(YSABEL'S POV)
"Wala pa din bang balita?" Tanong ko Kay Dominic pero iling lang ang isinagot nya sa akin at pasalampak itong umupo sa sofa ng bahay namin ni Daniel.
"Alam na ba nina Tito David at Tita Nica ito?"
Iling ulit ang kanyang isinagot sa akin. At tumingin ng malungkot.
"Hindi. hindi ko pa sinasabi, at busy si Dad sa darating na eleksyon next year. Kaya minsanan lang kami magkita lalo na at focus ako sa pagsasaayos ng Falcon University. Malaki din ang naging damage ng nangyaring pagsabog sa gym."
Wait. Hindi kaya.. Nagkatinginan naman kami ni Dominic nang may biglang pumasok sa bahay.
"Dom."
Tawag pansin ng bagong dating kay Dominic, it's Sergio Falcon.
"Oh? Anong ginagawa mo rito."
Medyo may pagkainis sa boses nya ng sambitin iyon sa kanyang pinsan."I am here to help in finding Dominica. And about sa nangyari sa Falcon University, Im really Sorry. We are just doing our job."
"Doing your job?? Iniisip nyong may Drug factory sa loob ng University namin? Seryoso ka ba dyan sa pinagsasabi mo. Parang hindi naging maayos pakikitungo sa inyo ng pamilya namin ah. Tapos ngayon tutulong ka mahanap ang kapatid ko? Na halos tatlong buwan ng nawawala. Damn you. To think na ikaw ang huling nakausap nya bago sya mawala."
Galit, lungkot, at pag-aalala, yan ang mga makikita mo na bakas sa mukha ni Dominic. Pag-aalala sa kapatid nya, Sino bang hindi? Nica was missing. Walang ni anumang bakas ang naiwan kung anong nangyari sa kanya. Kung nagtanan ba ito, napahamak or worst.....
Napatingin ako kay Sergio,
"Sigurado ka bang hindi sya pumunta ng gabing iyon?" Tanong ko.
Pero iling lang ang naging tugon niya sa akin.
"Wala. Hindi ko nakita ang presensya nya buong araw. At nang makausap ko sya, I said to her na wag na wag na syang pupunta sa school that day." Paliwanag neto.
"But knowing Nica, I bet she did."
Napalingon naman ako sa taong nagsalita, si Daniel buhat buhat ang kagigising lang namin na anak na si Victoria. Tanging tango lang din ang aking naitugon rito hudyat na sumasang-ayon ako sa sinabi nya.
Nica is the reckless type, pag-buo na ang desisyon nyang gawin ang isang bagay, she will do it kahit anong pigil mo pa.
"Ang tanong if she did, Asan na sya ngayon?" Biglang sambit naman ni Art.
"Hindi naman siguro sya......" Ayaw kong ituloy ang sasabihin ko. Hindi ko kaya. Bigla naman akong nanlumo sa naiisip ko, pero buti na lang at andyan si Daniel para alalayan ako.
Three months ago....
Nabalitaan namin ang aksidenteng naganap sa Falcon University. May pagsabog na sumiklab roon sa bandang gymnasium. And good thing wala namang namatay pero may mga sugatang militar. At naisiwalat din ang sekretong mission ng task force alpha, ang pagmamanman nila sa University na may sekretong pagawaan daw ng droga.. Which is impossible, dahil kay Ninong David palang hindi na yun makakalusot. And itinuro naman nila ang underground facility na ayun kay Sergio ay nandoroon daw iyon pero ng buksan ito, puro equipment lamang at mga supplies ang nandoroon kaya laylo ngayon ang grupo nina Capt. Falcon dahil sa nangyari. walang sapat na ebidensya at nakapagdulot pa ng pinsala sa Unibersidad. Naayos naman iyon nina Ninong David at Capt. Falcon, ang naging isyu dahil sa magpinsan naman sila. Ito lang talagang si Dominic ang di makapag-move on kaya galit na galit ito kay Sergio lalo na ng malaman namin ang pagkawala ni Dominica..
One week, akala namin ay nagbakasyon lang ito sa kung saan.
Two weeks, doon na kami nagalala ng wala kaming matanggap na mensahe sa kanya. At hinahanap na din sya ng Board of Directors ng F.U. dahil kailangan nyang gumawa ng reports about sa naganap na aksidente sa School, at sa takot ni Dominic lumabas sa media ang pagkawala ng kapatid ay gumawa sya ng aliby na nasa ibang bansa ito at may inaasikaso kahit sa mga magulang niya ay inilihim nya ito, kaya todo double time sya sa pagmanage ng Telco. nila, pagiging OIC sa University at palihim na paghahanap namin kay Dominica. Pero in no time malalaman din ito ni Ninong David at ni Ninang Nica na ang unica iha nila ay nawawala.
Napabalik naman ako sa kasalukuyan ng magsalita si Lt. Sergio.
"Hindi. Imposibleng mangyari yun lalo na at walang ni anumang bangkay ang nasa area. Magdamag akong nandoroon to check kung may mga anumalya sa lugar, at ano nga ba ang naganap pero wala.. walang bangkay kaming nadiskubre."
Napailing lang ako sa naiisip ko at napatingin sa kanila..
"Paano kung itinago ito ng may pakana ng pagsabog? Evidences that will lead to them." Sambit ko pa.
At napansin ko ang katahimikan nila ng sinabi ko iyon.
Wala na kasi kaming makita pang magtuturo sa amin kung anong nangyari kay Dominica at nasaan sya ngayon. O kung buhay pa ba sya o may nangyari na ritong masama. Kaya lahat ng possibilities dapat naming iconsider to know the truth.
"Sigurado ka bang may ginagawang hindi maganda si Ninong Garry?" Biglang tanong naman ni Dominic kay Lt. Sergio.
"Yes. Si Nica ang nagsabi sa akin. Kaya nagtutulungan kaming maghanap ng ebidensya na makapagtuturo kay Sen. Fontanilla. At sigurado ako, sya ang may kagagawan sa nangyaring pagsabog sa University at sya din ang nagplano na iwan ang note sa desk ko about the location of the drug facility roon. Alam nya na na isa akong secret task force agent. This is all his plans to make us stop chasing the drug syndicates. A failed mission for us is not a good thing, afterall. Pero sa tingin ko hindi nya alam na may alam si Dominica about his real identity. Kaya imposibleng kinuha nya sya." Paliwanag naman ni Sergio sa amin.
Grabe. So Dominica, my bestfriend is keeping this important information to herself. siguro ayaw nya lang kaming madamay pa rito kaya hindi nya ito sinabi sa amin.
"At ang sabi nya pa.. Remember the secret underground organization na nakumpiska ng mga pulisya noong nakaraan lang ganun din daw ang mangyayari sa Falcon University kapag hindi pa rin nahuhuli si Sen. Fontanilla sa mga dirty tricks nya. And I think this is also about Tito David's presidential candidacy. Balita ko Sen. Fontanilla is also planning to get the position this coming election."
Nagulat kami sa isiniwalat ni Sergio.
And Nica..
She just want to protect her father, her family, and the school from the real bad one.
Nasaan ka na ba Dominica?
******************************
(SOMEONE'S POV)
"It's already a month, still no progress."
napalingon ako sa sinabi ng kaibigan kong doctor. At napatingin naman ako sa babaeng nakahiga sa kama ko.
Ilang buwan na ba ang lumipas? Pero di pa rin ito gumigising.
"Hanggang kailan mo planong itago sya rito?"
Tinignan ko sya ng walang emosyon at sumagot habang nakatingin sa babae.
"I dont know. I dont even know why I saved her."
Sabi ko lang at lumabas na ng kwartong iyon.
Saving is not my thing but I just did, three months ago. Tss.
![](https://img.wattpad.com/cover/223979469-288-k607639.jpg)
BINABASA MO ANG
CRY OF RELEASE
RomanceDominica Falcon, a Senator's rebellious daughter, wants to identify who should trust or not in a world full of cruelty and torture. And meeting Alesandro Estevan, the blue-eyed hot devil in human form made it more intense for her to live the life s...