Chapter 23

115 5 1
                                    

CHAPTER 23

Change

Love can makes you happy. If you love someone, you will do everything to keep him safe. And in my case, hindi masaya si Hans. I know, sino ba naman ang matutuwa kapag itinaboy ka ng taong mahal mo. But don't get me wrong, ginagawa ko ito para maging ligtas siya. It sounds selfish. But the truth is, it's love.

Kinaumagahan ay nag-ayos ako ng sarili. Suot ang pants, t-shirt , sapatos at pati narin ang salamin ko ay umalis ako ng bahay.

Hindi alam ni Mama at Tita na umalis ako, dahil hinintay ko muna silang umalis bago ako nag-ayos. At ngayon, nakasakay ako ngayon sa jeep habang tinitingnan ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim at inalala ang usapan namin ni Yvan.

"Quennie, umalis na tayo. Sumama ka na sa'kin."

"Nasaan ka Yvan?"

"Sasama ka na sa'kin?" wika niya gamit ang masayang boses.

"Nasa kabilang brgy. ako. Hindi ako makalapit sayo dahil maraming makakakita sa'kin. Please Quennie. Sumama ka na."

Bumaba ako sa jeep at naglakad kung nasaan ang bahay na tinutuluyan ni Yvan. Nandito nga siya, sinundan niya ako! I can't believe it.

Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko na unti-unting nawawala ang mga bahay. Nasa may gubat na ang patungo sa daanang ito. Ang ibig sabihin ay dito nga siya nagtatago.

Naglakad ulit ako at ilang saglit lang ay may paliko na. Gaya ng sinabi ni Yvan kahapon. Huminga ako ng malalim bago nag patuloy.

Sa pagliko ay kita agad ang isang bahay kubo. Kinabahan na ako ng makita ang isang lalaking nag-aantay sa'kin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa kaunting distansya nalang ang pagitan namin. Naalala ko ang lahat. Dahil sa pagmamahal ni Yvan ay may nawala, at ang masakit, mahal siya ng taong 'yun.

"I'm so glad you're here." nakangiting wika ni Yvan.

"Hindi mo alam kung anong mga pinagdaanan ko para makarating dito. Sinundan ko pa ang lintik na si Hans!" sabi niya at naglakad papunta sa'kin.

"Sumuko ka na sa mg pulis , Yvan." I said. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Pati ba naman ikaw, Quennie?" tanong niya.

"Lahat nalang ng tao ay pinapasuko ako. WALA AKONG NAGAWANG MASAMA!" Nagulat at napaatras ako dahil sa sigaw niya.

"Sila ang may dahilan kung bakit sila nadamay. Pinigilan nila tayo. Wala akong kasalanan." wika niya. Nakita kong nanlilisik ang mga mata niya. At ngayon ko lang napansin na sobrang pumayat siya. Ibang-iba sa Yvan noon.

"Umalis na tayo." sabi niya at hinila ang kamay ko.

"Yvan, sumuko ka na!" sigaw ko habang binabawi ang kamay ko. Tiningnan niya ako ng masama.

"Sasama ka sakin sa ayaw at gusto mo." wika niya at hinila niya ako papasok sa kubo.

Nang makapasok kami ay nakita kong nag imapake siya ng mga gamit. Sobrang kalat sa loob at amoy panis na mga pagkain. Nagulat din ako nang kunin niya ang baril na nakapatong sa lamesa. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Let's go." wika niya.

Binuksan niya ang pinto ng kubo. Naglakad kami palabas at sabay kaming napahinto nang may mga dumating na sasakyan.

Mga pulis mobile at may isang van. Bumaba ang mga pulis at tinutukan ng baril si Yvan. Nakita ko sa likod nila ang nag-aalalang mukha ni Hans. Kasama niya si Prince at si Sam. At nagulat ako na nandoon din si Apollio.

"Huwag kang kikilos ng masama! Ibaba mo ang baril mo!" wika ng isang pulis.

Hinila ako ni Yvan papalapit sakanya, nasa unahan ako ni Yvan!  Binitawan niya ang bag na dala at hinawakan ang tyan ko. Nagulat ako ng itinutok ni Yvan ang baril sa ulo ko.

"Kung mamamatay man ako ngayon. Isasama kita." seryosong wika ni Yvan.

"I love you, Quennie. At hindi ko ginusto na umabot sa ganito ang lahat. At si Mimah..." biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya.

"She loves me. At... Pinatay mo siya." naiyak ako sa huling salita na binitawan niya. Tama, pinatay ko nga siya.

Unti-unting inalis ni Yvan ang tutok ng baril sa ulo ko. Huminga ako ng malalim. Ngunit napalitan ulit ng kaba ang pakiramdam ko nang marinig ang malakas na putok ng baril. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Masong tumulo ang mga luha sa mata ko.

Unti-unting binitawan ni Yvan ang tyan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala. Si Yvan... ang naging secret admirer ko. Ang nakagawa ng masama dahil sa hindi tamang pagmamahal na naramdaman niya para sa'kin.

Ay namatay. Binaril niya ang sarili niya.

Paano mo malalaman kung tama ang pagmamahal?

Biglang nag slow motion ang lahat sa paligid ko. Natauhan ako ng may isang lalaking tumakbo at niyakap ako.

"It's okay. Umuwi na tayo." wika ni Apollio.

Ngayon tapos na ang lahat. Wala na si Yvan. Tapos na rin ba para saatin, Hans?

"Kapag nahuli na si Yvan, aalis na ko."

Bigla akong napabangon dahil sa isang pamilyar na panaginip. It's been two days noong nangyari ang lahat at hanggang ngayon ay napanaginipan ko na naman si Hans.

Simula noong araw na iyon ay hindi ko na nakita si Hans. Tinupad niya ang pangako niya. Umalis na nga siya. At hindi ko alam kung bakit ganito.

Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba. Naabutan ko si Mama na nag aayos na ng dadalhin para sa trabaho niya.

"Kumain ka nalang dyan. Umalis na ang Tita mo." tumango ako kay Mama at ngumiti.

Simula noong nangyari ang lahat ng iyon ay parang naging okay na ako. I mean, hindi ko naman ginusto na binaril ni Yvan ang sarili niya. Alam kong nakagawa siya ng mali at dapat ay yung tamang kaparusahan ang hinarap niya. Hindi kasalanan ang mag Mahal. Ang kasalanan lang ay gamitin ito sa maling paraan.

Paglabas ko ng kusina ay nagulat ako sa lalaking nakaupo sa sala. Ngumiti siya ng makita ako. Tumayo siya at naglakad ako papalapit sakanya.

"Nandito ka pa?" tanong ko, kahit halata na ang sagot.

"Yap. May mga gamit gamit pa akong kukunin. At dumaan na ako dito para magpaalam." he said. Ngumiti ako.

Ngayon na nandito siya ay wala na akong nararamdaman na kakaiba. Noon ay para akong nababaliw kapag kaharap siya. Ngayon ay normal nalang.

"About Hans." Panimula ni Prince.

"He's going to New York. Hindi mo ba siya pipigilan?" tanong niya. Tiningnan ko siyang mabuti at umiling.

"Kapag nandito daw siya sa Pinas ay hindi ka niya matitiis na hindi puntahan." sabi niya at ngumiti.

"I know, you had crush on me before." nagulat ako sa sinabi niya. Nakakahiya.

"I know you love Hans. Sana ay bigyan mo siya ng chance to prove himself. At sana ay patawarin mo na ang sarili mo." wika niya at umalis na.

Umakyat ako sa kwarto, hindi ko alam kung bakit iniisip ko ang sinabi ni Prince.

Napadaan ako sa malaking salamin sa kwarto ko. Bumalik ako doon at tiningnan mabuti ang sarili ko.

Tinanggal ko ang salamin ko at hinawakan ang mahaba kong buhok. Panahon na ata para ibahin naman ang style ko.

Kumuha ako ng gunting at sinimulang gupitin ang buhok ko. Kapag nagkamali ay ipapayos ko nalang kay Mama ito.

Nang matapos ay tiningnan kong mabuti ang buhok kong hanggang balikat na. Ngumiti ako. It's time to make changes.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon