Busy ako sa pagkain ng chichirya habang tumutulo ang luha dahil sa malulungkot na music na pinapakinggan.Baliw din talaga minsan yung mga tao noh?alam nang masakit ang pinagdadaanan makikinig pa ng music na alam nilang makakapag paiyak sa kanila.Siguro kasi mas nakakagaan sa pakiramdam kapag nailalabas yung sakit-
"ATE ateeee----" Nagulantang ako sa pangangalampag ni Jeysam sa pinto ng kwarto ko.
"Ano ba Jeysam napaka ingay mo-"
Natigil ako sa pagsesermon sa kanya dahil sa sinabi niya.
"tumawag si Doc Rumualdez MAY DONOR KANA ATE"
Nanlalaki ang mata kong kinapa siya.Agad niya naman akong inabot saka ko siya niyakap at nagtatatalon kaming dalawa.
Hinihingal akong tumigil sa pagtalon.
"Teka.. Teka,sino daw?"
"Confidential daw ate eh,ayaw magpakilala ng donor,basta ang mahalaga ate makakakita kana"
Nakakungkot namamg isipin na hindi ko manlang makikilala ang dapat kong pasalamatan.
Tunay ngang ang buhay ay parang isang gulong.Hindi palaging nasa ilalim kalang.thanks God. Agad kaming bumaba ni Jeysam at sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni mama.
"Masayang masaya ako para sayo anak"
"Kami rin ate,congratulations ateeee"
Yinakap nila akong lahat.Muli,tumulo nanaman ang luha saking mata pero hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya.
..
"OMYGEEE im so happy for you dai"
Agad na pumunta sila Marfect at Gelai dito ng malaman nila ang balita at ngayon nasasakal nako sa yakap ni Gelai.
"Ack--h-hindi n-nako makahinga"
Agad naman siyang napabitaw.
"Ay sorry, ihhhhh ang saya saya ko lang talaga kasi"
Natawa naman ako sa kanya.
"Halata nga eh daig mo pa ako haha"
"See rara?sabi ko naman sayo eh gagawa din si God ng kapalit para sa sakit na nararanasan mo just-"
Ngumiti ako sa kanya.
"-Trust him" Pagpapatuloy ko sa sinasabi niya.Ginulo niya ang buhok ko.
"So kailan daw ang operation dai"
Masayang tugon ni Gelai.
"As soon as possible daw,mga by next day daw"
Kinurot niya ako.
"ihhhh excited na talaga ako,makikita mo na ulit ang beauty ko" i mentally rolled my eyes.
"I change my mind" Pagbibiro ko sa kanya.
"Ikaw napaka sama mo talaga sakin,baka nakakalimutan mong sisters tayo" Tila nagtatampo niyang turan kaya natawa naman kami ni Em.
"Ako boo nandito lang palagi para titigan yang beauty mo,hinding hindi ako magsasawa"
Napa yuko ako.
"Love?Jachiro huy"
Pagtawag ko sa kanya dahil bigla nalang siyang nanahimik.
"Ha?bakit?"
Natatawa naman ako sa kanya.Lumilipad nanaman ata ang isip neto.
"Bakit kako bigla kang natahimik"
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONE
Ficción GeneralWe dreamed together under the night sky.We promised to love each other until the stars are gone.