Chapter 23

3 1 1
                                    

“Daaaaay gising na uyy”

Nagising ako sa tindi ng ingay ng bunganga netong babaeng to.uungot ungot akong bumangon.

“Argh ano bang ginagawa mo dito.Bakit ba nambubulabog ka ng gising ah”

Hinawakan niya ako sa braso para tulungang bumangon.

“Tulungan mo akong mag isip ng surprise”

Napa kunot ang noo ko.

“Surprise para kanino naman”

Napadaing ako ng kurutin niya ako sa tagiliran.itong babaeng to nasasanay na kaka kurot sakin.

“Ikaw kinakalimutan mo na yung birthday ni Marfect.Naku pag nalaman niya to tiyak magtatampo sayo yon ng bonggang bongga”

Hala shems oo nga pala birthday niya na sa makalawa.Masyado akong na preoccupied this past few months mabuti nalang at napa alala ni Gelai.

“Oh ano naalala mo na ha–”

“Shhh oo na oo na tutulungan na kita wag ka na maingay”

..

Halos buong araw namin umikot lang sa pagbuo ng plano para sa birthday ni Marfect. Ayaw niya daw kasing pag usapan namin sa chat at baka makita lang ni Marfect at mabuko pa ang plano.

“basta malinaw ang plano,Kunyare walang naka alala ng birthday niya kahit si jachiro tapos yayayain siya netong mag gym pero masisiraan sila ng sasakyan then ayon magtatagal sila don tapos kokontakin nalang natin pag tapos na” 

“Youre so brilliant talaga Elaraaaaa,pero teka... Speaking of Jachiro... Hhhm ano naba talaga ang score sa inyong dalawa”

umaatake nanaman ang pagiging chismosa niya :|.its been 2 months since jach confess to me.Sa loob ng two months na yon naging consistent siya sa panliligaw sakin. Kung ano siya nong una siyang magtapat ng nararamdaman sakin,ganon parin siya hanggang ngayon.

“Hindi pa kami okay?”

Rinig ko ang oag ungot niya.

“Ano ba naman yan napaka hina naman ng manok ko”

Para talaga tong ewan pati ba naman si jach ginawa pang manok.

“Sabi nga ni Lola Nidora diba (Ang pag ibig ay pinaghihirapan,
pinagsusumikapan at hindi minamadali)at dumadating sa tamang panahon”

Panggagaya ko pa sa boses ni Lola Nidora.

“Jusko ka teh 2020 na stick ka parin diyan sa kasabihan na yan.Di na uso dalagang pilipina dai”

I mentally rolled my eyes.

“Kahit ano pang sabihin mo still yon parin ang paniniwalaan ko”

“Osya sige bahala ka,pag ikaw naunahan ng iba ikaw din kawawa”

“Kung mahal niya talaga ako kaya niyang mag hintay”

..

Mag aalas kwatro nadin nong umuwi si Gelai.Sinundo siya ni Em dito dahil ayaw daw pag commutin at delikado. Tsk ang eme talaga.

Wala akong magawa kaya nahiga nalang ako sa kama ko.Hindi pa naman ako makaka tulog dahil alas otso palang ng gabi.Lagi ko kasing tinatanong si mama ng oras.

Im humming a song when my phone beep.kinapa ko to sa bedside table at pinindot sa kanan para sagutin. Matik na kasi na pag sasagotin sa kanan.

“Hello?”

Yon lang haha diko alam kung sinong tumatawag sakin.

[Hey Elara]

Agad akong napa ngiti ng mabosesan ko ang kausap.

“Jach” Masigla kong usal.

[Hows your day?] 

Kinuwento ko sa kanya ang mga naging pag uusap namin ni Gelai.

“is it okay with you?”

Nag aalala kong tanong.

[Yes of course,gusto ko din maka tulong]

Sandali kaming natahimik.Ganito lang kami every night.Tumatawag siya sa akin bago kami matulog sweet diba?Nawawala daw kasi ang pagod niya pag naririnig niya ang boses ko haha ako naman tong si kerengkeng kinikilig din.

“Thank you.So how about you?hows your day?”

Napa buntong hininga siya.

[Stressful day.But im okay now naka usap na kita eh]

I mentally rolled my eyes not in irritation but to stop my smile.

“Nambobola ka nanaman”

[Since when na binola kita?Im always been true to you,if i said that you're pretty then you are,if i said that i.. I love you.. Then i really do.I really do love you Elara]

Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko at pagbilis ng tibok ng puso ko sa sinabi niya.Para kong nalunok ang dila ko kaya hindi ako makapag salita.

[You don't have to response if you still can't,i...i just want to express my feelings for you.Hey Elara still there?]

Nahimasmasan ako ng tawagin niya ako.

“Ha?Ah oo sorry may nakita kasi akong falling star na dumaan”

tumawa sya ng tumawa.

“Why are you laughing?”

Tumigil siya sa pagtawa saka tumikhim.

[Maybe nakikita mo lang yung sarili mo.You are a star that started to fall for me]

Ang lakas na talaga ng loob ng lalaking to na bumanat banat lagi sakin.

“che wag ka ngang assuming”

Pagtatanggi ko sa kanya.

[Ow c'mon Elara nahuhuli kana mismo sa bibig mo.Magpapa lusot ka nalang kasi palpak pa Hahaha]

“What are you talking about?”

[How could a beautiful blind girl can see a falling star?]

Tonong pang aasar na sabi niya sakin.Omygosh Elara napaka stupid ng naisip mong palusot.

Napa tampal nalang ako sa noo ko.Nakaka hiya ka Elara gosh.

“I mean... Ahhm–”

[Hahaha stop that Elara]

“Stop what?”

[Wag mo nang pigilan ang sarili mo.Hayaan mo lang na mahalin ako nyang puso mo,itapon mo na ang sakit ng nakaraan.Pangako hinding hindi kita sasaktan] 

I think....I already fell for this man.

Thanks for reading ❤
Please don't forget to vote ★
Just comment if may hindi kayo maintindihan.













I LOVE YOU UNTIL THE STARS ARE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon