Chapter 15

4 1 0
                                    

                   –Welcome home–

                    Elara's POV

“Oh Elara anak naka ayos na yung mga gamit mo ready na tayong umuwi. Oh hala Jeysam iuna mo na yung mga gamit nang ate mo sa sasakyan nag aantay na don ang kuya Joross mo”

Nakikinig lang ako sa sa kanila habang busy sa paghahanda sa pag uwi ko.discharge na kasi ako ngayong araw.

“Elara halika na. Dahan dahan lang hala sige hakbang, dahan dahan”

Nanghihina na ako.para akong naglalakad sa kadiliman. Hindi makita ang patutunguhan.Sobrang sakit sa pakiramdam.daig ko pa ang walang silbi.

“Oh anak bakit ka umiiyak”

Kinapa ko si mama saka yinakap.

“Ma masama ba akong tao?”

Hinawakan niyako sa pisngi saka pinunasan ang luha ko.

“Anak hindi,bakit mo ba naiisip yan”

Humikbi lang ako.ni hindi ko alam kung nasaan na kami.

“Eh bakit ako napaparusahan”

Inayos niya ang mga ilang hibla nang buhok ko na naka harang sa muka ko.

“Anak wag mong iisipin na parusa itong nararanasan mo habang nabubuhay kapa.dahil ang tunay na parusa ay sa impyerno nararanasan. Anak itong mga nangyayari sa buhay natin ay isa lamang pagsubok na ibinibigay nang Diyos sa atin para lalo tayong tumatag.Dapatwat magpasalamat tayo dahil nakaka ramdam tayo nang hirap kasi ibig sabihin ay nabubuhay pa tayo”

Naiintindihan ko ang mga sinasabi ni mama pero nilalamon ako nang hirap na nararamdaman ko.

“Dapat ko pa bang ipag pasalamat tong nangyari sakin maas mabuti pa atang namatay nalang ako nang tuluyan kesa nabuhay nga ako wala namang silbi”

Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi na tila gusto niyang makinig ako nang maigi sa  sasabibin niya.Ramdam ko nading umiiyak si mama dahil narin sa nangangarag niyang boses.

“Anak kahit kailan hindi nawalan nang silbi ang mga taong may kapansanan.Anak miski ang mga pilay nagagawa ang mga bagay na kalimitang nagagawa nang mga normal na tao.anak hindi porket may isang sense na nawala sayo ay ibig sabihin wala ka nang silbi”

Yinakap niya ‘ko.

“–marami ka pang ibang pwedeng gawin anak lagi mong tatandaan yan. Naiintindihan mo ba ako ha Elara”

Tumango nalang ako sa kanya.inalalayan niya na ako sa nilalakaran namin papunta sa parking kung saan nag aantay sila Joross.

“Oh ma antagal nyo aakyatin ko na sana kayo eh”

Iginiya na ako ni Joross papasok nang sasakyan habang nag uusap pa sila Jeysam at Mama.Si Rafael ang bantay sa bahay kaya hindi naka sama.

..

“Ate dumaan nga pala si kuya Jachiro kahapon kaso tulog ka kaya umalis nadin agad kasi may lakad pa daw siya”

Pambabasag ni Jeysam sa katahimikan.

Tumango lang ako.

“Nanliligaw ba sayo yon ate”

Parang badtrip na tanong ni Joross.

“Pwede ba Joross tumigil kana. Bakit ba lagi ka nalang badtrip sa tao hindi ka naman inaano”

“Pinoprotektahan lang kita. Tingnan mo nga tong nangyare sayo dahil don sa ex mong abno”

Napatahimik nalang ako dahil sa sinabi niya.narinig ko pang sinaway siya ni mama.

Tahimik lang ako buong byahe hanggang sa maka rating na kami sa bahay.

“welcome home ate”

Bungad ni Rafael sa amin.

“–nagugutom na ba kayo nag luto an ako nang pagkain”

Nag umpisa na silang mag kantiyawan na kesyo baka sunog naman oh hindi makain ang niluto ni Rafael.tsk.

“Ma pwede bang paki hatid nalang po muna ako sa kwarto ko”

Natahimik silang lahat.

“Hindi ka manlang ba kakain muna Elara abay wala kapang kain ah”

“Wala po akong gana”

Tahimik lang akong inalalayan ni mama na maka akyat sa taas at inihatid sa kwart ko.

“okay kana ba dito anak”

Tumango lang ako at ngumiti.

“Abay sige magpahinga kana muna riyan.tumawag ka nalang pag kailangan mo nang tulong oh kapag nagugutom kana”

“okay lang ako ma sige na po kumain na kayo don”

Narinig ko pa ang pag buntong hininga niya.

“Abay sige bababa na ako ha”

Tumango lang ako. Narinig ko pa ang pag sara ng pinto. Bumuntong hininga ako saka kinapa ang higaan ko saka humiga.

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay nang pagdalaw ng antok ko.

Thanks for reading ❤
Please don't forget to vote ★
Just comment if may hindi kayo maintindihan.

I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon