Chapter 30

3 1 0
                                    

“Dai dito ka nalang kaya muna matulog ang lakas ng ulan eh”

Nagkakasiya kami sa pagkukwentuhan ng biglang bumuhos ang ulan. Mas mabuti pa nga.Ayoko namang mapahamak si Joross sa pagmamaneho dahil lang sakin.

“Tatawag nalang muna ako sa bahay”

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa saka ibinigay kay Gelai.

“Oh dai nagriring na”

Kinuha ko ang cellphone na iniabot niya sakin at itinapat sa tenga.

[Oh ate susunduin naba kita]

“Ah Joross wag mo na akong sunduin masyadong malakas ang ulan.Dito nalang ako magpapalipas ng gabi paki sabi kay mama”

[Ganon ba ate,sige ate makaka rating]

Pinatay ko na ang tawag saka ibinalik ang cellphone sa bulsa.

“ihhhh ngayon nalang ulit nangyare to”

Nagulat ako sa pagtili ni Gelai.Oo nga,College pa kami nong huli kaming mag sleep over.

“Sooo ano kaya ang pwede nating gawin”

Pag tatanong niya pa.

“Alam ko na,mag movie marathon nalang tayo”

Paghirit niya pa. I mentally rolled my eyes. May nakakalimutan nanaman siya.

“Boo nakakalimutan mo bang-”

“Ay oo nga pala sorry”

Hinawakan niya ko sa balikat. Ngumiti ako.

“Ayos lang haha.Dika lang siguro masanay sanay”

“Eh kung makinig nalang tayo ng Horror story sa radyo?naalala mo ba yung pinapakinggan natin nong bata pa tayo rara?”

Ah oo namiss ko na din pakinggan yon.Tuwing 6 ng gabi nananahimik na kami ni Marfect sa baba ng puno para abangan yung paborito naming horror story.

“Tama.Ipa experience natin kay Gelai yon haha”

pumwesto na kami sa guess room nila at Pinatay ni Marfect ang ilaw.

“Omygosh ang creepy ng sound”

Pinatahimik siya ni Marfect.Tahimik lang kaming Nakikinig. Paminsan minsan napapa tili pa kami kapag nagugulat,nakukurot pa ni Gelai si Marfect haha.

Natapos ang pinapakinggan namin at takot na takot kami magsi puntahan sa banyo para umihi haha.

“Teka guys kukuha lang ako ng tubig sa kusina”

Tumango lang ako.

“Samahan mo nadin ng Cake boo”

Napapa iling iling nalang ako. Katakawan talaga.Nagulat ako ng may kumapit sa braso ko.

“Grabe dai Mas nakaka takot pala pag pinapakinggan lang noh?kasi mas naka focus lahat ng sense mo don sa pinapakinggan mo”

Mas nakaka takot pag nasa probinsya ka dahil pinapalibutan kayo ng mga puno.

“May nagawa din tayong nakaka relate ako haha-”

Natigil kami sa pagtatawanan ng may marinig kaming may Kausap si Marfect sa labas.Parang pamilyar ang boses ng kausap niya.

“Dai Tara puntahan natin si Em”

Pero mukang wala na akong kasama dahil tahimik na ngayon dito sa kwarto.Iniwan ako ng bruha.

Nangapa kapa ako para maka sa punta sa labas.Napatigil ako ng marinig ko na ang boses ni Gelai. Nakababa na nga ang bruha. 

I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon