–such a nice guy–
Kriiiiiiiiingggg
Alarm yan teh
Tumingin ako sa bedside table ko at tiningnan ang oras.
8:30 am.
Dumeretso nako sa cr at naligo.
“Elara anak halikana kakain na”
“susunod nalang ho ako ma”narinig ko pa ang pagsara ng pinto sa kwarto ko.
After taking a bath ay bumaba nadin ako.
“oh ate halika na kain na”ngumiti lang ako at umupo na saka nagsimulang kumain.
“May lakad kaba ngayon anak”napa angat ako ng tingin.
“ah oho ma nag aya kasi si Mae na gumala”
”ayan ba yung kaibigan mo nong senior high kapa ate”tanong ni Rafael.
“hhhmm”
“Abay mabuti matagal tagal nadin naman kayong hindi nagkita kita”
Ngumiti lang ako bilang sagot.
.......
“Alis na ho ako ma”paalam ko sa kanya habang abala sa pagdidilig ng halaman.
“abay sige, mag iingat ka Elara ah sa panahon pa naman ngayon marami na ang halang ang kaluluwa diyan sa labas”
Ngumiti ako.walang pagbabago
“Oho mag iingat ho ang napaka ganda nyong anak”natawa naman sya ng bahagya.
“osya sya humayo kana at ipagpapatuloy ko na itong ginagawa ko”ngumiti ako saka tuluyan ng lumabas ng gate.
....
I smiled.
“Hiiii Mae its been a long time”masaya kong bati sa kanya.
Ngumiti naman sya.hayst i miss this girl. The one and only Mae Esguero.
“miss mo nanaman ako”kahit talaga kelan.
“Oo naman noh, kaya huuuug moko saka kiss”pasugod kong sabi habang naka dipa ang dalawang kamay at naka nguso.
Iwas na iwas naman sya na animong nandidiri.
“Ewww magtigil ay”
Natawa nalang ako sa kanya
“eto naman napaka arte,by the way tayo lang ba”
“hindi pwede ang iba kasi busy sa mga pamilya nila yung iba naman sa jowa pero si Aj dadating”napangiti nalang ako ng mapait.
“eh ikaw buti dika busy sa jowa”she just rolled her eyes.
“Sana all may jowa”at sabay nalang kaming natawang dalawa.
“oh ayan na pala si Aj”
“Hey guys”what the eff walang kupas ang ganda parin talaga.Ang pinaka bata saming magkakaibigan at pinaka maganda representing Althea Jaine Dela Vega
Patakbo akong pumunta sa kanya with my spread hands.
“Aaaaajjj i miss you”natatawa nalang sya sakin sabay yakap pabalik. Grabe ang hinhin ng tawa, kung lalaki lang ako niligawan ko na to.
“haha i miss you too eh ikaw naman kasi masyado kang nasiyahan don sa paglipad lipad mo”at nagtawanan nalang kaming tatlo.
“Oh ano mag tatawanan nalang tayo dito tara na nagugutom nako”they just rolled their eyes.
“wala paring pinagbago muka paring pagkain. Kailan kaba magbabago ha!kaya tumataba kana eh” magkapanabay nilang turan.
......
“HAHAHAHA really, i didn't expect na magkaka tuluyan yung dalawang yon”
“sinabi mo pa eh parehong diring diri sa sarili yung dalawang yon dati”natatawang sagot ni Mae
“Eh Mapunta ang usapan kay Aj”nanunudyong sabi ko habang nakatingin sa kanya.
“haluh bakit ako”nahihiyang sabi niya naman haha
“bakit hindi ikaw haha,so kamusta ang buhay pag ibig ng aming napapaka gandang kaibigan”
“Ay ako alam ko”nanunudyong usal din ni Mae.
“Pwede ba tigilan nyokong dalawa”nahihiya nyang sabi sabay takip sa muka. Haha so cute
“Alam mo bang nililigawan yan ni Michael and take note 3 years nang masugid na nanliligaw sa kanya pero di parin nya sinasagot HAHAHA”mapang asar na kwento ni Mae.
Si Michael ay dati naming kaklase na madalas asarin sa kanya. Hindi ko rin naman inaasahan na mauuwi din pala sila sa love story. Isang mahiyaing si Althea jaine at Michael Galvez
“Eh kailan mo ba balak sagutin si Michael, Rapunzel”mapanudyo kong turan.
“Why Rapunzel”inosente nyang tanong.
“Eh kasi naman day ang haba ng hair mo”magkapanabay naming sagot ni Mae sabay tawanan.
“Kayo talaga napaka bully”tinawanan nalang namin sya.
...
Our day went well. Sobrang saya na makasama mo ulit yung mga kaibigan mo it feels like bumalik kami sa pagiging teenager.
“Oh pano ba yan kitakits nalang ulit”
Napagdesisyunan narin naming umuwi na at gabi na.
“Goodbye mga sishy see you again next time”sumakay nadin sila sa kanya kanya nilang sasakyan.
Napangiti nalang ako sa kawalan.
Buti pa yung mga kaibigan ko may pamilya na. I was expecting na pagdating ko ng mga 28 may sarili narin akong pamilya with him.Pinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko yon.
“Elara”nagulat ako ng may tumawag sakin.sa lalim ng pag isip ko diko namalayang may nakalapit na palang tao sakin.
“oh Jachiro ikaw pala”ayan nanaman yung mga ngiti niyang nakaka tunaw.
“So whats up”
“Ah nakipag bonding lang ako together with my friends pero pauwi narin ako”ngiti ko sa kanya.
“Ah hatid na kita if you dont mind”aw gentleman.wag ka ngang ganyan baka ma fall ako. Agad kong pinilig ang nasa isip.
“Ah naku wag na may dala naman akong sasakyan”
“you sure?”pagtatanong nya pa sakin.
“hhmm”ngiting sagot ko sa kanya.
“Okay then aantayin nalang muna kitang maka alis bago ako pumasok sa loob ng coffee shop”
“Okay if thats what you want”ngumiti nalang sya sakin.
Pumasok nako sa sasakyan ko at saka umalis. Tiningnan ko pa muna sya sa side mirror. At talagang umalis lang sya sa kinatatayuan nya nong malayo nako.such a nice guy.
Thanks for reading ❤
Please don't forget to vote ★
Just comment if may hindi kayo maintindihan.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONE
General FictionWe dreamed together under the night sky.We promised to love each other until the stars are gone.