Chapter 17

112 3 0
                                    


CHAPTER 17

Pogue

Nakikita ko sa hindi kalayuan ang mga taong umiiyak habang ibinababa ang kabaong. Habang ako naman ay wala nang mailabas na luha, naubos na ata noong mga nakaraang araw.

"Let's go?" tanong ni Mama. Tumingin ako sakanya at tumango.

Bago umandar ang sasakyan ay tiningnan ko muna ang kinalalagyan ng kaibigan ko. Sana ay masaya siya kung nasaan man siya ngayon. At sana, mapatawad niya ako.

Sakay ang inarkilang van ni mama ay umalis na kami. This is real. Aalis na talaga kami. Sabi ni mama ay sa Bikol kami pupunta. Sa kapatid niya, doon muna kami titira.

Hindi ko alam kung makakayanan ko ba ang buhay probinsya. Ang alam ko lang ay makakatulong ang paglayo ko para makalimutan ako ng mga taong nasaktan ko.

Habang nasa byahe ay tinitingnan ko ang mga matataas na building, ang mahabang traffic at inaalala ang buhay dito sa Maynila. Huminga ako ng malalim, sana ay maging maayos na siya.

Mahaba ang byahe, mahigit sampung oras. Pumikit ako.

Happy birthday to me.

Kaarawan ko ngayong araw. Gusto sana ni Mama na kumain muna kami sa isang Restaurant para i celebrate ang birthday ko pero tumanggi ako. Wala akong karapatang mag-celebrate, namatay ang kaibigan ko dahil sa'kin.

Naalala ko pa na may plano sana siya ngayong debut ko. Biglang tumulo ang luha. Akala ko ba ubos na ito? Huminga ako ng malalim at pinunasan ito.

Pinili kong matulog nalang para mawala sa isip ko ang lahat kahig saglit lang.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sikat ng araw. Tumingin ako sa labas, ibang-iba na ang itsura nito. Inalis ko muna ang salamin ko at kinusot ang mata ko, pagkatapos ay ibinalik ko na ang salamin ko.

"Nandito na ba tayo Ma?" tanong ko kay Mama na katabi ko ngayon. Tumingin si Mama sakin at ngumiti.

"Malapit na." She said.

Dahil malapit na ay hindi na ako natulog ulit. Pinagmasdan ko nalang ang mga puno sa gilid. Sumandal ako sa salamin, at dinama ang mga iba't ibang puno na nakikita ko. Sobrang layo nito sa bayan, halatang nasa dulo kami ng baranggay na ito.

Maya-maya ay nakita ko na ang mga bahay sa labas. Umayos ako ng upo.

"Nandito na tayo." sabi ni Mama sakin.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Binuksan ko ang pinto ng Van at bumaba. Nakita ko ang isang lumang bahay Mga matitibay na kahoy ang pundasyon nito. May ikalawang palapag din. Kahit na luma ay makikitang may pagka-moderno na ang disenyo nito.

"Nandito na pala kayo. Pasok na, naghanda ako ng umagahan." magiliw na bati ni Tita. Sumama sakanya si Mama. Ako naman ay ninamnam pa ang sarap nang simoy ng hangin.

"Excuse me."

"Aray!" sigaw ko. Dahil may narinig akong may nagsalita sa likod ko, haharap palang sana ako ay binangga na ako.

Tiningnan ko ang lalaking walang suot na damit na dala ang gamit namin at ipinasok iyon sa bahay ni Tita.

Hindi ako makapaniwala. Hindi man lang nag-sorry! Walang modo!

Tiningnan ko ng masama ang lalaking lumabas na ulit. Nakangiti siya sakin. Tiningnan ko ang katawan niyang walang damit, napalunok ako. Bakit may abs siya? Ganyan ba ang mga lalaki dito sa probinsya? Sabagay, kargador siya kaya siguro ganyan. Pero hindi siya mukhang kargador! Umiwas ako ng tingin noong malapit na siya
.
"Magayon baga pre."

"Magayon man ngani suplada man."

Napalingon ako sa likod ko. Anong pinag-uusapan nila?

Naglakad nalang ako papasok sa loob. Pagpasok ko ay nakita kong naghahanda na ng pagkain sina Mama. Umupo na ako at pagkatapos ay nagsimula ng kumain.

"Tita tapo na po." natigil ako sa pagkain ng may biglang dumating. Nakadamit na siya ngayon, tiningnan niya ako at ngumiti. Tinarayan ko siya at kumain na ulit.

"Maraming salamat Pogi. Mag kakan na muna kamo."

"Dai na po. Masupog sa bisita. Maduman na po kami."

Anong pinagsasabi nila? Dapat pala ay nagpaturo akong mag bikol noon kay Mama. Nakakainis!

Pagkatapos kumain ay pinagmasdan ko ang mga gamit sa bahay. Mga luma na. Bahay ito ng mga yumao kong lola at lolo na magulang ni mama. At si tita ang nag-aalaga nito. Walang asawa at anak si Tita kaya sobrang saya niya na nandito kami.

Nandoon sila sa sala, ako naman ay naisip kong magpahinga nalang.

Kinaumagahan ay parang naging magaan ang pakiramdam ko.

Inayos ko muna ang sarili ko. Bumaba ako at naligo. Pagkatapos ay sumabay na ako kina Mama na kumain ng almusal.
Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas.

Pagkatapos kong maghugas ay lumabas ako ng bahay. Nakita ko doon si Tita. Lumapit ako sakanya. Paglabas ay nakita ko na may naghahakot ng mga gamit sa kabilang bahay.

"Anong meron?" Tanong ko kay Tita.

"Aalis na ang may-ari ng bahay. At ibibenta na ang bahay. Sa abroad na siya titira kasama ang pamilya." napatango naman ako sa sinabi niya.

Napatingin ako sa lalaking walang kahirap hirap na binubuhat ang isang kahoy na upuan. Siya yung lalaki kahapon.

"Pogi... ba ang pangalan niya?" tanong ko ulit kay Tita. Napatingin siya sakin.

"Sino si Apollio?" hindi ako nakasagot sa tanong ni Tita dahil hindi ko alam kung sino ba.

"Yung nagbubuhat. Si Apollio Guerero Villermo. Pogi ang palayaw niya. Bagay sa itsura." Sabi ni Tita. Halatang kinikilig sa huling sinabi niya.

"Kaya  ba pogi kasi aPOlio at GUErero? Kargador ba talaga siya?" natawa si Tita sa huli kong tanong.

"Hindi no. Anak yan ng Mayor. Ganyan talaga yan, mabait at matulungin." sabi ni Tita

Napatingin ulit ako sa lalaki. Huminto siya ng makita ko. Tinarayan ko siya at pumasok na sa loob. Naiinis ako sa presensya niya.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon