Chapter 18

108 5 0
                                    

CHAPTER 18

Future

Pagkalipas ng ilang araw ay nasanay na rin ako sa lugar na ito.

Totoo ngang nakakagaan ng pakiramdam dito. Ang sariwang hangin at ang tahimik na lugar. Gusto ko na dito.

Nagising ako dahil sa tiktilaok ng manok. Nag-unat muna ako at umupo sa kama. Kinuha ko ang salamin ko at sinuot iyon.

Ano na naman kaya ang gagawin ko ngayong araw?

"Subukan mo kayang lumabas naman Quennie. Palagi ka nalang nasa loob ng bahay. Mula ata noong dumating kayo ay hindi ka pa lumalabas." Wika ni Tita.

Nandito kami sa kusina at kumakain ng almusal.

"Okay na ako dito sa bahay." wika ko.

Noong simula nang pagdating namin ay pinagkakaabalahan ko ay mag linis ng bahay at mag walis sa bakuran.

Si Mama naman ay sinasama ni Tita sa bayan. Naghahanap ng pagkakakitaan. Mag aaply sila sa isang parlor. Nalungkot tuloy ako dahil doon. Pati ang negosyo ni Mama ay iniwan niya dahil sa'kin.

"Malapit na ang fiesta dito. Makipag kaibigan ka naman sa mga kasing edad mo." suhistyon ni Tita. Umiling ako sakanya.

"Wag na po. Saka hindi ko sila maintindihan." sabi ko.

"Marunong naman silang mag-Tagalog anak." napatingin ako kay Mama. Pati ba naman siya?

"Hayaan mo. Kapag pumunta si Pogi ay ipapakilala kita sakanya." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita. Umiling ulit ako.

"Po? Huwag na. Ayoko!" sabi ko. Ayaw kong makipag kaibigan sa lalaking iyon. O kahit na kanino.

Nagkatinginan ang magkapatid. Ano na naman ba ang iniisip nila?

"Oh siya. Sige. Kung ayaw mo ay sumama ka nalang sa'kin bukas." sabi ni Mama.

"Saan po?" I asked.

"Debut ng kapatid ni Pogi bukas. Kailangan nila ng make-up artist kaya sumama ka. Marunong ka naman mag make-up hindi ba?" tanong ni Tita. Tumango nalang ako. Dahil kapag hindi pa ako pumayag ay magagalit na sila sa'kin.

"Ilang taon na po si Po- I mean yung lalaki?" tanong ko kay Tita tumgin siya sa'kin.

"Bente siguro. Bakit?"

"Ahm Wala po." gusto ko lang malaman.

Pagkatapos kumain ay naghanda na si Mama at si Tita sa pag-alis. Ako naman ay naghugas ng pinggan  at pagkatapos ay maglilinis ng bahay.

Pagkatapos kong maglinis sa taas ay pumunta muna ako sa may bintana para sumagap ng hangin. Itinali ko ang buhok kong nakalugay at nagpunas ng pawis.

"Miss! Gusto mo?" nagulat ako sa biglang sumigaw.

Inayos ko ang salamin ko at tiningnan kung saan iyon. Nanlaki ang mata nang makita ang isang lalaki, nasa itaas siya ng puno ng mangga siya.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan! Bumaba ka nga baka mahulog ka!" sigaw ko sakanya. Nakita kong ngumiti siya. Doon ko lang napansin kung sino siya. Ano nga ulit pangalan niya? Apo- ano? Hays. Bakit nakalimutan ko?

"Ayos lang! Basta ikaw ang babagsakan ko!" narinig kong sigaw niya. Sinamaan ko siya ng tingin at tinarayan.

May puno ng mangga sa harap ng bahay. At doon umakyat ang lalaking 'yun.

Bumaba ako para puntahan siya. Pagkababa ay lumabas agad ako.

"Saluhin mo!" napatingin ako sa itaas. Nakita ko na may paparating na mangga sa'kin, umilag agad ako. Mabuti nalang at hindi ako natamaan.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon