YEAR 2021
(Dominica's POV)
"Hey! Nica let's play... I have my new set of princess dolls. Mama bought it from Japan, they look pretty," bungad sa akin ni Ysa, pero di ko sya pinapansin. Alam nya namang ayaw ko ng mga manika... I better read books.
"Com'on Nics! Here. (sabay abot ng isang manika, pero di ko ito tinanggap.) Sge na, kahit labag man sa loob ko... sayo na si Belle, alam ko namang naiinggit ka lang kasi kompleto ko ang mga princess dolls. Tsk, ito na oh." Tinignan ko sya, wow ha! binibigay nya nga sa akin pero nakasimangot naman nitong iniaabot sa akin... maldita talaga ng bruhang to. Kinuha ko nga ang manika sa pagkakahawak nya atsyaka itinapon sa kung saan, tss.
"Waahh!! Grabe ka Nica! (Kinuha nya naman ulit yun sa sahig... at sinuklay suklay ang buhok... tss) Grabe ka kay Belle! Alam mo bang si Belle ang pinakamagandang babae sa lugar nila? But she's odd, weird and so fascinated in reading books just like you... kaya nga gusto ko syang ibigay sayo eh... tsk!" daldal nya pa... tss. Hindi ko nga sya tinitignan, pero nakikinig ako, as if I have a choice not to... sa kadaldalan ni Ysabel, di ka nya titigilan.
"Saang fairytale story sya galing?" out of nowhere na tanong ko.
"Beauty and the Beast."
Beauty and the Beast? I cant remember watching or reading those stuff.
"What's the story?" I asked again... wala lang.
Nakita ko namang tinignan nya ako ng may pagkagulat.
"Seriously Nica? Hindi mo alam ang kwento na yun... ako nga 3 years old palang ako, alam ko na ang kwento ng mga disney princesses. Oh well... she was locked up by a beast in a magical castle in exchange of her father's release. At first, she hated the beast for locking her up but then she falls in love with him, despite of ugliness and monstrous attitude of the beast --the end, thats all." Pagmamadali nya sa pagkukwento... tss. Anong klaseng istorya yun, posible ba yun? Mahalin ang taong nanghamak sayo... kalokohan. Mabilis nya namang inilagay sa lalagyan nya yung mga dolls nya. Problema nya? Mukha syang nagmamadali.
"Saan ka pupunta, Ysa?" tanong ko. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti... at inabot uli si Belle na manika.
"Oh... gift ko sayo, alagaan mo sya ha," sambit nya at hindi ko alam pero tinanggap ko na iyon. Bigla kasi akong nacurious sa kwento ng beauty and the beast eh.
"Bukas na ulit tayo maglaro, Nics. I need to be with my prince charming eh. Babye!" Tinignan ko naman ang direksyong pinuntahan nya. Kaya naman pala, hahabulin nya na naman si Daniel at kukulitin... tsk! Napailing na lang ako.
Nagkatitigan naman kami ng manikang hawak ko.
Ito ulit ang unang beses na nagkainteres ako sa isang manika... Belle is her name.
BINABASA MO ANG
CRY OF RELEASE
RomanceDominica Falcon, a Senator's rebellious daughter, wants to identify who should trust or not in a world full of cruelty and torture. And meeting Alesandro Estevan, the blue-eyed hot devil in human form made it more intense for her to live the life s...