Chapter 6

114 6 0
                                    

CHAPTER 6

Voice

Kinaumagahan ay maaga akong nagising, it's Saturday. And I love Saturdays. Umunat ako at bumangon na. Naligo muna ako bago lumabas nang kwarto.

Paglabas ko ay nakita ko si Mama na naghahanda na nang umagahan.

"Wala ka bang lakad ngayon?" tanong niya. Umiling naman ako.

"Tutulong lang ako sa'yo Ma." I said. Kapag weekend ay tumutulong ako sa parlor namin.

May manecure, pedecure, makeups at kahit anong pampaganda sa buhok, rebond. May mga katulong naman si Mama kaya lang gusto ko paring tumulong sakanya.

Umupo na kami at sabay na kumain. Sa kalagitnaan nang pagkain ay biglang dumating si Mimah.

"Wow! Perfect timing!" she said. Nginitian ko nalang siya. Gangan siya lagi kapag weekend, tambay samin. Minsan ay tumutulong din siya.

"Kain ka, Mimah."

"Sure po." Wala talaga siyang hiya. Kumuha si Mama nang isa pang pinggan at umupo naman si Mimah sa tabi ko.

"Balak po sana namin ni Quennie na mag mall mamaya. Okay lang po ba?" napatingin kay Mimah. Kailan kami nagbalak niyan?

"Wala naman tayo-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan niya na ako.

"Mag sho-shopping po kami. Alam niyo na, itong style ni Quennie ay medyo, baduy." sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya. Nginitian niya naman ako. Tiningnan ko si Mama at ngumiti din siya. Alam ko na ang sagot niya.

"Sige, mas mabuti pa nga 'yan kaysa tumulong sa'kin."

"Yes! Thank po, Tita."

Tinarayan ko nalang silang dalawa. Kapag ganyang mga bagay ay magkasundong-magkasundo talaga. Kumain nalang ako at hindi na sila pinansin.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Mimah.

"Mag-ayos ka na. I'm gonna pick you up later."

'Yan ang sabi niya kanina bago umalis, kaya ito ako ngayon. Pumipili nang mga damit na susuotin.

What should I wear? Wala akong masyadong damit.

Pagkatapos nang trenta minutos na paghahanap ay napagpasyahan ko na t-shirt nalang at maong pants, magsusuot na rin ako ang nang rubber shoes. Sinuklay ko ang buhok ko, medyo nahirapan pa ako dahil maraming sabit. Minsan ay dumadaing ako sa sakit. Kasi naman, isang beses lang ako sa isang araw nagsusuklay!

Maya-maya ay bumaba na ako. Nakita ko na medyo maraming tao ngayon. Nalungkot tuloy ako, dapat ay hindi na kami umalis ni Mimah. Makakatulong sana ako!

"Ito panggastos mo." biglang lapit sa'kin ni Mama at inabot sa'kin ang pera. Umiling ako at binalik sakanya 'yon.

"Ma, wag na. May ipon naman ako. Yun nalang ang gagamitin ko." I said pero umiling siya.

"No. Ipon mo yun. Kaya ito nalang."

"Let's go!" narinig kong sigaw nang kapapasok lang na si Mimah. Biglang binigy ni Mama ang pera kaya wala na akong nagawa.

Naglakad na ako papunta kay Mimah ay lumabas na kami. Sa labas ay pinagmasdan ko si Mimah. Nakasuot siya ng dress at sandals, pulang-pula din ang labi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi naman tayo mag mo-mall hindi ba? May date ka lang ata e." sabi ko. Ngumiti naman nang malapad si Mimah.

Sabi ko na nga ba! Ginagawa niya lang akong panakip butas e!

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon