Chapter 10

109 6 0
                                    

CHAPTER 10

Partner

"Hi, Quennie." Bati sa'kin ni Venus. Kahit na nakangiti siya ay kita parin ang inis sa mukha niya.

"Do you still know me? It's been a while, hindi na kita napagtitripan." ngumiti siya at naglakad palapit sa'kin. Umatras ako.

Nakita ko ang pagpasok nang iba pang  mga babae, mga kaibigan niya iyo. Kung bibilangin lahat ay mga anim sila. Kasama si Venus. Nakaramdam ako ng kaba.

Noon pa man ay binubully na nila ako. Pero hanggang mga masasakit na salita lang ang inaabot ko. At ngayon, nararamdaman kong mas malala na.

Naramdaman kong wala na akong maatrasan, nasa likod ko na ang pader.

"Anong kailangan niyo?" right Quennie. May ganang ka pang mag tanong kahit alam mo na ang sagot.

Ngumiti ng nakakaloko si Venus. Nasa harap  ko na siya ngayon. Ang ibang kasama niya ay nasa likod niya. Ni-lock noong isa ang pinto.

"How dare you to talk to Prince and Hans," panimula niya.

"Nilalandi mo sila!" sabi ni Venus.

"Mali ang iniisip mo. Hindi ko naman talaga gustong-"

"Shut up!" sinampal ako ni Venus.

Hindi natuloy ang sasabihin ko. Napahawak ako sa pisngi ko.

"Don't you ever talk to me like that!" she said. Bakit kapag kay Hans ay nakakalaban ako? Pero kay Venus ay hindi! This is unfair!

"I'm just telling the truth!" nagulat si Venus sa biglaan kong sigaw. Sinampal niya ulit ako.

"You're crazy, bitch. Ang kapal ng mukha mo para sabihin na si Hans ang secret admirer mo! You're so desperate." sabi ni Venus. Kita ang panggigigil sa mukha niya.

Huminga ako ng malalim. Sabi ko na nga ba. Matalagan na siyang may gusto kay Hans kaya niya ginagawa sa'kin ito ngayon.

"Hawakan niyo na siya." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Agad namang lumapit sa'kin ang tatlong babae.

"Anong gagawin niyo?" tanong ko.

Pumalag ako noong hinawakan nila ang magkabilang braso ko.

"Bitawan niyo ko!" sigaw ko sakanila.

Pero walang nagawa iyon dahil marami sila. And the hell. Ako lang mag-isa!

"Huwag kang malikot!" sigaw ng isang babae at sinampal ang kabilang pisngi ko. Biglang tumulo ang luha ko dahil sa sakit.

"Gawin niyo na." utos ni Venus sa natitirang dalawang babae.

Lumapit sila sa'kin at nagulat ako ng simulan nilang punitin ang soot kong unifom.

"The hell! Stop that!!" sigaw ko pero hindi sila nakikinig. Ipinagpatuloy nila ang pagpunit sa blouse ko. Napapikit ako nang makita na sira na ang suot ko.

"Ganyan nga, yan ang nababagay sa assuming na kagaya mo." sabi ni Venus. Kita ang ngiti sa labi niya. Wala naman akong magawa kundi ang umiyak.

Binitiwan nila ako. Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko para takpan ang bra ko. Nakita kong naglabas ng cellphone si Venus.

"Let's take a picture. Say cheese, ugly Queen." nakangiting wika niya.

Marami siyang picture na kinuha. Saka siya tumigil noong nagsawa na siya. Nagtawanan sila.

"You should learn your lesson now. I don't want to see you with Prince, specially with Hans." sabi ni Venus at nagsimula nang maglakad paalis. Sumunod ang mga kasama niya.

Pag alis nila ay pumasok ako sa cubicle. Sinubukan kong ayusin ang uniform pero malalaki ang punit nito. Hindi ako pwedeng lumabas na ganito. And the hell. Bakit ngayon ko pa naiwan ang cellphone ko sa bag?

Napaiyak nalang ako. Ang hina mo naman Quennie! Ang hina hina mo!

Narinig kong biglang bumukas ang pinto sa labas.

"Quennie!!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Naalarma agad ako. Lalabas na sana ako pero nagulat ako nang bumukas ang pinto ng cubicle kung nasaan ako.

"What the hell! Anong nangyari sa'yo? Anong ginawa nila? Shit!" sigaw ni Mimah at niyakap ako.

"I'm sorry, ngayon lang ako dumating. Humanda talaga sila!" sabi niya. Umiling ako.

"I'm okay. Huwag mo na silang gantihan." I said. Bumitiw si Mimah sa yakap at tiningnan ako. Kita ang pag-aalala sakanya.

"I need to change. Uuwi na ako." sabi ko. Tumango naman si Mimah at ngumiti sa'kin. Inayos niya ang buhok ko.

Umalis si Mimah para kumuha ng extra shirt. Pagbalik niya ay dala niya ang p.e at ang bag ko. Sinuot ko iyon at  nilagay ang sirang uniform sa bag.

Inayos ko ang salamin ko at ang buhok kong nagulo kanina. Pagkatapos ay lumabas na kami ni Mimah.

Ilang araw ang lumipas ay hindi na naulit iyon. Hindi ko na pinapatulan si Hans sa mga pang-aasar niya. At ngayon nasa tabi ko siya at sinisipa ang paa ko. Umiwas naman ako.

"What's your problem? Bakit hindi ka na pumapatol?" tanong ni Hans.

Napaka kulit niya. Hindi ba siya makaramdam na ayaw ko siyang kausapin?

May prof. ngayon at hindi siya nakikinig. At nadadamay ako dahil iniistorbo niya ako. The nerve of this boy!

"Are you in love with me?" nabigla ako sa tanong ni Hans. Lumingon ako sakanya at tinarayan siya. Nag smirk naman siya.

"See? You're in love with me." Pinal niyang wika. Tumingin ako sakanya ng seryoso.

"I'm not. Never." I said. Nakita kong lumungkot ang mukha niya. At hindi na ulit niya ako ginulo. That's great.

Pagkatapos nang lesson ay pumunta ako sa locker para kumuha ng libro.

Napansin ko rin nitong mga nakaraang araw ay tahimik ang mundo ko. Walang secret admirer na nag-iiwan ng letters sa locker ko at naglalagay ng bulaklak sa desk ko. Wala na rin akong text na nakukuha galing sakanya. Kahit tawag ay wala. Simula noong gabing may sumunod saakin ay wala na akong naramdamang kakaiba. Napaisip tuloy ako. Tumigil na ba siya? Yung bang secret admirer ko at 'yung lalaking sumunod sa'kin noong gabing iyon ay iisa?

"We will having a prom night." sabi noong prof. namin ngayon. Naging maingay ang buong room.

"Sana ay kapareha ko si Hans. Ghad he's so handsome. Hans the handsome!"

"I like Prince, I want him to be my Prince charming."

"Saakin ay si Sam. I want him to be my boyfriend Samday."

Napairap nalang ako sa mga naririnig ko. Ang lalandi! Gusto ko rin si Prince! Be my Prince please! Pero naisip ko na baka awayin na naman ako nina Venus kung isa sakanila ang partner ko.

"I'm here to announce kung sino ang mga magiging kapareha ninyo," nakinig ang lahat sa proof.

"Samuel Blanko and Margaret..."

"Luke Castro and Syra..."

Napapikit ako nang kaunti nalang ang natitira. Sana ay hindi siya. Sana ay wala sakanila.

"Hans Miguel Silva and Tiffany... And last"

"Prince Dave Alloja and  Quennie Mae Sarmiento."

Napadilat ako nang marinig ako pangalan ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matutuwa ba dahil si ultimate crush ang partner ko o hindi.

"I disagree!" napatingin kami sa biglaang sumigaw. What is he doing? Tumingin si Hans sa'kin.

"I want Quennie to be my partner." Hans said. Tinarayan ko siya. Nababaliw na ba siya.

"Hindi pwede Hans. It's final. Hindi na pwedeng baguhin. Magugulo lang ang mga naarrange na." sabi naman ng proof.

Nakita ko ang inis at panghihinayang ni Hans. Nakita ko rin na napangiti si Prince at ngumiti. Anong meron?

And with that, narealize ko na kahit ayaw ko man maging partner si Prince ay wala na akong magagawa.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon