Chapter 4

126 5 1
                                    

CHAPTER 4

Hate

Habang nasa byahe ay wala akong imik. Si Mimah naman ay busy sa harap ko, naglalandian sila sa harap ko. Nasa jeep kami at hindi sila nahihiya sa ibang tao. Tinarayan ko nalang sila. Tiningnan ko ang cellphone kong walang reply. Kanina ay tinext ako ang number ng 'Who are you?' pero hanggang ngayon ay hindi sumagot. 

Pumara kami at bumaba na. Nauna na akong maglakad kay Mimah dahil alam kong maglalandian pa sila. 

Pumasok ako sa bahay at naabutan ko si Mama na nagliligpit. 

"May pagkain na sa taas." sabi niya at nagmano ako. Tumango lang ako at umakyat na. Pumasok ako sa kwarto at tinawagan ang number. Hindi sumasagot. Mag titxt siya pero hindi niya ako kayang kausapin. Nakakainis talaga. 

Nagbihis ako at lumabas na para kumain. Naabutan ko si Mama na naghahanda ng mga pinggan, kinuha ko sakanya iyon at ako na ang naglagay sa mesa.

"Kumusta ang school? Nakilala mo na ba ang admirer mo?" tiningnan ko si Mama. 

"You don't need to know, Ma." 

"Hay naku. Nagdadalaga ka na. Kailangan mo nang mag-ayos ng sarili. Bakit ka ba kasi naging Nerd?" sabi ni Mama at umiiling iling pa. Inilagay niya sa mesa ang ulam at kanin. Umupo naman ako. 

"May parlor pa naman tayo pero ang sarili kong anak hindi ko maayosan." Magsisimula na naman siya sa sermon niya. Ano bang magagawa nila? This is what I want. 

Nagsimula na akong kumain at hindi na pinatulan pa si Mama. Kapag nagsalita ako ay hindi mas lalo lang siyang maninirmon. 

Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan at naghugas. Si Mama ay pumasok na sa kwarto niya at nagpahinga. Pagkatapos kong maghugas ay pumasok na rin ako. Tiningnan ko ang cellphone ko, may miss call doon galing sa unknown number. 

Nagdalawang isip ako kung tatawagan ko pa ba. Pero sa huli ay pinindot ko ang number niya. 

Kinakabahan ako nang biglang nag ring at sinagot agad. Tae. Anong gagawin ko? 

"Who's this?" tanong ko pero hindi nagsasalita ang kabilang linya. Naririnig ko lang ang malalim na paghangos niya. Hindi na ako nagsalita pa. Nagulat ako nang biglang bumakas ang pinto at pinatay ko agad ang tawag. 

"Ma!" sabi ko at tumayo. 

"I'm just checking kung matutulog ka na." Sabi ni Mama at naglakad palapit sa'kin. 

"Goodnight, my Queen." sabi niya at hinalikan ang noo ko. Ngumiti ako kay Mama.

"Goodnight, Ma." Sabi ko. Ngumiti si Mama at tumalikod na at umalis. Huminga ako ng maluwag. Tiningnan ko ang cellphone ko. Hindi ko na siya tatawagan. 

Kinabukasan ay sabay ulit kami ni Mimah pumasok. At kagaya kahapon ay naghiwalay na kami. Excuse siya sa buong subject dahil malapit na ang competition. Naglakad na ako papunta sa room. Pumasok ako sa loob at nakita ko sa desk ko ang isang chocolate bar. May nakadikit na letter doon. Kinuha ko at binasa. 

'Goodmorning, have a nice day.'

Biglang inagaw sa'kin ni Hans iyon kaya nagulat ako. Pagkatapos niyang basahin ay itinapon niya sa basurahan. 

"Akin nalang to." Sabi niya at kinuha ang chocolate. Pinabayaan ko nalang siya. I don't like chocolates kaya it's okay. 

Tiningnan ko si Hans na binuksan ang chocolate at binigyan ang ibang kaibigan niya. Ang aga-aga chocolate. 

Dumating na ang prof. at nagsimula nang maglesson. Nakinig naman ako nang mabuti. Nagreresite ako kapag may tanong at sinasamaan ako ng tingin ng ibang babae.

"Pabida talaga." sabi ng isang kaklase ko pagtapos kong sumagot. Hindi ko nalang siya pinansin. 

Pagkatapos ng lesson ay nagkaroon ng quiz. Ang iba ay nagreklamo pero wala silang nagawa kundi kumuha ng papel. Biglang may umupo sa tabi ko. Tiningnan ko siya at malapad ang ngiti niya sa'kin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. 

"Pakopya ako a." sabi ni Hans at tiningnan ang papel niya. What's wrong with this boy? Hindi naman siya ganyan dati. 

Nagsimula na ang quiz at panay ang sipa ni Hans sa paa ko. Sinasabi ng proof na takpan ang papel pero dahil sa ginagawa ni Hans ay sinusuway ko ang proof. Pag kami talaga nahuli ay papatulan ko na ito! 

Huminga ako ng maluwag nang matapos ang quiz ng hindi kami nahuli. Ngumiti sa'kin si Hans at tinarayan ko siya. Kainis. Akala ko ay titigil siya sa pang-aasar sa'kin dahil sa nangyari kahapon, lumala pa ata. 

Lumabas ako at naglakad papumunta sa locker. Pagbukas ko ay may nakita akong picture doon. Kinuha ko iyon at tiningnang mabuti. Picture yun kagabi. Noong papasok na ako sa bahay namin. Sinundan niya na ako?

"What's that?" Nagulat ako kaya agad kong tinago ang litrato.

"Ano na naman ba!?" sabi ko, dahil naiinis na ako sakanya. Ngumiti siya sa'kin. 

"Tapos mo na ba ang assignment ko?" tanong ni Hans. Tinarayan ko siya at kinuha ang notebook niya sa loob ng locker ko. Binigay ko iyon sakanya.

"Bakit maraming notebook dyan?" tanong niya habang nakatingin sa loob ng locker. Hindi niya pinansin ang kamay kong nakalahad sakanya. Mangangawit na ako.

"Nagpagawa ang ibang kaklase natin. At dahil sayo 'yun. Pasimunu ka e. " sabi ko at itinapon sa dibdib niya ang notebook. Nakuha niya naman iyon. 

"Tsk." Sabi niya at umiling iling pa. Nagulat ako nang kinuha niya Isa Isa ang notebook at iniwan ako. Problema niya? 

Isinarado ko ang pinto ng locker at naramdaman kong may nakatingin. Pinagmasdan ko ang paligid at may mga kaunting estudyante, pero alam kong wala silang pakialam sa'kin. Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at umalis na. 

"May pinagbigyan ka ba ng number ko?" tanong ko kay Mimah. Nandito kami ngayon sa canteen. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya.

"May nag-text na ba sayo? Anong sabi?" napayuko nalang ako sa sinabi niya. I knew it. Kaibigan ko ba talaga ito?

"Bakit mo pinagkalat?" tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya.

"Diba sabi ko sayo. Kailangan mong magkajowa para magpakita na ang secret admirer mo. So ano? May nag text na?" Sabi niya, hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba ang totoo. Kung ipinagkalat niya. Bakit siya lang ang nagttext. I mean, hindi ko naman gustong may iba pang mag text. It's wierd na siya lang. Hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang. 

Habang kumakain ay may narecieve akong text galing sa unknown number. 

"I don't like it. Ayaw kong nakikitang may ibang lalaki kang kasama." 

Bigla akong kinabahan. So hindi talaga si Hans. Sino ba talaga siya? I hate it. Pwede bang magpakilala nalang siyang tuluyan?

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon