Chapter 11

102 6 0
                                    

CHAPTER 11

Baby

Noong mga nakaraang araw ay nakaya kong iwasan sina Hans at Prince pero ngayon ay hindi ko na ata magagawa. Why? Magsisimula na ang practice namin nang sayaw para sa Prom night. At mamayang hapon na iyon mangyayari.

"Kumusta na kayo ni Yvan?" I asked. Nandito kami ngayon ni Mimah sa library. Naghahanap kami ng libro para sa isang subject namin.

"I don't know. His cold na. Parang may iba sakanya. Nagalit agad siya noong may lalaki akong kasama. Dati naman ay hindi." she said. Naghahanap kami ng libro sa bookshelf.

"Nagseselos lang iyon. Let him be. Ganoon daw kapag mahal ka. Nagseselos." sabi ko. Tiningnan ako ni Mimah at ngumiti siya.

"Really? How did you know? Ikaw ha, baka may love life ka na. Hindi mo sinasabi sa'kin." Mimah said. Tinarayan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Ang lawak ng imagination mo. I don't have one. At walang maiinlove sa'kin." sabi ko at kinuha ang libro na nahanap ko. Naglakad ako sa bakanteng table at umupo sa upuan. Ganun din ang ginawa ni Mimah.

"Kumusta 'yung secret admirer mo? Nagparamdam na ulit ba?" bigla akong napaisip sa sinabi ni Mimah.

Hindi na nagpaparamdam ang secret admirer na iyon. Dapat ko ba itong ikatuwa o mag-isip na nang masama?

Pagkatapos naming magbasa sa library ay naglakad na ako pabalik sa room. Si Mimah naman ay pumunta sa locker niya.

Habang naglalakad ay napatigil ako dahil nakita ko si Yvan sa hindi kalayuan. Naglakad ako papalapit sakanya.

"Yvan!" tawag ko sakanya. Nagulat naman siya sa pagdating ko.

"Hey. What's wrong?" tanong niya. Ngumiti ako sakanya.

"Wala naman. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Nandito kasi siya sa tapat ng Dean's office.

Si Yvan ay ka-year level lang namin. Pero hindi namin siya kaklase ni Mimah.

"I'm just waiting for someone." he said. Ngumiti ako.

"Tungkol nga pala sainyo ni- ouch!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may biglang naglagay ng braso sa balikat ko at naglakad siya kaya nadala ako.

Yumuko ako para makawala sakanya. Tiningnan ko siya ng masama. Nakangiti naman siya.

"Ano na naman ba!?" tanong ko kay Hans. Nakakabwisit talaga siya.

"Don't talk to strangers." he said. Tiningnan ko siya ng masama.

"He's not a stranger, I know him." I said. Ngumisi siya.

"I don't care, baby." bigla akong kinabahan sa tinawag niya sa'kin. The freak. Baby!?

Tumingin ako sa likod, nakita kong wala na si Yvan. Tiningnan ko nang masama si Hans. Hindi na niya ako pinansin at tinalikuran niya na ako.

"Hans!" tawag ko sakanya. Napahinto naman siya. Naglakad ako palapit sakanya, hinarap niya ako. I need to ask something.

"Noong gabing iniligtas mo ako. Nakita mo ba ang mukha nung lalaking sumunod sa'kin?" tanong ko. Naging seryoso naman ang mukha niya.

Naalala ko na ilang beses niya iyong nasuntok. Kaya alam kung nakita niya kung sino iyon.

"Who is he?" tanong ko ulit nang hindi sumagot si Hans. Seryoso parin ang mukha niya.

"You don't need to know." Nakasimangot ako sa sinabi niya.

"I need to know. I'm the victim. I need to know Hans, so tell me. Who is he?" ngumiti sa'kin si Hans. Yung ngiting ngayon ko lang nakita. Parang genuine smile. Nakaramdam ako ng kakaiba.

"Just forget about it. Ako na ang bahala sakanya. Just stay safe. Malalaman mo rin kung sino siya sa tamang panahon." sabi niya at naglakad na paalis.

Tae! I know it. Kilala ni Hans kung sino iyon? Kilala niya rin ba kung sino ang secret admirer ko?

Pagdating ko sa classroom ay dumating na rin ang prof. Nagsimula na siyang mag lesson. Habang naglelesson ay  ganun parin. Nakikinig ako at sumasagot sa mga tanong.

"That's my baby." Rinig kong wika ng isang lalaki. Natuliro nalang ako. Alam ko ang boses na'yun. Ayaw kong tumingin sa likod, sa kaliwa o kanan man. Nahihiya ako sa sarili ko. Nakakainis. Bakit ba niya ako tinatawag na baby?

Ilang oras pa ang lumipas at oras na para mag practice ng sayaw para sa Prom night.

Sabay kaming bumaba ni Mimah papunta sa court.

"Mabuti nalang at si Sam ang partner ko. I don't like other boys sa classroom bukod sakanya. At syempre bukod sa Prince mo." sabi niya habang naglalakad kami.

"Ang swerte mo. Crush mo ang partner mo, sana ay naging kaklase natin si Yvan para siya ang partner ko." sabi niya.

Gusto ko sanang sabahin na ayaw kong ka-partner si Prince ngayon  dahil sa pambabanta ni Venus noon. Pero wala akong magagawa.

Pagdating namin sa court ay pinalinya na ang babae at lalaki. Kailangan ay kaharap ang ka-partner nila.

Kaharap ko na si Prince ngayon. Matangkad siya at hanggang balikat niya lang ako.

"Hold the hands of your partner." sabi noong nagtuturo samin.

Para akong estatwa, hindi ako makagalaw. Anong feeling na hawakan ang kamay ng crush mo? Mafi-feel ko na iyon!

"Just relax, Quennie." sabi ni Prince.

Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya iyon sa balikat niya. Nilagay niya naman ang kamay niya sa baywang ko.

Nilalamig na ako. Sana ay hindi na matapos ang practice na ito. At sana rin ay hindi marinig ni Prince ang lakas ng tibok ng puso ko. Napayuko ako, ayaw kong tingnan ang mukha niya. I'm sure na namumula ako.

"Don't touch my baby."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa may gilid namin. Seryoso siya at may galit sa mata niya.

"She's not your baby, Hans. Bumalik ka na sa partner mo." sabi naman ni Prince. Napaangat ang ulo ko sakanya. Nakangiti si Prince kay Hans. Magkasing tangkad lang sila.

"Dito muna ako. Practice pa lang naman." Sabi ni Hans. Kita ang inis at lungkot sa mukha niya.

"Are you crazy? Iiwan mo ang partner mo?" tanong ko sakanya. Tumingin siya sa'kin.

"Of course. Basta ikaw ang pupuntahan ko, iiwan ko kahit sino pa sila." seryoso niyang wika. Nagkatinginan kami. At una akong pumutol sa titigan namin. Bakit parang may iba akong nararamdaman sakanya. It's wierd.

"You're so corny man." sabi ni Hans. At ngumingiti pa. Hindi ko sila maintindihan.

"Let's practice more." sabi ni Prince at hinila niya ako papalapit sa dibdib niya. Kaya nayakap ko siya sa sobrang gulat.

"THE FUCK!" biglang sigaw ni Hans. Hinila niya ako papunta sa likod niya.

Tumatawa-tawa si Prince habang si Hans ay nanggigigil na sa galit.

"Anong gulo dyan sa likod? Are you listening?" napatingin kami sa unahan. Doon ko lang napansin na lahat sila nakatingin sa banda namin. Pati ang nagtuturo ay kita ang galit sakanya.

This is hell. Bakit ba kasi ganito maka react si Hans. His driving me crazy!

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon