CHAPTER 24
Again?
"My God! Anong ginawa mo Quennie?" wika ni Tita at lumapit sa'kin saka hinawikan ang buhok ko. Ngumiti ako sa reaksyon niya.
"Napaka ganda mo na. Teka, nakikita mo ba ako?" natawa ako sa tanong ni Tita. Tumango ako sakanya.
Hindi na ako nakasuot ng salamin. Hindi naman ganun kalabo ang mata ko at isa pa, nagsuot din ako ng contact lens.
"You like a real Queen with invisible crown." Wika ni Gabriella, nandito kami ngayon sa kwarto ko.
"I can't believe it. Kaya pala ayaw mong makipag kaibigan noong una. Ang sakit ng pinagdaanan mo. I can't blame you for that." wika niya pa.
Naikwento ko kasi sakanya ang nangyari noon. It's been a month. At nagagawa ko ng ngumiti ngayon.
"Okay na ba ito?" tanong ko at ipinakita ang isang dress. Tiningnan niya ito ng mabuti saka umiling. Nakabusangot naman ako.
Naging magkaibigan na kami ni Ella, nick name ni Gabriella. Palagi siyang nasa bahay noon. Kwinento kasi sakanya ni Apollio ang nangyari noon. At ewan ko ba. Ang kulit kulit kaya. Pero ang kakulitan niya ay mayroong magandang naidulot sa'kin.
Palagi niya akong sinasama kapag mag sho-shopping siya. Pumapayag naman ako para malibang kahit paano.
At ngayon, mag eenroll kami. Sabi niya noon ay hindi sila dito mag-aaral pero pinilit niya ang Dad niya na dito nalang. Dahil ayaw niya daw akong iwan.
"Magpapa-enroll lang naman tayo, bakit kailangan naka dress pa?" tanong ko sakanya habang naghahanap ng ibang damit. Kahit wala na naman akong mahanap.
"Syempre. Para maraming boys na ma-inlove satin. At isa pa. Freshman tayo kaya dapat ay bongga na." sabi niya at tinulungan na ko sa paghahanap.
"This is great!" wika niya at ipinakita sa'kin ang sleeveless na dress.
"Ayaw ko niyan. Fitted!" I said at hinawi ang dress na ipinakita niya.
"This is so cool. May boobs ka naman. And napaka ganda ng katawan mo. That f*cking curve of yours."
"Kadiri ka!" sabi ko at tinanggal ang kamay niyang hinawakan ang boobs ko pababa sa pwet ko. Tumawa siya.
"You're so cute. Kaya maraming naiinlove sayo. Including kuya!" napatingin ako sakanya.
"What?" tanong ko.
"Napaka manhid mo talaga. Ewan ko ba kung bakit mo tinaboy si Hans." sabi niya. Bigla naman akong napaisip. Si Hans. Wala na akong balita sakanya. Noong umalis siya ay hindi na siya ulit bumalik pa. Nakakatawa. Bakit siya babalik kung pinaaalis ko na.
"Anyway. Magbihis ka na. Hihintayin kita sa baba." sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Tiningnan ko ang dress na napili niya. Ito na nga lang ang susuotin ko.
Nagbihis ako at naglagay ng light make up sa mukha. Ibang iba na ang itsura ko. Hindi ako makapaniwala na naging nerd ako noon. But, that was my precious moments. Kung hindi ako naging nerd ay hindi ko siguro makikilala ang mga taong malapit sa'kin ngayon.
Bumaba ako pagkatapos kong magbihis. Tumayo si Ella nang makita ako. Ngumiti siya, alam ko kung bakit siya masaya. Dahil sinuot ko ang napili niya. At nakasandals din ako ngayon at sling bag.
"Let's go Madam." wika ni Ella. Natawa ako sakanya.
Paglabas namin ay nakita ko ang isang kotse na nakaparada. Sumakay si Ella sa driver's seat at ako naman sa passengers seat. Inayos namin ang seat belt at umalis na.
Pagdating namin sa ay ipinarada ni Ella ang sasakyan at bumaba na kami.
Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ako sanay sa ganito. Mas okay pang pinagtitinginan nila ako dahil Nerd ako pero ngayon ay iba na.
"Nakakahiya." wika ko kay Ella. Tiningnan niya ako at ngumiti lang siya sa'kin at ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ko. Gustong guto niya ng ganito.
"The hell!" biglang sigaw ng isang lalaki at hinila ako. Kita ko ang galit ni Apollio.
"Ano bang iniisip niyo? Sa school kayo pupunta hindi sa mall." wika niya. Tiningnan niya ng masama ang kapatid niya.
"Huwag mo ngang dinadamay si Quennie sa mga ginagawa mo." Galit na wika ni Apollio sa kapatid niya. Tinarayan lang siya ni Ella.
"Huwag ka ngang makialam kuya. Tara na nga." sabi ni Ella at hinila ang kamay ko saka naglakad.
Mag-aaral din si Apollio dito at 3rd year college na siya.
Pinasa namin ang mga requirements at nag fill up ng mga forms. Pagkatapos namin gawin yun ay napagpasyahan namin na kumain muna.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna ako kay Ella na pupunta sa cr, siya naman ay nauna nang pumunta sa parking.
Muntik na akong maligaw dahil sa laki ng school at idagdag mo pa na bago palang ako dito. Pagpasok sa cr ay nag-ayos muna ako sa salamin, napatigil ako ng nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ang isang unknown number. Binasa ko ang text message niya.
'Ang ganda mo talaga Quennie. Can you be mine? Your secret A.'
Bigla akong kinabahan sa nabasa ko. Na naman ba? Sana ay hindi na ito totoo!
Bigla akong napaisip , parang pamilyar ang numero na ito! Nakita ko na ito noon.
Dali-dali akong lumabas at hinanap kung sino ang nag text sa'kin nito. Nakita ko siyang nakikipag tawanan sa kaibigan niya. Noong nakita niya ako ay lumapit siya.
Nang makalapit ay bigla ko agad siyang sinampal. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Ikaw ba ang nagpadala nito?" tanong ko kay Apollio at ipinakita ang cellphone ko.
"Alam mo naman ang pinagdaanan ko dahil dito hindi ba?"
"I'm just kidding." wika niya.
"This is not funny!" wika ko at tinalikuran na siya at naglakad palabas sa school.
"I'm sorry, I'm just joking." wika ni Apollio sinundan niya ako hanggang sa labas. Hinawakan niya ang braso ko para mapaharap sakanya.
"I'm sorry. Hindi na mauulit." wika niya.
Magsasalita na sana ako pero nagulat ako ng may humila sa'kin at biglang sinuntok si Apollio. Natumba si Apollio at napahawak sa panga niya.
Nang humarap ang lalaki ay nanlaki ang mata ko.
"Hans?" wika ko sa hindi makapaniwalang pangyayari.
"Let's go." aniya. Kita ang galit at inis sa mukha niya.
Hinila niya ang kamay ko at pumunta sa isang kotse. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pumasok ako doon. Umikot si Hans para sumakay sa driver's seat.
Nang maayos na ang lahat ay pinaandar niya na ang sasakyan.
"Akala ko ba nasa New York ka?" Tanong ko hindi niya pinansin iyon. Kita ang pag igting ng panga niya. Halatang pinipigilan ang galit.
"Bakit ka nandito? Akala ko ba umalis ka na?" Tanong ko ulit. Tiningnan niya ako saglit pagkatapos ay sa unahan ulit.
"F*ck, Quennie. I leave because you want me to leave. Hindi ko gusto ang nakita ko. Gusto mo ba akong umalis dahil may Mahal kang iba?" wika ni Hans. Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa unahan.
"Anong bang sinasabi mo? At saan ba tayo pupunta?" naguguluhan kong tanong.
"Sa Maynila. Let's get married." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"What? Nahihibang ka na ba?"
"Kung itataboy mo ako ngayon ay hindi na ako papayag. Sinubukan kong magsimula sa New York, but f*ck hindi ko kaya. It's now or never, Quennie. I will marry you."
BINABASA MO ANG
The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)
Teen FictionNaging sikat siyang Nerd dahil sa secret admirer niya. Marami na siyang pinagkamalang tao pero sa huli ay bigo siyang makilala kung sino ba talaga. Ang ultimate crush niya? Ang lalaking nambubully sakanya? O ang nerd na katulad din niya? Let's find...