Chapter 29

3 1 0
                                    

“Jorros wala kang trabaho ngayon diba?”

Kumpleto kaming nag aagahan ngayon dahil linggo,walang trabaho si Joross at wala ding pasok sila Rafael at Jeysam.

“Bakit ate”

Namimiss ko na din kasi makipag chikahan kanila Gelai.Kaya naisipan kong pumasyal sa kanila.

“Hatid mo naman ako sa kanila Gelai”

Si Jachiro naman tumawag lang kanina pag gising ko.

“Sige ate,sya nga pala paki dala nadin yung regalo ko para kay kuya Marfect.Hindi ko kasi naibigay dahil busy sa trabaho”

“Osige ba”

..

“Tawagan mo nalang ako pag uuwi kana”

Ngumiti lang ako sa kanya.Bumaba na siya ng sasakyan saka ako inalalayang bumaba na din.Nag doorbell na din siya.

“Oh Dai andyan kana pala,pasok pasok”

“Ah ate Gelai mauuna na ako”

“Hindi ka manlang ba papasok muna?”

Pagtatanong ni Gelai sa kanya.

”Nako ate may mga tatapusin pa kasi akong files eh”

Napa buntong hininga nalang si Gelai.

“Pati ba naman sa bahay nyo inuuwi mo pa ang trabaho mo”

Nako dika pa nasanay diyan Gelai.

“Kailangan ate eh.Ah sige una an ako”

“Mag iingat ka Joross ah”

Bilin ko sa kanya.

Iginiya narin ako ni Gelai sa loob.

“Nasan si Em”

Tahimik kasi sa kanila.

“Ah,inutusan kong mag grocery wala na din kasi kaming stock haha”

Haha tatapang tapang lang yon sakin pero under naman dito sa isa.Napangiti ako.

“Antagal nyo na din pala noh?Kamusta na pala plano nyo sa kasal”

Pina upo niya ako sa sofa at umupo din sa tabi ko.

“Ayon hustle masyado dai pero enjoy at the same time”

I envy them.Nalulungkot din ako kasi iniisip ko na pag dumating na yung araw ng kasal nila tapos bulag parin ako.Andon nga ako hindi ko naman sila makikita.

“Kailan na nga ba yon?”

Pag uusisa ko sa kanya.

“Sa February 20 sabay na namin sa Anniv namin para tipid HAHA” 

Napapa iling iling nalang ako.August na ngayon kaya anim na buwan pa bago ang kasal nila.Mabilis na lang yon.

“Eh kayo”

Sinundot sundot niyako sa tagiliran.Tumawa ako.

“Napaka advance mo haha wala pa ngang isang buwan na kami tapos kasal agad iniisip mo”

“Oh bakit don din naman punta non ah?unless hindi kapa sure sa kanya”

Bigla akong napa isip.Sure na nga ba talaga ako sa kanya?well go with the flow nalang dahil masakit ang umasa.Nangyare na nga nong unang beses eh uulitin ko pa ba.

Hinawakan niya ako sa balikat.

“omygosh so hindi ka pa nga sure sa kanya?”

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon