–Alaala–
KRINGGGG
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Umiingos ako kinuha ito at sinagot.
“Hhhhhmmmm”
[Mahal na prinsesa gumising kana riyan at kanina pa kaming nag aantay ni marfect dito sa baba nyo]
Napabalikwas ako dahil sa narinig. Ano nanaman kayang ginagawa nitong mga to dito ng ganto ka aga. Napa tingin ako sa orasan at alas otso palang ng umaga.
“Anong ginagawa nyo dito”
[Boring kasi kami ni marfect kaya napagkasunduan namin na bumisita sa dati nating school nong high school]
Napa ismid nalang ako. Etong dalawang to. Alam ko namang gusto lang nila akong libangin.
“oh eh bat nasama pako bakit di nalang kayong dalawa”
[Eh bakit ba andami mo pang tanong bumaba kana nga diyan at naghahanda na si tita ng pagkain]
Napapa iling nalang ako.bumangon narin ako at naligo muna bago bumaba.
..
“Ayan na ang mahal na prinsesa”turan ni gelai
Inirapan ko nalang sya at ngumiti kay Marfect.
“che, eh ikaw nga riyan naka handa kana agad sa pagkain”
“naman ako paba”
“oh ma wala na si Joross”
“Naku anak maagang umalis at tinawagan daw ng boss nya may pinapa asikaso”
Tsk ang aga nanaman umalis napaka hard working daig pa ang may asawa't anak na binubuhay.
“Ate oh kanin”inabutan ako ni Jeysam ng kanin.
“salamat sam”ngumiti lang siya.
WALA paring pinagbago ang paaralan kung saan kami nagkakilala.
“Ano ba yang dala nyo”
“Ay di pa pala namin nasabi sayo, pupunta tayo don sa may ilog naaalala mo pa ba yon don sa kanila Ciara”
“Ah oo naaalala ko pa, so you mean mag pipicnic tayo”
Ngumiti lang si marfect.
“Yes daaay”hirit ni gelai.
“kayo nalang,may gagawin pa kasi ako”
Mas mabuti pang umuwi nalang ako kesa naman gagawin nanaman akong third wheel nitong dalawang to.
“Halika na kasi wag kanang kj”
WALA akong nagawa kundi ang sumama nalang.hindi ba naman ako pinakawalan ni gelai.
“Charaaaan ayan ayos na. Antagal narin nong huli tayong mag picnic dito ano”
Umirap lang ako sa kawalan.
“Oo at naalala mo ba nong huli tayong nandito Haha parang palakang takot na takot si Elara dyan sa ilog”
tawang tawang kwento ni Marfect.
“Eh pano ba naman pinagtulungan nyong buhatin ni Nigel at ihagis oops”
Nag aalalang tumingin silang dalawa sakin.
“wag nyokong tingnan ng ganyan”
Nag iwas silang dalawa ng tingin.
“Osya tara na lafaang na”pag iiba ni gelai sa usapan.
Taimtim kong inaalala ang mga nakaraan namin dito noon kung saan masaya pa kaming lahat, kung saan mayron pang kami.
Mabilis kong ipinilig ang ulo sa pag iisip.
Masaya kong pinagmamasdan ang dalawang nag tatalo pati sa pagkain. Tsk buti pa tong dalawang to hanggang ngayon matatag at masaya.
Hapon na nong maka uwi kami sa kanya kanyang bahay.
“Oh anak kamusta naman ang naging lakad niyo ng mga kaibigan mo”
“Hayst ayon ma okay naman. Puro pagtatalo nang dalawa ang naririnig ko”
Napairap nalang ako sa kawalan habang inaalala ang dalawa na walang tigil sa bangayan. Tsk
Natawa nalang si mama
“Aba eh hindi na talaga nagbago yang mga kaibigan mo magmula pa nong una”
“Sinabi mo pa ma.sige ma magpapahinga na po muna ako sa kwarto”
“osya anak sige.sya nga pala mamamalengke kasi ako mamaya ano bang ulam ang gusto mo”
“kahit ano nalang po ma”tugon ko at umakyat na sa kwarto.
Thanks for reading ❤
Please don't forget to vote ★
Just comment if may hindi kayo maintindihan.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONE
Ficción GeneralWe dreamed together under the night sky.We promised to love each other until the stars are gone.