera ko.

"I think.... She's in... Hm.. Wait." sambit nito at kinuha ang cellphone nya.

"Aha! Nasa Switzerland ngayon si Grace, Dad." dugtong nito.

naikuyom ko na naman ang mga palad ko.. Mga walang kwentang anak, walang ibang alam kundi gumasta ng pera..

"Pwede ba, Gilmore. Sunduin mo yang kapatid mong yan doon at pauwiin dito. Kailangan nyo ng magseryoso nagyon, pakiusap lang. Lalo na at presidential election na sa sususnod na buwan at di ko pa naliligpit lahat ng humahadlang sa pagkapanalo ko." seryoso kong litanya rito..

"Fine. Basta kapag makuha mo si Dominica Falcon sa kamay nong Estevan na yun, ibigay mo sya sa akin. And magseseryoso na akong patakbuhin ang La Familia." seryoso ding pagtugon ng anak kong si Gilmore sa akin. Tss.. Ano ba kasing nagustuhan nito sa inaanak kong iyon, sabagay Dominica Falcon is such a beauty and perfection. May pagka-rebelde nga lang ang batang iyon. Kaya napapahamak dahil pati ako kinalaban nya.

"At sa tingin mo, gugustuhin ka ng isang Dominica Falcon? Lalo na at ipinakulong ko ang tatay nya, ang matalik kong kaibigan. Huwag ka na ngang umasa sa batang iyon, Gilmore! Lalo na at mas gusto ko ang malamig na bangkay ni Nica kapag makuha ko na ang Golden Book sa kanya.." 

"Golden Book? Di ka pa din ba titigil sa paghahanap sa bagay na iyon, Dad? Hindi mo naman nakitang hawak nga iyon ni Dominica.. Oh well, paano mo ba nalamang nasa pangangalaga nga nya iyon." - Gilmore.

Tss.. 

"Sa tingin mo ba, basta lang akong magtuturo ng kung sino ng walang matibay na ebidensya? And I think Alesandro Estevan knew about it kaya itinakas nito si Dominica." litanya ko lamang.

"Paano nga? Paano mo nalamang si Dominica ang may hawak ng librong iyon." tanong pa ulit ni Gilmore sa akin.

"Because..... Dominica Falcon is one of the El Escritor, she is the missing piece of my puzzle game 5 years ago. Sya ang only survivor na hinahanap ko. At nahanap ko lang a year ago kaya tinangka ko syang sunugin." kwento ko kay Gilmore, na sana alam nya kung naging focus lang ito sa La Familia. Dahil ako ang pasimuno ng naganap na massacre sa grupo ng mga manunulat na iyon. At bakit hindi? My name is in that damn book also. Kaya kailangan ko iyong makuha sa kung sino man ang may hawak non. Ganun sila kagaling, they are good in getting informations using seduction and sex. At syempre I need that book laban sa mga kaaway ko. I have plans on rulling the world kaya kailangan kong mapabagsak lahat ng humahadlang sa pag-angat ko.. At t*nginang batang Estevan na iyan! He is trying to get my dreams from me, na hindi ko papayagan.

CRY OF RELEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon