Chapter 3

132 7 0
                                    

Chapter 3

Unknown

"Oh, Ugly Queen, I heard na magkikita na daw kayo ng secret admirer mo. Ano? Who is the poor guy?" tanong ni Venus, naglalakad ako pababa at nakasalubong ko siya.

Naglakad na ako at balak ko sanang hindi n siya pansinin pero hinawakan niya ang braso ko.

"I'm talking to you. 'Wag mo akong tinatalikuran." she said. Humarap ako sakanya at hinawi ang kamay niya.

"I don't have time for the shits, Venus." I said, nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at iniwan na siya.

Usually, kapag normal na araw ay hinaharap ko siya at hinahayaan na laitin ako. But this day is different, I feel ashamed. Nahihiya ako s ginawa ko. Paano kapag nalaman nila na pinagkamalan kong admirer si Hans, their ultimate crush? I'm doomed.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Ganyan naman talaga lagi. Ano pa bang bago? Hindi pa ako nasasanay.

"I heard na magkikita daw sila sa rooftop."

"Bakit mukha siyang disappointed?"

"Siguro ay panget din ang admirer niya at nag-expect siya na gwapo iyo."

Sabi nila at nag tawanan na dahil sa sinabi noong huli. Natigil ako saglit. Paano nila nalaman ang mga iyan?

"My gosh, Quennie. Kanina pa kita hinahanap!" biglang sulpot ni Mimah sa harap.

"Ano? Kumusta na? Nagkita na kayo? Bakit mukha kang brokenhearted?" sabi niya at hinila ako.

"You know what. Naiwan mo ata ang letter nung admirer mo. Kaya pagdating ko sa room, hawak na ng iba at nabasa na. At syempre, chismoso/sa. Kaya nagkalat na." kwento niya habang naglalakad kami. Kaya pala. Naiwan ko sa pagmamadali, kainis.

Pupunta ata kaming canteen. Hindi parin ako nakapagsalita.

"Upo ka muna dyan, I'm gonna buy food. Alam kong 'yun ang katapat mo." sabi niya at umalis. Nakaupo ako ngayon at nakapangalumbaba.

Maya-maya lang ay dumating na si Mimah at nagsimula na agad kaming kumain.

"Alam mo namang mas lalo kang pumapanget kapag nakasimangot ka. So what is it? Gwapo ba?" biglang tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain.

"Hindi kami nagkita." I said.

"So bakit ka ganiyan?"

"Tinanong ko si Hans kung siya ba ang secret admirer ko." muntik na siyang mabulunan dahil sa sinabi ko.

"Tae, Queen! Why would you do that?" Tae talaga, I'm so dead. Wala na akong mukhang maihaharap pa kay Hans!

"Pinagtawan niya ako nakita iyon ni Prince." sabi ko. Isa pa yan, kaya ako ganito ay dahil din kay Prince. Nakakahiyang mapahiya sa harap ng crush mo!

"It's okay, at least nalaman mong hindi siya. Hindi mo na siya paghihinalaan." sabi niya at tumango pa. Iniisip na super ganda ng ideya niya.

"I have an idea,"  biglang sabi ni Mimah. Itinaas niya pa ang hintuturo niya.

"Bakit kaya hindi mo nalang imbistigahan lahat ng lalaking malapit sayo, baka isa sakanila ang totoong admirer mo." sabi niya. Inisip ko ang sinabi niya.

"Pero wala akong close na lalaki." I said napahawak naman say noo si Mimah.

"Nakakainis! Maging friendly ka kasi. O kaya naman ay mag jowa ka nalang. Baka kapag nalaman niyang may boyfriend, magpapakita 'yun dahil magseselos." itinuloy ko nalang ang pagkain at hindi na pinasin si Mimah. I don't like her ideas.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na si Mimah, may practice pa siya. Ako naman ay dumiretso sa locker para kunin ang gamit doon.

Habang naglalakad ay nararamdaman kong parang may nakatingin sa'kin. Tumigil ako at tiningnan ang bandang likod, wala naman akong nakitang kapansin pansin.

Noong makarating ako sa locker room ay binuksan ko agad ang locker ko. May nakita akong isang letter. Binuksan ko iyon at binasa.

'I'm sorry hindi ako nakapunta. Babawi ako. It's nice to see you.'

Lumingon ako sa kaliwat kanan ko, walang tao. Kinabahan ako dahil parang may tao dito bukod sa'kin. Umalis ako at naglakad na may dinaanan akong trash can at itinapon ang sulat. Ayaw ko na nito. Hindi ko na papansinin kahat ng mga ibibigay niya. Kung hindi siya magpapakilala ay bahala na siya.

Pagdating ko sa room ay pinagtitinginan agad ako. Lumapit saakin si Sam, isa sa mga classmates ko.

"So ano, Quennie? Mas gwapo ba sa'kin?" sabi niya at ngumiti pa. Isa siya sa mga lalaking walang sawang inisin ako. Hindi ko siya pinansin at umupo na.

"Ouch! Deadma na naman!" sigaw ng isa pang lalaki. Hindi ko na sila tiningnan pa at inabala ang sarili sa paggawa ng assignment.

"Q-quennie?" napalingon ako sa lalaking nagsalita sa harap ko. Inayos niya ang salamin niya. Si Luke, He's  nerd like me.

"Y-yung h-hinihiram k-kung book. Can I borrow n-now?" nauutal niyang wika. Ngumiti ako sakanya at kinuha ang librong hinihiram niya. Inabot ko iyon sakanya at kinuha niya naman.

"T-thank you." sabi niya at bumalik na sa upuan niya.

Nagpag-isip-isip ko na wala nga akong close na lalaki. Pero may mga lumalapit sa'kin. Tiningnan ko ang paligid. Sino sakanila? Kailangan kong pag-isipan ito. Ayaw kong mag padalos dalos na naman.

Lumipas ang mga subjects at uwian na agad. Mabuti nalang at hindi ako masyadong nabully ngayon. May mga araw na mas malala pa ang mga nangyayari sa'kin.

Pumunta ako sa gym dahil aantayin ko si Mimah umuwi, pagdating ko doon ay nagpapractice pa sila. Ngumiti at kumaway si Mimah noong makita ako. Umupo ako sa bench sa unahan.

Habang nakaupo ay pinagmamasdan ko ang practice nila. Sinasali ako dyan ni Mimah noon pero hindi ako pumayag, hindi ako bagay doon at isa pa mas lalo lang akong pagtatawan. Habang naghihintay ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng uniform ko. Tiningnan ko iyon at nakitang may nag text na unknown number.

'Ingat sa pag-uwi. Kung sana lang  pwede kitang ihatid sainyo.'

Kinakabahan agad ako sa nabasa ko. The hell! Paano niya nalaman ang number ko? Nilibot ko ang mata ko sa buong gym, wala nang tao dito bukod say mga nag papractice at sa akin.

"Oh anong nangyari sa'yo?" tanong ni Mimah. Nasa harapan ko na pala siya.

"Wala. Tapos na kayo? Let's go." I said at dinala na yung bag ko. Sumunod naman si Mimah.

Pagkalabas namin sa gym ay may nakita agad akong pamilyar na lalaki.

"Yvan!!" sigaw ni Mimah at tumakbo papalabit sa boyfriend niya. She has a boyfriend, three months na sila at halos isang taon siyang niligawan ito. Napapikit ako ng mariin ng makita na hinalikan ni Mimah si Yvan. The nerve of this girl. Naglalandian pa sa harap ko.

Napadilat ako nang nagvibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at isang message na naman galing sa unknown number kanina. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.

It's me. Ngayon lang ito. Nag send siya ng picture na nakapikit ako.

'Ang ganda mo talaga Quennie.'

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon