CHAPTER 13
Prom
Nakatulala ako ngayon sa kisame at iniisip ko ang nangyari kanina. Totoo ba iyon?
"Nakakainis!" sabi ko at napaupo sa kama.
Bakit ko ba iniisip ito? Baka nagsisinungaling lang si Hans, hindi ba? Tama! Hindi ko na iisipin pa iyon. I'm sure na pinagtitripan niya lang ako.
Pagkagising ko kinaumagahan ay bumangon na ako. Niligpit ko muna ang kalat sa kwarto saka lumabas. Nakita ko si Mama na naghahanda na nang almusal.
"Good morning, my Quennie. Your breakfast is ready!" sabi ni Mama. Nginitian ko siya.
Umupo ako at ganoon din ang ginawa ni Mama.
"May plano na ako sa birthday mo. We will having a party," Sabi ni Mama. Tumingin naman ako sakanya.
"Ma, you don't need to do that. Isang araw lang 'yun maraming masasayang na pera." I said. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama.
"Kaya nga dapat bongga kasi isang araw lang. Tutulungan ako ni Mimah kaya huwag kang mag-alala." sabi ko na nga ba. Si Mimah ang may pakana nito.
"Just invite your classmates." Dagdag pa ni Mama.
Napangiwi nalang ako. Hindi ko iimbitahan ang mga kaklase ko.
"At nakabili na pala ako ng gown na susuotin mo. Sa susunod na araw na yun, hindi ba?" tanong ni Mama. Tumango ako at nagsimula nang kumain.
"Ako ang mag-aayos sayo. Kailangan ikaw ang pinakamaganda sa gabing iyon."
Pagkatapos kumain ay naghanda na ako para pumasok. Pagbaba ko ay nandoon na si Mimah. Sabay kaming lumabas at sumakay sa jeep.
Pagdating sa room ay nakita ko kaagad si Hans. Umiwas siya ng tingin nang makita niya ako. Huminga ako ng malalim. '
'Isipin mo nalang na hindi totoo ang sinabi niya kahapon, Quennie.' Sabi ko sa sarili ko.
Maya-maya ay dumating na ang proof at nagsimula nang maglesson. Kagaya ng dati ay nagreresite pa rin ako. Pero wala nang sumisigaw para sa'kin. Bakit ko namang gugustuhin na mayroong sumigaw?
Noong magluch break ay sabay kami ni Mimah. Habang kumakain ay nakita ko na papalapit saamin sina Hans at Prince. Bigla akong kinabahan dahil doon.
Parang nakaramdam ako ng disappointment noong nilagpasan lang ni Hans ang mesa namin. Si Prince lang ang umupo sa harap namin.
"Pansin kong hindi ka inaasar ni Hans ngayon, may nangyari ba?" tanong ni Mimah. Tiningnan ko siya at umiling.
Noong hapon na iyon. Ay wala akong pinagsabihan. Hindi ko ikiniwento Kay Mimah na umamin si Hans. Dahil hindi ko alam kung totoo ba talaga kung totoo 'yun.
"LQ?" tanong ni Prince. Tiningnan ko siya.
"Hindi a. Mabuti na ngang hindi niya ako iniistorbo ngayon." I said. Naiisip ko tuloy na sinunod niya ang sinabi ko na iwasan niya na ako.
"This is our last practice. You should do your best. And good luck for your final performance." our couch said.
Gaya ng sinabi niya ay last practice na namin ito sa sayaw, dahil bukas ay magpapahinga kami. Maghahanda para sa Prom night sa susunod na araw.
Habang nagpapractice ay tinitingnan ko si Hans. Seryoso niyang sinasayaw ang partner niya. Hindi man lang siya tumitingin sa banda namin.
"Are you okay?" biglang tanong ni Prince. Tumango ako.
BINABASA MO ANG
The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)
Teen FictionNaging sikat siyang Nerd dahil sa secret admirer niya. Marami na siyang pinagkamalang tao pero sa huli ay bigo siyang makilala kung sino ba talaga. Ang ultimate crush niya? Ang lalaking nambubully sakanya? O ang nerd na katulad din niya? Let's find...