Chapter 9

4 1 0
                                    

            – you look amazing–

..

Dahil sa nangyare nong nakaraang araw ay minabuti ko ngang libangin ang sarili ko. Sabi nga ni mama kailangan ko lang malibang para kahit papa ano maka limutan ko na ang naka sakit.

Tsk dapat lang na maka limutan ko na siya ano. Tama nang pagpapaka tanga Elara. Move on move on din pag may time-ika nga ni Gelai.

[Oh napatawag ka]

“Pwede mo ba akong samahan”

Rinig ko ang pagtili sa kabilang linya.agad kong inilayo sa tenga ko ang telepono.

[Omygeee ikaw ba yan Elara]

“wag na nga”

Akma kong ibababa ang telepono nang pigilan niya.

[Teka naman wait. Eto naman napaka matampuhin sige saan ba tayo]

Sasama din pala andami pang pakulo.

“shopping”

[Hindi kaba nilalagnat]

“ano ba ibababa ko na talaga to”

[Sige na sige na magbibihis lang ako. I'll be right there in a minute].

I should change myself for the better. No, i should go back to old me.the Elara who always has her smile on her face. The happy go lucky Elara.

Maling mali na nagpaka lunod ako sa lungkot.

Napag desisyunan kong suotin ang dati kong mga damit na matagal ko nang hindi nasusuot dahil napabayaan ko na ang sarili ko.lagi nalang pants and tshirt ang suot ko. Miminsan nalang mag suot nang dress.

pero agad ding nagbago ang isip ko nang maalalang kasama sa mga alala ko sa kanya tong mga damit na to. Mabuti pang mapa migay nalang to sa mga pinsan ko sa probinsya kapag na uwi si mama doon.

Lahaaat dapat nang may kinalaman sa kanya dapat nang mawala sa paningin ko.

Nagsuot lang ako nang above the knee na kulay gray na skirt at white top at tinali ang hanggang bewang kong buhok.

Busy ako sa pagsusuklay nang buhok ko nang may bigla nalang yumakap sakin.

“Babe ano ba, nanggugulat ka naman eh”

Ngumiti lang siya habang inaamoy ang buhok ko.

“Ang haba na nang buhok ko matagal na rin nong huli akong nakapag pagupit”

“Okay lang yan”

“Babe samahan mo nga ako sa salon magpapa gupit ako

Umayos sya sa pagkaka upo.

“No, ayokoooo mas gusto ko yang mahaba ang buhok mo”

“pero ang bigat kasi”

Ngumuso siya na parang bata.

“bahala ka magtatampo ako sige ka”

Napa hinga nalang ako nang malalim. Hayst ano pabang magagawa ko.

..

“Are you ready?”

Huminga ako nang malalim bago ngumiti.

“Very much ready”

..

“bagay ba sakin to”

“Bagay na bagay day”

Napag desisyunan muna anming kumain bago nagpunta sa mga boutique.

Hawak hawak ang isang kulay puting dress na makikita mo ang pagka simple pero elegant at the same time. I really love white. Pureness.

I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon