Chapter 19

107 3 1
                                    

CHAPTER 19

Pizza

"This is Quennie. My future girlfriend." Wika ni Apollio.

Nagulat ako sa narinig ko. Nilingon ko siya at sinamaan ko siya ng tingin. Nakangiti naman siya sakin. Langya.

"Aray!" sabi niya. Inapakan ko kasi ang paa niya. Naalis niya ang braso niya sa balikat ko dahil doon.

"Tawag ka ng kapatid mo." sabi ko sakanya. Iniinda niya parin ang sakit sa paa.

Tinarayan ko siya at tumalikod para umalis.

"Mayo ka man palan Pogi." Narinig kong wika ng isang lalaki. Nagtawanan sila.

Naglakad na ako papasok sa bahay. At umakyat na sa hagdan.
Habang paakyat sa hagdan ay naramdaman kong may nakasunod sa akin.

"Mali ba ang sinabi ko? Dapat ba ay future wife?" napahinto ako sa paglalakad at hinarap ang lalaking ito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwede ba tumigil ka. Kapag hindi ka tumigil ay hindi lang ang paa mo ang sisipain ko." sabi ko. Tinarayan ko siya at naglakad ulit.

Bubuksan ko na sana ang pinto kaya lang may nauna na saakin.

"Lady's first." Wika ni Apollio. Inilahad niya ang braso niya papasok na parang pinapadaan ako. Ngumiti siya sakin. Tinarayan ko nalang siya at umiling. Napaka imposible ng lalaking ito.

Pumasok ako sa loob at sumunod naman siya. Nakita kong naka gown na si Gabriella.

"Kuya!" sigaw ni Gabriella ng makita ang kapatid niya.

"I am pretty now?" tanong niya.

Inayos ko ang mga make-up kit.

"Nope." narinig ko wika ni Apollio.

"Wala namang maganda sa paningin mo e." reklamo ng kapatid niya.

"Mayroon na ngayon."

Pagkatapos kong ayusin ay binitbit ko na ang lalagyan. Aalis na ko. Naglakad na ako papunta sa pinto.

"Saan ka na pupunta?" napatigil ako at tiningnan si Gabriella.

"Uuwi na." I said. Nakita kong lumungkot ang mukha niya.

"Can you take us a picture muna?" Tanong niya. Tumango nalang ako. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya.

Inilapag ko ang bitbit ko at kinuha ang cellphone niya.

Inakbayan ni Apollio ang kapatid niya. Nagulat naman ang kapatid niya.

"Kuya, wag masyadong dumikit. Masisira ang make up ko." wika ni Gabriella. Napangiti ako ng may maalala.

"Quennie, wag kang malikot masisira ang make up ko!"

Kinuhaan ko agad sila ng picture at inilagapag ko ang cellphone sa mesa. Kinuha ko ang kits at umalis na.

Nang makalabas sa kwarto ay pinunasan ko ang luha ko. Naalala ko si Mimah. Huminga ako ng mamalim.

"Oh. Nandito ka na pala. Tara na?" wika ni Mama ng lumabas siya sa isang kwarto. Ngumiti ako sakanya at tumango.

Pagkauwi ay nagpaalam akong aakyat na at magpapahinga. Ang totoo. Ito ako ngayon. Umiiyak na naman. Ang hirap mawalan ng kaibigan. Miss na miss ko na siya.

Kinaumagahan ay nagising ako sa sikat ng araw. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Kinuha ko ang salamin ko at sinuot. Nakita kong may taong inaayos ang mga kurtina.

"Nagising ba kita?" tanong ni Mama. Umupo ako at umiling. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang orasan. 8:30 am na.

"Bumangon ka na diyan. May mga tao sa baba. Hinahanap ka."

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon