Elara's POV
Tahimik lang akong naka tambay dito sa garden ni mama.hindi ko man mapag masdan ang paligid naamoy ko naman ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak na tanim ni mama.
Naka pikit lang ako habang ninanamnam ang simoy ng hangin na dumadapo sa balat ko ng may marinig akong kausap si mama.
Hindi ko makilala ang boses ng kausap niya dahil medyo mahina.
“Nandon siya sa garden iho”
“Ganon po ba tita sige po salamat po-”
Natigil siya sa pagsasalita ng putulin siya ni mama.
“Magpakilala ka sa kanya habang nasa malayo ka palang dahil nang hahampas siya ng tungkod niya kapag may biglang gumagalaw sa kanya haha”
Napa ikot nalang ang mata ko sa tinuran ni mama.pero totoo iyon. Simula nang mabulag ako ay nagiging agresibo ako sa tuwing nararamdaman kong may papalapit sa akin.lumakas ang hearing sense at pakiramdam ko simula ng mabulag ako.
Narinig ko pa ang tawanan nila saka sumunod ang katahimikan.
“Hi there pretty lady”
Hindi ko pa man siya ganon ka tagal na nakasama ay kilala ko na ang boses niya.
“Jachiro,anong ginagawa mo dito”
Masaya kong tanong.
“its Jach.Binibisita ang maganda kong kaibigan”
Inikutan ko siya ng mata.
“Mambobola”
Tumawa siya.bakit ba ang sarap sa tenga ng tawa niya.
“Bulag ka nat lahat nagagawa mo paring mag taray”
Mapanukso niyang turan.
“Ha. Ha. Nakakatawa”
Ayon tumawa pa nga.
“i was just joking.by the way here”
May ini abot siyang parihabang bagay sa akin.
“what's this”
Kinuha nya ang bagay na yon sa kamay ko saka ako may narinig na pagpunit ng papel.
“just a simple thing that i hope can make you smile. Here, eat this”
Iniabot niya sa kamay ko iyon.nagdadalawang isip pa bago ko ito tinikman.
“Masarap?”
Ngumiti ako.its chocolate.if you don't know,i love eating chocolate especially when im not in the good mood.
“–sabi ko na mapapangiti ka dyan eh”
Kumunot ang noo ko.
“How did you know”
“Well,every time kasi na malungkot yung ate ko bigyan lang siya ng chocolate nong boyfriend niya ngumingiti na siya”
“May ate ka pala”
“Ah yeah diko pa pala na-i kwento sayo.Nasa Iloilo siya ngayon doon na sila namumuhay nang asawa niya”
“Awe so bunso ka pala”
“hhm yes.eh ikaw nag iisa ka lang palang babae”
Tumango ako.
“by the way thank you pala dito”
Itinaas ko ang chokolateng hawak ko na sa tingin ko ay nangalahati na.
“Wala yon”
Namayani ang katahimikan saming dalawa.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONE
Genel KurguWe dreamed together under the night sky.We promised to love each other until the stars are gone.