CHAPTER 5Shadow
Pagkatapos kong mabasa ang message niya ay nagpaalam muna ako kay Mimah na pupunta sa cr. Gusto niya pa sanang sumama pero sinabi kong huwag na.
Habang naglalakad ay sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi sumasagot. Isa lang ang sigurado ako. Nakikita niya ako kahit saan ako pumunta, siya ang laging nakatingin sa akin. Kinabahan ako bigla. Secret admirer ba siya o stalker? Maybe both.
Pagpasok ko sa cr ay tinawagan ko ulit siya. Bigla akong kinabahan nang sinagot niya ang tawag.
"Nasaan ka? Let's meet now!" I said. Pero hindi siya sumagot.
"Magpakilala ka na sa'kin. Ayaw ko na nang ganito." hindi parin siya sumagot. Huminga ako ng malalim, nakakainis na talaga!
"Sa rooftop. Now." sabi ko at binaba na tawag. Nag-ayos muna ako ng sarili. Wala namang pinagbago. Inayos ko ang salamin ko at ang bangs kong humaharang sa salamin. Inayos ko rin ang uniform ko, ang palda ko na lagpas tuhod. Nerd na nga manang pa. Kaya noong una ay hindi ako naniwala na may secret admirer ako e.
Binuksan ko ang pinto at naglakad na papunta sa rooftop. Pagdating ko doon hiningal ako. Kakakain ko lang pero feeling ko nagugutom ako.
Naglakad ako papasok, nakita kong may isang bench doon at nagulat ako sa nakaupo. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Why is he here?
Aalis na sana ako dahil hindi ko kayang maglakad papunta doon. Pero narinig kong tinawag niya ako kaya napahinto ako.
"Quennie! Why are you leaving? Sit here." Sabi ni Prince. Napangiti ako. Kailangan ay maging normal ako sa harap ng crush ko.
Naglakad ako papunta sa direksyon niya at umupo sa dulo ng bench. Tiningnan ko si Prince, para talaga siyang Prinsipe! Ang tangos ng ilong niya at mapula niyang labi, nakaka patay.
"Pwede ba kitang halikan?" bigla kong hinawakan ang bibig ko. Tae na naman. Dapat ay sa isip ko lang sasabihin iyon. Napalakas ata. This is crazy! Sana ay dumating na kung sino man ang pinunta ko dito.
Nakita kong nagulat si Prince sa narinig niya. Tae, Prince. Pati nga ako ay nagulat rin.
"What did you say?" tanong niya.
"What? I didn't say anything. Guni-guni mo lang ata 'yun." palusot ko sakanya. Sana ay maniwala siya. I'm praying now.
Para akong mahihimatay noong ngumiti siya. Stop that my Prince. I'm the Queen, can you be my King? Napailing ako sa naisip ko. Buti nalang ay hindi ko nalakasan.
"Bakit ka nga pala nandito?" pag-iiba niya ng tanong. Bakit nga ba? Nanlaki ang mata ko nang maalala ko kung bakit nga ba.
"Yung ano kasi. Y-yung ano. Secret Admirer." sabi ko. Tumango tango naman si Prince.
"Aalis na ba ako? Baka makaistorbo ako sa pag kikita ninyo." nagulat ako sa sinabi niya. Umiling agad ako.
"No, no, no. It's okay. Para naman may witness na nagkita na kami." sabi ko. Sana ay hindi na dumating kung sino ang secret admirer ko. Para kami nalang ni Prince ang mag-usap.
Ilang saglit ay hindi na kami nag-usap, pero okay lang dahil kontento na akong kasama si ultimate crush.
Maya-maya ay napatingin kami sa biglang dumating. Nakita ko rin na gulat siya at napalitan iyon ng inis.
"Why are you here ugly Queen?" tanong niya, tinarayan ko agad siya. Minsan ay istorbo talaga si Hans sa buhay ko.
"Why would you care?" tanong ko. Nagulat siya sa sinabi ko at lumapit saakin.
"Sumasagot ka na ngayon a." sabi niya. Tumayo si Prince at tumayo sa pagitan namin. Anong problema ni Hans? Baliw na ata. Lumalaban sa babae. Ano? Susuntukin niya ako. Tsk. Tinarayan ko nalang siya at tumayo na. Aalis na ako. Mukhang wala naman ang inaantay ko.
"Where are you going now?" tanong ni Hans. Tiningnan ko siya.
"Aalis na. I don't want to see you, istorbo." sabi ko. Hininaan ang huling salita.
"What did you say?" tanong pa ni Hans. Hindi ko na siya sinagot at naglakad na paalis.
Pababa ako ay tiningnan ko ang cellphone ko. How dare he that he ignored me. Hindi niya ko sinipot. Secret admirer ko ba talaga siya? O baka pinag titripan niya lang ako.
Pagkababa ko ay dumiretso ako sa locker ko. Napahinto ako nang makita si Luke sa harap ng locker ko.
"What are you doing here?" tanong ko pag lapit ko sakanya. Nagulat naman siya sa biglaang pagdating ko.
"Isasauli ko l-lang sana itong l-libro. H-hindi kita nakita kanina kaya dito nalang ako pumunta." sabi niya habang nauutal. Inilahad niya sa'kin ang libro at kinuha ko naman iyon.
"Thank y-you." he said.
"Your welcome. Sabi ka lang kung hihiram ka pa." sabi ko at nginitian siya. Tumango naman siya at iniwan ako.
Binuksan ko ang locker at maraming letters ang nahulog. Nanaman? Napailing nalang ako. Noong una ay natutuwa pa akong basahin ang mga ito. Pero kalaunan ay hindi na. Dahil nalaman na ng ibang mga estudyante at inasar na ako. I hate that I have a secret admirer because it gives so much attention. Noong dati ay binabalewala lang nila ako pero ngayon ay binubully na at inaasar.
Kinuha ko ang mga letters at ipinasok na sa locker. Ayaw ko nang basahin pa. Puro ka-corny-han lang.
Habang pinapasok ay mga letters ay napatigil ako. Naramdaman kong may nag picture sa'kin. Tumingin agad ako sa kaliwa't kanan. Walang tao. Binilisan ko ang ginagawa ko at isinara na ang pinto ng locker. Mabilis agad akong naglakad.
Habang naglalakad ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Dahan-dahan ko iyong tiningnan. Kinilabutan agad ako. Ito yung naglalagay ako ng letters sa locker kanina. Hindi na nakakatuwa ang secret admirer na ito.
Napatigil ako nang may mabangga ako.
"I'm sorry." sabi ko, nagulat ako kung sino iyon. Ngumiti siya sa'kin.
"Nakita mo ba si Mimah? May ibibigay lang sana ako sakanya." sabi ni Yvan. Nakita ko ang pagkain na hawak niya. How sweet.
"Nasa gym siya. Practice." I said at ngumiti sakanya. Tumango naman siya at umalis na.
Hanggang sa room ay tiningnan ko parin ang picture. Sino ba siya? Bakit hindi siya pumunta kanina?
"What's that?" biglang may umagaw s cellphone ko at tiningnan niya iyon. Pabida talaga.
"Ibalik mo na 'yan." sabi ko at pilit na inagaw ng cellphone kay Hans. Pero matangkad siya kaya hindi ko maabot.
Bigla siyang tumigil at tumingin sa'kin.
"Tinitext ka na ngayon ng secret admirer mo?" tanong ni Hans. Hindi ako makasagot dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Tae. Ngayon ko lang napansin ang gwapo niya pala. Kaya lang mas bet ko parin si Prince. Bigla kong inagaw ang cellphone. Nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko na siya pinansin at umupo nalang.
Noong dumating ang prof. at nagsimula na siyang mag lesson ay naging tahimik na ang buhay ko. Hindi na ako kinulit ni Hans and I'm thankful for that.
Ilang subjects pa ang dumaan at uwian na. 6:30 ang uwian kaya medyo gabi na. Naglakad ako papunta sa gym para puntahan si Mimah. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay napatigil ako. Biglang tumaas ang balahibo ko.
Sa hindi kalayuan ay may nakatayong lalaki katabi ng isang punong kahoy. Medyo madilim kaya hindi ko kita ang mukha niya. And one thing is for sure. He's looking at me.
"What are you looking at?"
"Tae ka!" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng lalaki sa harap ko. Nakita ko ang ngisi niya. Tinarayan ko nalang siya.
"I'm not tae. I'm Hans the handsome." sabi niya at ngumiti pa. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na. Nakakainis! Napaka epal talaga.
BINABASA MO ANG
The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)
أدب المراهقينNaging sikat siyang Nerd dahil sa secret admirer niya. Marami na siyang pinagkamalang tao pero sa huli ay bigo siyang makilala kung sino ba talaga. Ang ultimate crush niya? Ang lalaking nambubully sakanya? O ang nerd na katulad din niya? Let's find...