Chapter 21

8 1 1
                                    

Tinanghali ako ng gising kasi anong oras na rin ako naka tulog kagabi.bakit nga ba?wala lang hindi lang talaga ako maka tulog.. Fine, oo na di ako maka tulog kasi.. Kasi..paulit ulit kong iniisip yung nangyare kagabi.

Nangangapa akong bumama.siguro kanina pang gising yung mga yon.

Pero iba yung nadatnan ko. Nadatnan kong tahimik ang bahay. Asan na kaya ang mga yon.

“Goodmorning”

Si mama iyon.batid kong nagluluto siya.

“Asan sila ma”

“Abay nasa kwarto pa,ikaw pa nga lang ang nagigising”

Kaya naman pala.tumba talaga siguro ang mga yon.

“Anong niluluto mo ma”

Kumukulo na rin kasi ang tiyan ko kakaunti lang kasi ang nakain ko kagabi.

“Sopas,dahil alam mong masasakit ang ulo ng mga yon pag gising”

Tumango tango pa ako.

“Good morning,tita ano po yan”

Si gelai iyon.lumapit siya sa akin.

“Sopas iha,abay nasan na ang nobyo mo”

“Naku tita ayon po susunod nalang daw po siya dahil masakit pa ang ulo”

“abay napadami siguro sila ng inom kagabi ano”

“Eh mga PG po sa alak tita”

Nagtawanan lang kami.

“Si Jach pala Elara?”

Bigla nanaman akong namula ng banggitin siya ni Gelai.

“Ahhh u-umuwi din siya kagabi”

“Oh eh bat parang namumula ka?may nangyare noh”

Iniwas ko ang muka ko.

“Oo nga rara kayo nalang ang natira sa rooftop kagabi ah”

Si marfect iyon na kararating lang.

“W-wala nga nag k-kwentuhan lang kami”

“oh eh bat nauutal ka”

Nanunukso pang turan ni gelai.

“Ano ba kayo tigilan niyo nga ako”

“Anong pagkain ma”

Hayst safe.buti nalang talaga dumating si Jeysam.

“Sopas.oh Jeysam bakit tanghali kana gumising wag mong sabihing nag inom ka,malilintikan ka talaga sa akin”

tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

“Si mama naman alam mo namang good boy ako eh”

Good boy your ass. Haha

“Hay nako ewan ko sayo.osya tulungan niyo na akong maghain at kakain na tayo tawagin mo na don ang mga kuya mo jeysam”

“Ako na diyan boo”

Tinulungan na nilang mag hain si mama. Ako eto naka tulala lang, iniisip ko parin yung nangyare kagabi.kamusta na kaya siya.

“Elara huy halika na kako”

Nagulat ako sa kalabit ni gelai,hindi ko manlang napansin na kinakausap niya ako.

“Alam mo may nangyare talaga kagabi na ayaw mo lang sabihin eh”

Ngumuso ako.

“Alam mo ang kulit mo”

Tinusok tusok niya ako sa tagiliran.

“Share naman kasi dyan.ikaw ah lagi ka naman nagkukwento sakin eh bat ngayon hindi na?magtatampo na talaga ako Elara”

Hay nako talaga tong babaeng to.hindi talaga uso sa kanya ang salitang hindi.

“Hayst oo na mamaya”

“Yiieee promise yan ah”

“Oo na wag kana maingay”

...

“So tell me”

Hindi siya excited promise :|

“So ayon nga”

Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari kagabi at naka ilang kurot sakin dahil sa kilig.

“Omayjee destined talaga kayo day isipin mo ah siya pala yung batang nakilala mo 13 years ago and it happened na friend din siya namin ni marfect tapos nag blind date kayo and basta andami”

Nagtititili tili siya kanina pa habang nag kukwento ako. Napapatakip nalang ako sa tenga mga besh.

“So what now?”

Nagtaka ako sa kanya.

“Anong what now”

“Gaga syempre ngayong ligawan stage na kayo pano yan alam naba nila tita?”

Huminga ako ng malalim.

“Hindi pa nga eh, pero sasabihin ko din naman”

Natahimik siya at nagtititili nanaman.

“seriously hindi ko alam na kaya nyang gawin yon haha kasi dati iniisip nga namin na bading yon eh.ikaw palang kasi ang nagustuhan niyang babae”

“You think worth it ako para sa kanya?”

Nag aalangan kong tanong sa kanya.inalog alog niya ako sa balikat.

“Ano kaba day,bakit naman hindi?Maganda ka,matalino,sweet at mapag mahal ano pang iniechos mo diyan”

“At bulag” dugtong ko pa sa sinabi niya.

“Love is blind ika nga nila diba”

She's trying again. :|

“Ha.Ha. nice joke”

Huninga siya ng malalim.

“Eh anong magagawa mo day eh mahal ka ng tao.sabi nga nila diba,  kapag mahal mo ang isang tao wala kang makikitang kulang sa kanya at saka isa pa mapipigilan mo ba naman ang puso na mahalin yung gusto niyang mahalin”

“Eh bat si marfect nakikita ang kakulangan mo sa height”

“Yan tayo eh bumabawi.ikaw na nga tong pinapayuhan ko tas lalaitin mo pa yung height ko hhmp”

Im sure naka nguso nanaman yan haha.tinusok tusok ko siya sa tagiliran.

”Eto naman joke lang.Basta bibigyan ko ng chance ang sarili ko at siya na iparamdam ang pagmamahal namin sa isat isa pero.... Pag nakita ko siyang nahihirapan na sa akin papalayain ko na siya kahit magiging masakit yon”

“Eh bulag ka nga day hindi mo makikita yon”

“Ha.Ha. gelai you're so funny grabe”

“ewan ko sayo.basta ito lang ang tatandaan mo,Hanggat mahal mo at mahal ka ipaglaban mo. Hanggat wala kayong inaapakang tao bakit isusuko niyo”

Okay papakinggan ko na po ang love expert.

Thanks for reading ❤
Please don't forget to vote ★
Just comment if may hindi kayo maintindihan.



I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon