CHAPTER 7
Help
Pagkatapos kong banggitin ang pangalan ni Samuel ay ibinaba niya na agad ang tawag. Sinubukan kong tawagan ulit ang numero pero wala nang sumasagot. Huminga ako nang malalim, at least now I know who he is.
Pagdating nang lunes ay naghanda na ulit ako sa pagpasok. Kagaya nang dati ay sabay ulit kami ni Mimah.
Pagdating sa school ay naghiwalay na naman kami. Naglakad ako papunta sa room, pagdating ko sa room ay wala pang tao. Pero may nakikita akong isang lalaki. Nakatayo sa desk ko at hawak ang bulaklak doon.
Biglang nabitawan ni Sam ang bulaklak noong nakita ako.
"Ikaw ba ang naglagay niyan dyan?" Tanong ko sakanya pagkalapit ko. Hindi siya nagsalita.
"Ikaw ang tumawag kagabi, hindi ba?" tumingin sa'kin si Sam na nagtataka.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Hindi ako makapaniwalang itatanggi niya pa.
"Ikaw ang secret admirer ko, Sam. Tumawag ka, narining ko ang boses mo." natawa siya sa sinabi ko. Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman.
"I don't have your number. Paano kita tatawagan? Baka kaboses ko lang 'yun," he said. Lumapit siya sa'kin ng kaunti.
"Or maybe, you have crush on me kaya pati boses ko ay naririnig mo na." tinarayan ko sya dahil sa sinabi niya. Umatras ako ng kaunti.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang umamin?" medyo pagalit ko nang tanong. Naging seryoso ang mukha niya. Tiningnan niya akong mabuti.
"Just be careful, Quennie. Your secret admirer is possess on you. Hindi mo alam ang kaya niyang gawin sayo at sa mga taong nakapaligid sayo."
Kinakabahan ako sa narinig ko. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin siya sa likod ko, napatingin din ako sa kakapasok lang na lalaki. Masama ang tingin ni Luke saamin. Ang nerd din na katulad ko.
Sa sinabi ni Sam ay mas lalo akong naguluhan. Hindi na naman si Sam ang secret admirer ko? Sino ba talaga? Nawawalan na ako ng pag-asa. At kinakabahan na ako sa mga pwedeng mangyari.
Habang nagkaklase ay lumulutang ang isip ko. Bumalik ang diwa noong may pumitik sa noo ko.
"Aww!" Daing ko, tiningnan ko nang masama si Hans na nasa tabi ko.
"Ang panget mo kapag may iniisip kang malalim. Baka malunod ka." sabi ni Hans. Sinamaan ko siya ng tingin.
Tiningnan ko ang proof na naglelesson sa harap mabuti nalang at nakatalikod siya kaya hindi nya kami makita. Sinipa ko agad ang paa ni Hans. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Tinarayan ko siya.
"Anong iniisip mo?" Tanong niya.
"Mind your own business." I said. Naiinis siya sa sinabi ko. Pero may ngiti sa labi niya.
"Baka naman ako ang iniisip mo kaya ayaw mong sabihin." nagulat ako sa sinabi niya. Ang kapal talaga.
Hindi ko nalang siya kinausap pa at nakinig na sa lesson.
Nang matapos na ang lesson ay nag-ayos na ako ng gamit ko. Maglalakad na sana ko pero nakita ko si Prince na palapit sa'kin. Naalala ko ang nakita ko noong isang araw, nakita ko siyang may kasamang iba. Gusto ko na siyang iun-crush kaya lang mahirap. Iniwasan ko nalang siya at umalis na. Ayaw ko munang makausap siya.
"Really Quennie!?" napalakas ang boses ni Mimah kaya pinandilatan ko siya ng mata.
Nandito kami sa canteen at kiniwento ko sakanya ang mga ginagawa ng secret admirer ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)
Teen FictionNaging sikat siyang Nerd dahil sa secret admirer niya. Marami na siyang pinagkamalang tao pero sa huli ay bigo siyang makilala kung sino ba talaga. Ang ultimate crush niya? Ang lalaking nambubully sakanya? O ang nerd na katulad din niya? Let's find...