Chapter 1

207 7 0
                                    

Warning: Expect grammatical errors and typos. Enjoy reading 😊.

Chapter 1

Sino?

"T-thank y-you." Nauutal kong wika noong inabot ni Prince ang mga letters ko. Ngumiti siya sakin at para akong lumutang sa hangin. Napangiti ako ng malapad dahil sa ngiti niya, napakurap ako nang nakitang naglakad na siya palayo. Tae, sana ay naging okay ang tingin niya saakin.

Tiningnan ko ang mga letters at inisip kung ano ang gagawin ko dito. Itatapon ko ba? Susunugin? Sana ay tumigil na siya sa pagsusulat kung hindi naman siya magpapakilala.

"Feelingera. Akala mo kung sinong maganda."

"Yah right. Siguro ay sinadya niyang mahulog iyon para tulungan siya ni Prince. Kadiri."

"Hindi bagay sakanya ang pangalan niya, Quennie? Baka ugly."

Iyan ang mga naririnig kong usapan sa corridor habang naglalakad ako. Lahat nalang ay binigyan ng pansin. Nakakainis talaga. Inayos ko ang salamin ko at ang bangs ko. Sana ay humaba na agad ito, hindi ko naman gustong mag pabangs na bored lang si mama at pinagtripan ako.

Naglakad ako at pumunta na sa room ko, kung saan ang next class namin. Pag pasok ko palang ay tinamaan agad ako ng bolang papel sa mukha.

"Ops ugly, I mean, sorry." Sabi ni Hans at ngumiti ng nakakaloko. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na. Noong umupo ako sa chair ay nanlaki ang mata ko. May sulat sa desk ko! The hell!

'I love you Quennie, sana ay makita ko pa ang matatamis mong ngiti.'

Tinabunan ko agad ng kamay ko ang sulat.

"What was that?" Tanong ni Hans na nasa likod ko na agad. Mas lalo kong diniinan ang kamay ko sa desk pero malakas siya kaya naalis niya ang kamay ko. Nakakainis talaga tong lalaking to. Gwapo sana kaya lang pabida. Badtrip.

"I LOVE YOU QUENNIE, SANA AY MAKITA KO PA ANG MATATAMIS MONG NGITI" nagulat ako nang bigla niya binasa ng malakas ang sulat doon. Lumapit ang ibang lalaki at binasa ang nakasulat. Pagkapos ay tumawa sila at ginulo ang buhok ko. Nakakainis talaga ang admirer na iyan. Dati ay normal ang buhay ko noong hindi niya ginagawa ito. Kapag nakikilala ko talaga kung sino siya at tatadtadin ko siya ng buhay.

"Naks ang Quennie natin ay inlove na. Ipakilala mo kami dyan a." Asar ng isa kong kaklase. The nerve talaga. Mag iimbistiga na talaga ako tungkol dito!

Hindi nag tagal ay dumating na ang proof at nakahinga ako ng maluwag. Umupo na sila at inayos ko naman ang buhok ko.

Nagsimula na siyang mag lesson at nakinig naman ako ng mabuti.

"Before we end our class, I have an assignment for you all. Sana ay gawin niyo ito dahil weekend na. Maraming time kayo gumawa." Sabi ng proof at isinulat ng assignment na sinasabi niya. Isinulat ko naman iyon. Nang matapos siyang magsulat ay nagpaalam na kami at umalis na siya. Inaayos ko ang gamit ko ng biglang may notebook na lumipad sa desk ko.

"Gawin mo ang assignment ko." Sabi ni Hans at tumalikod na. Huminga ako ng maluwag at napamura nalang sa isip ko. Lagi niya yang ginagawa. Napaka arrogant. Akal mo kung sinong gwapo. Aaminin ko na gwapo siya at maraming babaing humahabol sakanya at tuwang tuwa siya doon. Kinuha ko ang notebook niya at nilagay sa bag ko. Aalis na sana ako pero hinarang ako ng isang lalaki at nilahad ang notebook niya sakin.

"Gawin mo rin ang assignment ko." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya ang notebook niya doon.

"Thanks." Sabi niya at umalis ng masaya. Napairap nalang ako.

"Akin rin!" biglang sulpot ng lalaki sa harap ko. Binigay niya sakin ang notebook niya, at marami pang lumapit sakin. Gusto ko nalang magmura habang nilalagay ang notebook sa bag, siguradong mabigat na ito. Ang iba ay binitbit ko nalang.

Habang naglalakad sa corridor ay pinag titinginan ako ng mga estudyante. Pumunta ako sa locker ko. Pagkatapos kong gawin iyon ay pumunta muna ako sa canteen. Bumili ako ng pagkain at kumain mag isa. Mayroon naman akong kaibigan kaya lang absent siya ngayon kaya no choice kundi mag-isa. Habang kumakain ay may naisip akong magandang ideya.

Tumayo ako at lumabas na sa canteen. Pupunta ako sa locker room. Ganitong oras ay naglalagay ng letter ang admirer ko. Kaya I'm sure na nandoon iyon ngayon.
Tumakbo ako ng bahagya at napatigil ako ng malapit na ako sa locker. Naglakad ako ng dahan-dahan at sumilip sa locker. Ilang minuto ko iyong ginawa. Nagmukha akong tuko sa sitwasyon ko ngayon. Nababaliw na ata ako. Nasaan na ba ang admirer na iyo?

Umayos ako ng upo at hinawakan ang leeg kong biglang sumakit. Dahil ata ito sa ginagawa ko. Bigla akong naalarma ng marinig ang pagsarado ng locker. Dahan dahan akong tumingin at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nakita ko. Anong ginagawa ni Hans sa harap ng locker ko? Siya ba ang secret admirer ko?

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon