–My nightmare–
Angela's POV
Nagmamadali kaming pumunta nang hospital nang tawagan kami ni Jeysam na nagreresponse na ang body niya pero hindi pa siya totally nagigising.
“Hey guys where are you going”
Nag aantay na sa sasakyan si Marfect kaya nagmamadali nadin ako.
“Pasensya kana Jachiro nagmamadali kasi kami. Pupuntahan namin si Elara sa Hospital”
“actually i was about to ask you about her”
Dali dali ko siyang hinila papunta sa sasakyan.
“Kung ganon halika na sumama ka nalang”
Tahimik lang kami sa buong byahe.alam kong tensyonado si marfect kaya mas lalo din akong kinakabahan.
“I hope she's fine”
Pagbabasag sa katahimikan ni Jachiro.
Tiningnan ko siya sa rearview mirror.
“Alam kong magiging masakit to para sa kanya pero andito naman tayo para tulungan siya”
Tiningnan ko si marfect. Hinawakan ko siya sa kamay at ngumiti nang tumingin siya sakin.
“Everything will be alright boo. Makakayanan to ni Elara.”
Pagpapalakas ko nang loob sa kanya.ngumiti siya sakin at itinuon ang atensiyon aa pag dadrive.
“Thank you and i love you”
Ngumiti ako sa kanya at dinampian ko siya nang halik sa pisnge.
“Hey guys im here, in case you forgot”
tinawanan nalang namin siyang dalawa.
...
“Kamusta gising naba ang ate mo”
Pagbungad ni marfect kay Jeysam na kakalabas lang galing sa kwarto ni Elara.
“hindi pa kuya pero sabi nang Doctor anytime magigising na siya”
Alam kong kahit gano ka kulit tong batang to eh mahal na mahal nyan ang ate niya.halata sa kanya ang pag aalala.
“Eh si tita kamusta na”
Pagsingit ko sa usapan nilang dalawa.
“Nasa bahay ate,hindi pinayagang umalis ni kuya Joross. pinagpapahinga niya muna si mama”
“Mabuti naman kung ganon”
Napatingin si Jeysam kay Jachiro saka ko lang naalala na kasama pala namin siya.
“Ah eto nga pala si Jachiro kaibigan din siya nang ate mo”
“Nice meeting you kuya. Jeysam Aguilar kapatid po ni ate Elara”
Ngumiti si Jachiro saka tinanggap ang pakikipag kamay ni Jeysam.
“San ka nga pala pupunta”
Tanong ni Marfect kay Jeysam.
“Ah inaabangan ko din kasi kayong dumating kuya. Bawal kasi ang madaming bisita sa loob kaya aalis muna ako”
“Kumain kana ba”
Tanong ko sa kanya.
“hindi pa ate kakain nalang din ako. Doon muna ako sa canteen sa baba”
Tumingin siya sa amin saka umalis nadin. Tinapik lang siya sa balikat ni marfect.
Pumasok na din kami sa loob.Naiyak nanaman ako nang makita ang lagay ni Elara.Simula nang ipakilala siya sakin ni marfect sobrang gaan na talaga nang loob ko sa kanya.napaka thoughtful na kaibigan. Minsan mas inuuna niya pa yung iba kesa sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONE
Ficción GeneralWe dreamed together under the night sky.We promised to love each other until the stars are gone.