Chapter 43

1 0 0
                                    


“Urgh” Nagising ako sa katok na nagmumula sa Pinto ko.“Sino yan”

“Ate Si kuya Marfect nasa baba”Agad akong napa balikwas ng bangon sa sinabi ni Jeysam.

Binalingan ko ng tingin ang isa na tulog na tulog parin hanggang ngayon.

“dai,gising na”umungot lang siya.

“Si Marfect nasa baba”dahil sa sinabi ko ay agad din siyang napa balikwas ng bangon sabay panlalaki ng mata.

Agad din siyang naka bawi sa pagkabigla at napalitan ng blanko ang muka niya.Inirapan niyako.

“Ginising moko para lang diyan”Bumalik siya sa pagkakahiga pero niyugyog ko siya.

“Bumangon kana at mag usap kayo ng maayos”Pero hindi niya parin ako pinapansin.

“Sabihin mo tulog umalis”I mentally rolled my eyes.

“Yeah right great idea,che! Bumangon kana dyan,walang mangyayare sa pag iiwasan niyo,dali bangon”

Hinila ko ang kumot na naka balot sa kanya at hinila ko siya pababa ng kama. Nagdadabog syang bumangon habang busangot na busangot ang muka.

“Fine,fine!”nginisihan ko lang siya.

~~

Matapos maligo ay bumaba nadin ako.Agad akong iginala ang paningin ko.Nakita ko si Jeysam na kumakain ng almusal.

“Asan yung dalawa?” Taka muna siyang tumingin sakin at agad ding naka bawi .

“Sila ate Angela?Ayon binuhat ni kuya Marfect papasok ng kotse tapos umalis”

Natatawa akong umiling.

“Sana magka ayos na yung dalawang yon”

“Pano pag hindi ate?” tumawa lang ako sa kanya.

“alam mo,dinako masyado nag woworry sa dalawang yon dahil alam kong mag aaway man sila eh yung isat isa parin yung bagsak nila”

Naiiling na tinuloy ni Jeysam ang pagkain.“Si mama at Rafael asan?”

“Ay ate wala ka kasi kahapon dito,ayon pina punta si mama sa school ni kuya”

Taka akong tumingin sa kanya.

“Huh?bakit daw” natatawa siyang uminom ng tubig bago ako sagutin.

“Nakipag sapakan HAHAHAHA ayon sinapak yung humalik sa pinopormahan niya”

Masama ko siyang tiningnan.

“At tuwang tuwa kapa talaga dyan ah?”

Tinikom niya ang bibig niya.

~~

Nag iwan lang ako ng note at dinikit sa ref para pagdating ni mama makita niya agad.Pupunta lang muna akong mall para tumingin tingin ng mga bagong books.

Habang abala sa pagtitingin ng mga libro sa bookshelf may isang libro ang naka kuha ng atensiyon ko.Kulay puti ang cover niya,sobrang simple.

Kukunin ko na sana,ang kaso may nauna nang kumuha.“Im sorry miss but i got it first”

Mapanuya nuya akong nginitian.“its okay—”nabitin sa hangin ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa lalaking papalapit sa likuran niya.

“Are you still not yet done picking Vaine?—”Natigil siya sa pagsasalita ng dumako ang tingin niya sakin.Bahagya siyang nagulat pero naging blanko din nang maka bawi.

“Actually I'm done na Jd so come on samahan mo na ako sa counter”Agad naman siyang nagpati anod ng kapitan siya nito sa braso.

Agad akong huminga ng malalim pagka alis nila.Hindi ko alam na kanina ko pa palang pinipigilan ang paghinga ko.Umiling iling ako saka lumabas nalang ng bookstore. Nawalan nako ng ganang bumili ngayon,maybe next time.

Nauhaw ako kaya bumili ako ng may makita akong Shake stand.“Kuya isa nga po”

“Anong Flavor po maam?” tumingin tingin ako sa mga kung anong flavor meron sila and there I found my favorite.

“Ah bu-”naputol ang sasabihin ko dahil sa baritonong boses na sumingit.Nalipat sa likod ko ang tingin ni kuyang ngiting ngiti sakin kanina.

“Buko,make it two”gulat akong napa tingin sa likod ko.

“What are you doing? I can bought my own”Tiningnan niya lang ako saglit saka kinuha ang inabot ni kuya.

Inabot niya din ang bayad saka umalis na parang wala lang.Hindi ako maka paniwalang tumingin sa papalayo niya ng likod.

“Akala ko po ma'am boyfriend nyo”

Nabalik ako sa wisyo ng magsalita ai kuyang crew na kakamot kamot sa batok.“Definitely he's not,dahil hindi ako papayag na bastusin ng ganon kung boyfriend ko siya”

“So buko po maam?”mabilis akong umiling.

“No,ube nalang” agad siyang kumilos.

~~

“The nerve of that guy” nagpupuyos parin ako sa inis dahil sa pamamahiyang ginawa sakin kanina.dere deretso lang ang lakad ko patungong parking lot ng may maka bunggo ako.

“Pasensya na miss”agad akong humingi ng tawad sa kanya habang inisa isang pinulot ang mga gamit niyang na hulog.

“Are you just stupid or bitter?”

Napa taas ang kilay Kong sinuyod siya ng tingin pataas.

“excuse me?” pero ganon nalang ang gulat ko ng makitang siya nanaman.

“are you also deaf?”Agad akong napatayo at hinarap siya.

“excuse me miss but you're being too much”

Nginisihan nya lang ako saka nagtaas ng kilay na tumingin sakin.“just answer my damn question,ah right maybe I should repeat it.So are you just stupid or bitter?”

Hindi ako makapaniwalang napapa buga ng hangin dahil sa mga sinasabi netong babaeng to.

“First of all i'm not stupid,nabangga lang kita dahil hindi ako tumitingin sa daanan but maybe you're the one who's stupid?hindi bat dapat umiwas ka gayong nakita mo naman ako?but you didn't so maybe you're stupid, and bitter?why would I?”

Nanlalaki ang Mata at butas ng ilong niya sakin.great Elara pinatulan mo Pa talaga.

“Ha! how dare you talk to me like that”

Sasagot na sana ako ng matanawan ko ang lalaking paparating sa likod niya.

“Vaine let's go tumawag si mommy sa bahay nalang daw tayo dederetso—what's happening here?”

Agad na kumapit si Vaine daw sa braso ng kadarating lang na si Jachiro.

“Look Jd,pinapa apologize ko Lang naman siya dahil sa pagbunggo niya sakin pero siya pa ang nagalit and she just called me stupid”

Napa amang nalang ako sa kaartehan at kasinungalingan ng babaeng to.Agad na nangunot ang noo ni Jachiro sakin.

“Next time be careful and learn how to apologize properly” naiinis ko siyang tiningnan.

“Excuse me?next time know the story first too before ka humatol—”

“-Let's go,mom is waiting”

Nanlalaki ang butas ng ilong kong sinundan sila ng tingin.The nerve of him?tinalikuran ako habang nagsasalita?kung nagpupuyos ako sa inis kanina mas naiinis nako ngayon.

Nagdadabog akong pumunta sa kotse ko at padarag na binuksan ang pinto saka pina andar pauwi.




Thanks for reading mga seb 💕


I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon