CHAPTER 14
Someone's POV
Nakatingin ako ngayon sa babaing papasok sa canteen. She's really beautiful. Hindi ako magsasawang tingnan siya.
"Bro, ano? Tuloy ba tayo mamaya? Maraming chix mamaya sa club. Sama ka na." sabi saakin ng kaibigan kong kadarating lang. Hindi ko siya pinansin at pinagmasdan lang ang babaing mag-isa kumakain.
"Bakit mo ba tiningnan si Quennie? She's a nerd. At pangit naman yan para bigyan ng panahon," sabi ng kaibigan ko. Tiningnan ko siya ng masama.
"Pero pwede na yang pagtyagaan. Maganda ang katawan. Basta ba ako ang mauuna sunod i-" Hindi ko na pinatapos siyang magsalita. Sinuntok ko ang mukha niya pagkatapos ay kiniwelyuhan.
"Anong problema mo? I'm just joking." he said at may ngiti pa sa labi niya.
"Kapag binastus mo pa siya sa harapan ko ay papatayin kita. I'm not joking bro." sabi ko at iniwan na siya.
Hindi ako pinapansin ni Quennie. Kahit tingin ay hindi niya man lang magawa.
I like her and I love everything about her. Pero hindi ko kayang umamin sakanya. Pakiramdam ko ay hindi ako bagay sa isang anghel na tulad niya.
But one day. Nagbago ang pananaw ko doon.
Nakita ko siyang may kausap na lalaki, nakangiti si Quennie sakanya. And I hate it. Ayaw kong may lumalapit sakanya.
That's when I decided to be her secret admirer. Wala akong lakas ng loob para lumapit at kausapin siya lalo na ang umamin sakaya, kaya palihim ko nalang siyang binibigyan ng letters.
Inihuhulog ko ang letters kapag walang tao. Break time, kapag may lesson na at kapag uwian.
Noong una ay nakikita ko na masaya siya. Kaya mas lalo kong pinag-iigihan ang ginagawa ko. I want her to be happy, gusto ko ako ang dahilan.
"Hindi ka na naman ba sasama? Basketball na tayo, maraming babae ang manonood." Aya sa'kin ng isang kaibigan. Umiling ako.
"I have something to do." I said.
"Palagi naman ganyan ang sinasabi mo." sabi ng isang kaibigan. Hindi ko na sila pinansin pa at umalis na.
Tinitingnan ko sa malayo si Quennie. When I saw her smiling it makes me smile too.
Isang taon na simula noong naging secret admirer niya ako. At hindi pa rin ako tumitigil sa pagbibigay sakanya ng letters.
Isang araw ay sinundan ko siya. Pumunta siya sa locker room. Maraming estudyante ang nambubully sakanya. Gusto ko siyang ipagtanggol. Gusto kong parusahan Ang mga nananakit sakanya. Pero hindi ko magawa. Nauunahan ako ng kaba.
Binuksan niya ang locker niya at nalaglag ang mga letters na inihulog ko. Naiipon na iyon sa loob. Napangiti ako. Pero nawala ang ngiti ko noong may lumapit sakanya, lalaki, tinulungan siya. I hate it. Gusto ko siyang sugudin at bugbugin. Kaya lang kapag ginawa ko iyon ay makikita niya ako. Makikilala. Hindi pa ito ang tamang panahon.
Isang araw ay nakita ko si Quennie na itinapon ang letters ko, noong una ay nasaktan ako. Pero naisip ko na baka nagsasawa na siya sa mga letters.
Kinaumagahan ay maaga ako pumasok para ilagay ang isang rose at letter sa desk niya. Magpapakilala na ako sakanya.
Mas maaga ako pumunta sa rooftop kaysa sa itinakdang oras. Pero nabigla ako nang makita na may tao doon.
"So, you're the secret admirer huh." He said. Sinamaan ko siya ng tingin. Fvck this man. Sisirain niya ang plano ko. Isa ito sa mga nambubully kay Quennie, hes Hans. At pinapatay ko na siya sa isip ko.
"What are you talking about?" I said. Nagbago na ang isip ko. Gusto kong si Quennie lang ang makakakilala sa'kin.
"I saw you, putting a letters to her locker. Don't deny it." He said again. Marami itong satsat.
"Paano kapag nalaman niyang ikaw ang secret admirer niya? Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya?" sabi ni Hans. Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. The hell! Hindi niya pwedeng sirain ang plano ko! I will him!
"Damn you! Quennie is mine. She. Will. Be. Mine." I said at umalis. Tangnang lalaking 'yun. Hindi ko hahayaan na may humarang sa mga plano ko.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magpakikilala Kay Quennie dahil palaging nakaaligid sakanya ang gag*ng si Hans at kaibigan niyang si Prince.
"Bakit maraming picture si Quennie sa kwarto mo?" Tanong sa'kin ng pinsan ko. Si Samuel. Naabutan ko siya sa loob ng kwarto ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ka pumapasok sa kwarto ko?" I asked.
"Leave now." I said
"Sabihin mo nga sa'kin. Ikaw ba ang secret admirer niya?" tanong niya. May halong pagtataka ang nakita ko sa mukha niya.
"I don't need to answer your question, Sam. Just leave." sabi ko.
"Pero ang kaibigan niya."
"JUST LEAVE!" sigaw ko.
Noong umalis siya ay sinarado ko agad ang pinto.
Tiningnan ko ang mga nakuha kong litrato kay Quennie. Kahit anong anggulo ay napaka perpekto niya. Kahit na nerd siya, napakaganda niya.
Noong mga nakaraang araw ay palagi ko siyang sinusundan. At itinitext kapag may pagkakataon. Nakuha ko ang numero niya sa taong malapit sakanya.
At noong gabing iyon. Kukunin ko na dapat siya. Magiging kami na dapat. Masaya na sana kami ni Quennie. Kung hindi lang dumating ang gag*ong si Hans.
Sinundan ko si Quennie sa bahay nila. Masaya ako noong lumabas siya. Hinabol ko siya noong tumakbo siya. Alam kong natatakot siya sa'kin. Pero alam kong magbabago ang nararamdaman niya kapag nakilala niya na ako.
Lalapit na sana ako sakanya ngunit may biglang humawak sa balikat ko at pinagsusuntok niya ako. Hindi ako nakalaban dahil sa gulat. Wala akong nagawa kundi ang umatras. May araw din sa'kin ang Hans na iyon.
Dahil sa nangyari noong gabing iyon ay hindi na muna ako nagparamdam pa kay Quennie. Tumigil ako sa lahat. Nagpaplano ako kung paano ko siya makukuha.
At ang lahat ng plano na iyon ay nalaman ni Samuel.
"Nababaliw ka na ba? Bakit hindi mo nalang tigilan si Quennie! Hindi ka niya Mahal!" Sinapak ko siya dahil sa mga sinabi niya. Napahiga siya dahil sa ginawa ko. Ngumiti ako sakanya.
"She loves me, Sam. Gusto niya lahat ng ginagawa ko para sakanya. Masaya siya sa ginagawa ko. She loves me." I said.
"Kapag nangialam ka sa mga plano ko ay papatayin kita." pagbabanta ko kay Sam at tinalikuran ko na siya.
At ngayon, ito na ang tamang panahon para magpakilala. Para magpakita. Sa prom night. I will make sure na Quennie will be mine.
"Nasasaktan ako! Bitawan mo ko! Saan mo ba ako dadalhin?" sigaw ng babaing kinaladkad ko papunta sa kotse. Sinikmuraan ko siya pagdating sa kotse at nawalan siya ng malay.
"Hindi sana mangyayari yan kung sumama ka lang ng maayos." I said.
Kinuha ko ang cellphone ko. Tiningnan ko ang picture na kinuha ko kay Quennie kanina. She's really beautiful. Mas magiging maganda siya kung ako ang kasama niya.
Kinuhaan ko ng litrato ang kaibigan niyang walang malay ngayon. Sinend ko iyon kay Quennie kasama ang lugar na pagkikitaan namin ngayon. Wala na siyang kawala. Alam kong hindi niya matitiis si Mimah.
Sumakay ako sa kotse at pinaandar na ito.
Huminto ako sa isang bakanteng lote. Wala masyadong dumadaan na mga sasakyan at wala ring bahay. Napangiti ako. Maya-maya lang ay nandito na ang Reyna ko.
Binuhat ko si Mimah at itinali sa isang puno. Umupo naman ako sa isang upuan. May dala akong mga maleta dahil pagdating ni Quennie ay aalis agad kami.
Hindi nagtagal ay may nakita akong taxi. Bumaba doon ang hinihintay ko. Ang Quennie ko.
Naglakad siya papalapit sa'kin. Tumayo naman ako at naglakad para salubungin siya. Huminto siya ng makita kung sino ako.
"Yvan."
BINABASA MO ANG
The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)
Teen FictionNaging sikat siyang Nerd dahil sa secret admirer niya. Marami na siyang pinagkamalang tao pero sa huli ay bigo siyang makilala kung sino ba talaga. Ang ultimate crush niya? Ang lalaking nambubully sakanya? O ang nerd na katulad din niya? Let's find...